Pumunta sa nilalaman

Takarazuka, Hyōgo

Mga koordinado: 34°48′41″N 135°20′26″E / 34.81139°N 135.34056°E / 34.81139; 135.34056
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Takarazuka

宝塚市
Paikot sa kanan simula sa itaas: tanawin ng lungsod kasama ang Gran Teatro ng Takarazuka, Sentrong Pansining ng Takarazuka, gusaling panlungsod ng Takarazuka, Museo ng Manga ni Osamu Tezuka
Watawat ng Takarazuka
Watawat
Opisyal na sagisag ng Takarazuka
Sagisag
Kinaroroonan ng Takarazuka sa Prepektura ng Hyōgo
Kinaroroonan ng Takarazuka sa Prepektura ng Hyōgo
Takarazuka is located in Japan
Takarazuka
Takarazuka
Kinaroroonan sa Hapon
Mga koordinado: 34°48′41″N 135°20′26″E / 34.81139°N 135.34056°E / 34.81139; 135.34056
BansaHapon
RehiyonKansai
PrepekturaHyōgo
Pamahalaan
 • AlkaldeHarue Yamasaki
Lawak
 • Kabuuan101.80 km2 (39.31 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Pebrero 1, 2024)
 • Kabuuan221,846
 • Kapal2,200/km2 (5,600/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+09:00 (JST)
Kinaroroonan ng gusaling panlungsod1-1 Tōyō-chō, Takarazuka-shi, Hyōgo-ken 665-8665
WebsaytOpisyal na websayt

Ang Takarazuka (宝塚市, Takarazuka-shi)[1] ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Hyōgo, Hapon. Magmula noong 1 Pebrero 2024 (2024 -02-01), may tinatayang populasyon na 221,846 katao sa 96,729 mga kabahayan ang lungsod, at mayroon itong kapal ng populasyon na 2,200 katao sa bawat kilometro kuwadrado.[2] Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 101.80 square kilometre (39.31 mi kuw). Kilala ito sa Palatuntunan ng Takarazuka [en], mainit na mga bukal, at panturismo na pagtatanghal ng mga pailaw sa Takarazuka, na idinaraos sa lungsod mula pa noong 1913. Dahil dito, binansagan ang Takarazuka bilang "inner parlor" ng rehiyon ng Kansai. Kilala rin itong pinipiling pantirahan na lugar, bukod sa mga lungsod ng Ashiya at Nishinomiya.

Matatagpuan ang Takarazuka sa hilagang bahagi ng lugar ng Hanshin. Pinalilibutan ito ng Kabundukan ng Rokkō sa kanluran at kabundukan ng Nagao sa hilaga. Dumadaloy naman ang Ilog Muko sa gitna ng lungsod.

Mga karatig-munisipalidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Prepektura ng Hyōgo

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[3] patuloy na tumataas ang populasyon ng Takarazuka mula noong dekada-1950.

Historical population
TaonPop.±%
1950 48,405—    
1960 66,491+37.4%
1970 127,179+91.3%
1980 183,628+44.4%
1990 201,862+9.9%
2000 213,037+5.5%
2010 225,587+5.9%

Mga kinakapatid na lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kakambal ng Takarazuka ang:[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ang panitik na kanji na (kodigong UTF-8 FA1016), na bahagi ng kinikilalang pangalan ng lungsod (宝塚市), ay hindi umiiral sa lahat ng mga sistema. (Maipapasok ito sa Wikipedia sa pamamagitan ng panitik na HTML na 塚.) Kung hindi umiiral, ginagamit ang panitik na kanji na (kodigong UTF-8 585A16, panitik na HTML 塚) bilang pamalit, kaya naisusulat ang Takarazuka bilang 宝塚市. ("Shirabetemimashita 'Takarazukashi' no zuka to ZU" (PDF). Kōhō Takarazuka (sa wikang Hapones). 1026: 8. 2004-06-15. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2007-09-27. Nakuha noong 2007-03-05.)
  2. "Takarazuka city official statistics" (sa wikang Hapones). Japan.
  3. Estadistika ng populasyon ng Takarazuka
  4. "国際交流のページ". city.takarazuka.hyogo.jp (sa wikang Hapones). Takarazuka. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-04-11. Nakuha noong 2020-04-11.
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gabay panlakbay sa Takarazuka, Hyōgo mula sa Wikivoyage