Pumunta sa nilalaman

Akademya Militar ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Akademya Militar ng Pilipinas
Sawikain sa TagalogKagitingan Karangalan Katapatan
Itinatag noong23 Oktubre 1898
UriAkademiyang serbisyo
SuperintendenteVAdm. Allan Ferdinand V. Cusi, PN
Commandant of CadetsBGen. Romeo Brawner, Jr.
Lokasyon
Muog Heneral Gregorio del Pilar
, ,
KampusMuog ng Del Pilar (373 hectares)
Dating pangalanAcademia Militar de Malolos (1898–1905)
Paaralan ng Opisyal, Konstabularyo ng Pilipinas (1905–1926)
Akademiyang Konstabularyo ng Pilipinas (1926–1935)
Awit ng Alma Mater"PMA, Oh Hail to Thee."
Mga Kulay Abo 
PalayawMga Kabalyerong PMA-
"Mistah" or "Bok"
ApilasyonNDCP, AFP
Websaytpma.ph
PMA Facade.JPG

Ang Akademya Militar ng Pilipinas[1] (PMA; Ingles: Philippine Military Academy; Kastila: Academia Militar de Filipinas) ay ang pangunahing akademiyang militar para sa mga Pilipinong naghahangad para sa isang komisyon bilang opisyal na militar ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP).[2] Itinatag ito noong 21 Disyembre 1936 sa bisa ng Batas ng Pambansang Tanggulan ng 1935. Ito ay tinularan sa Akademiyang Militar ng Estados Unidos.[3] Ang Akademiya ay matatagpuan sa lungsod ng Baguio.[4] Ito ay paaralan ng pagsasanay para sa mga magiging opisyal ng AFP.[5][6]

Sinusundan ng akademya ang mga pinagmulan nito noong 1898, nang ipinamahala ni Heneral Antonio Luna ang pagkatatag ng Academia Militar sa Pilipinas. Mula noon, ang akademiya ay nagsilbi bilang isang pambansang palatandaang pangkasaysayan para sa makasaysayang ambag at "mahaba at walang katapusan hanay ng kalidad ng edukasyong pangmilitar."[7] Ang kampus ay isang sikat na pasyalan ng mga turista sa Lungsod ng Baguio.[8] Ang pagpasok ng mga Kandidatong Kadete ay dapat sumailalim at pumasa ng mga sunud-sunod na pagsusulit (Nakasulat, Pisikal, Medikal at Neuro-Sikiyatriko); humigit-kumulang 400 kalalakiha't kababaihan ay pumapasok sa Akademiya bawat Hunyo.[9][10] Ang mga mag-aaral ay mga opisyal-sa-pagsasanay at itinuring bilang mga "kadete" o pinagsama bilang "Pulutong na Katede ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas" (CCAFP).[11] Ang bayad sa pag-aaral at buwanang pataan ay pinondohan nang buo ng pamahalaan sa palitan ukol sa isang obligasyon sa aktibong tungkulin sa serbisyo sa pagtatapos.

Ang programang pang-akademiko ay nagbibigay ng isang Batsilyer ng Agham sa Pamamahala sa Pambansang Katiwasayan na may isang kurikulum na nagpapanatili ng pamantayan ng mataas na antas ng pagganap ng kadete sa akademiko, taktika ng militar at kalakasan pampisikal at pampalakasan ng katawan. Ang mga kadete ay kinakailangang sumunod sa Alituntunin ng Karangalan na sinasabi na "Kami, mga kadete, at hindi nagsisinungaling, lumilinlang, nag-uumit, ni nagpaparaya sa kasama natin na gumagawa nito. Ibinabatay ng PMA ang pag-unlad ng cadet sa apat na aspeto: pagkatao, akademika, militar at pisikal[12] Ang mga nagtapos ay inatasan bilang pangalawang tenyente sa Hukbong Katihan ng Pilipinas at Hukbong Himpapawid ng Pilipinas at bilang insinya sa Hukbong Dagat ng Pilipinas.

Sa kabila ng limitadong alok sa batsilyerato, ang akademiya ay patuloy na nakapuwesto sa nangungunang 100 Pamantasan at Dalubhasaan sa Pilipinas ukol sa kalidad na edukasyon at pamamahala nito[13] Ang PMA ay sertipikadong ISO 9001:2015.[14]\

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Mga Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan sa Filipino" (PDF). Komisyon sa Wikang Filipino (sa wikang Filipino). 2013. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-03-29. Nakuha noong 27 Marso 2018. {{cite web}}: Cite has empty unknown parameter: |dead-url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Mahigit 11,000 kalalakiha't kababaihan kumuha para sa pagsusulit ng pagpasok ng PMA - ZamboTimes". Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Mayo 2016. Nakuha noong 15 Marso 2015. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Batas Komonwelt Blg. 1:MGA BATAS, KAUTUSAN at KODIGO ng PILIPINAS: AKLATANG ABOGASYANG CHAN ROBLES VIRTUAL". Nakuha noong 15 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Tungkol sa Akademya Militar ng Pilipinas
  5. "Sandatahang Lakas ng Pilipinas". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-11. Nakuha noong 2020-11-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 24718-gov-sahali-lauds-pma-for-holding-entrance-examinations-in-tawi-tawi "The Manila Times Online - Trusted Since 1898". Nakuha noong 15 Marso 2015. {{cite web}}: Check |url= value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. https://newsinfo.inquirer.net/1121689/pma-declared-national-historical-landmark
  8. https://www.tripadvisor.com.ph/ShowUserReviews-g298445-d5973431-r339149259-Philippine_Military_Academy-Baguio_Benguet_Province_Cordillera_Region_Luzon.html
  9. https://www.philstar.com/nation/2019/06/01/1922552/400-plebes-enter-pma
  10. https://pia.gov.ph/news/articles/1007126
  11. https://acronyms.thefreedictionary.com/CCAFP
  12. https://www.pma.ph/
  13. https://www.thesummitexpress.com/2020/02/2020-top-200-universities-and-colleges-philippines-webometrics-ranking.html
  14. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-17. Nakuha noong 2020-11-09.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Talaarawan ng Senado, Ika-4 na Tagapagbatas ng Pilipinas, Tomo 1, pahina 32, 23 Oktubre 1916 (nakasulat sa Kastila) Ang orihinal na sipi ay matatagpuan sa Gusaling Adams, Aklatan ng Konggreso ng EU

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]