Aklat ni Ester
Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
Ketuvim |
---|
Tatlong Poetikong Aklat |
1. Tehillim (Mga Awit) |
2. Mishle (Mga Kawikaan) |
3. Iyyov (Job) |
Limang Megilla |
4. Shir haShirim (Awit ng mga Awit) |
5. Rut |
6. Ekha (Mga Panaghoy) |
7. Kohelet (Mangangaral) |
8. Ester |
Mga Ibang Aklat |
9. Daniyyel (Daniel) |
10. Ezra-Neẖemya (Esdras-Nehemias) |
11. Divre haYamim (Mga Kronika) |
Ang Aklat ni Ester[1] o Aklat ni Esther ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Isa rin ito sa mga aklat na isinalin ni San Jeronimo at kabilang sa Deuterokanoniko.[1] Ito ang batayan ng Purim, isang pagdiriwang ng mga Hudyo.
Pamagat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hinango ang pangalan ng aklat mula kay Ester, isang bayaning babae ng mga Israelita. Iniligtas ni Ester ang mga taga-Israel mula sa tiyak na kamatayan, isang masamang balak ni Aman (o Haman), isang punong ministro ng Persiya. Sa ika-3 taon ng paghahari ni Ahasuerus ng Persiya(hindi umiral sa kasaysayan), ipinatapon ng hari ang reynang si Vashti at naghanap ng bagong reyna. Ang mga magagandang dalaga at nagtipon sa harem sa citadel ng Susa . Si Ester na isang Hudyo ay binihag mula sa Herusalem ar pinsan ng Benjaminitang su Mordecai. Sa payo ni Mordecai, itinago ni Ester ang kanyang pagiging Hudyo sa hari na gumawa sa kanyang Reyna nf Persiya.
Buod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dahil sa pagtanggi ni Mordecai na isang Hudyo na lumuhod kay Haman, binayaran ni Haman ang hari ng 10,000 talenting pilak para sa karapatan na patayin ang mga Hudyo. Itinakda ni Haman sa pahintulot ng hari ang pagpatay kay Mordecai at mga Hudyo sa pamamagitan ng palabunutan na bumagsak sa ika-13 ng buwan ng Adar.
Naalala ng hari ang pagkabigo sa pagtatangka sa kanyang buhay ng mga eunukong sina Bigthan at Teresh dahil ito ay natuklasan ni Mordecai at siya ay pinarangalan. Ang balak ni Haman ay nabigo sa pagpatay sa mga Hudyo dahil ito ay sinabi ni Ester na isang Hudyo na naging Reyna at asawa ni Ahasuerus at pinsan ni Mordecai. Sa utos ng hari, si Haman ay binitay mula sa 50 kubit na horka na itinayo ni Haman para pagbitayan ni Mordecai. Ang mga katawan ng mga anak ni Haman ay binitay rin pagkatapos patayin ng mga Hudyo sa digmaan. Pinatay din ng mga Hudyo ang 75,000 nilang kalabanan bilang pagtatanggol sa sarili.
Mga karagdagan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga Karagdagan sa Esther ay anim na kabanata (107 mga bersikulo) na nagkalat sa saling Septuagint ng Aklat ni Ester ngunit wala sa Tekstong Masoretiko na Bibliya ng Hudaismo. Ito ay nilagay ni Jeronimo ng kanyang salin na Latinong Vulgata. Ang mga ito ay kinabibilangan ng:
- Isang pagbubukas na prologo na naglalarawan sa isang panaginip ni Mordecai
- Mga atas laban sa mga Hudyo
- Mga panalangin ng tagapamagitan na inihandog ni Mordeca at Ester
- Pagpapalawak ng eksena kung saan si Ester ay humarap sa hari at pagbabanggit ng pamamagitan o interbensiyon ng diyos
- Kopya ng atas na pabor sa mga Hudyo
- Isang talata kung saan ipinaliwanag ni Mordecai ang kanyang panaginip
- Isang colophone sa huli na nagsasaad na "Sa ikaapat na paghahari ni Ptolomeo at Cleopatra, si Dositheus na nagsabing isa siyang saserdote at Levita at dinala ng kanyang anak na lalakeng si Ptolomeo ang naunang liham na nauukol sa Purim na kanilang sinabing tunay at isinalin ni Lysimachus anak ni Ptolomeo na isa sa mga mamamayan ng Herusalem.
Layunin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naging layunin ng nilalamang kasaysayan ng Aklat ni Ester ang patotohanan ang pangangalaga at paglingong may pagkalinga ng Diyos sa Israel.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 Abriol, Jose C. (2000). "Ester". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Aklat ni Ester/Esther, mula sa Ang Dating Biblia (1905)
- Aklat ni Ester, mula sa Ang Biblia, AngBiblia.net