Pumunta sa nilalaman

Aksidente sa bus sa Skyway ng Kalakhang Maynila

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang aksidente sa bus sa Skyway ng Kalakhang Maynila ay naganap noong ika Disyembre 16, 2013 sa pagitan ng mga baryo ng Bicutan at Sucat sa Lungsod ng Parañaque lulan ang mga pasaherong nasa 42, Ang iba rito na sugatan ay nasa 19 at ang mga naitalang kaswalti ay nasa 19.[1]

Ang bus ay nahulog mula sa itaas ng skyway ay bumagsak sa ilalim at nabagsakan nito ang isang deliver van na papuntang Makati.

Ang aksidente ay nangyari sa Kamaynilaan sa lungsod ng Parañaque dakong 4:00am ng umaga habang bumabiyahe ang isang bus na Don Moriano Transit lulan ang 42 pasahero, Ang bus ay galing sa terminal ng Pacita Complex sa San Pedro, Laguna paakyat sa linya ng Sky Way ng South Luzon Expressway, Ang bus ay nahulog sa taas na 6 na metro at nadaganan nito ang isang delivery van, Higit sa 19 ang mga sugatan at 19 ang mga nasawi, Ang driver nakilalang si Carmelo Calatcat ay kalaunan ay nasawi noong Disyembre 23, 2013, Nag resulta ang aksidente ng mabagal na trapiko mula sa skyway hanggang sa ilalim expressway sa pagitan ng Bicutan at Sucat.