Alexandrina Maria da Costa
Si Alexandrina Maria da Costa (30 Marso 1904–13 Oktubre 1955) ay isang mistikong Portuges, ipinanganak at namatay sa Balazar. Noong labing-apat na taong gulang pa lamang siya, tumalon siya sa bintana upang iwasan ang mga taong humahabol sa kanya. Dahil sa pangyayaring iyon, unti-unti siyang naparalisa na naging sanhi ng kanyang pagkakahimlay sa kanyang higaan simula pa noong 1925. Noong 1935, hiniling niya sa Papa na magkaroon ng konsekrasyon ang mundo sa Kalinis-linisang Puso ni Maria, na nangyari noong 30 Oktubre 1942. Simula noong 1943 hanggang sa kanyang kamatayan, pang-araw-araw na Komunyon lamang ang kanyang pagkain, na makikita ito sa ebidensiya ng medisina.
Nagiwan siya ng malawak na sulatin na pangunahing pinag-aralan ni Padre Umberto Pasquale, at Chiaffredo at Eugenia Signorile sa Italya. Noong 25 Abril 2004, idineklara siyang pinagpala ni Papa Juan Pablo II.
Sa Ireland, mayroon Lipunan si Alexandrina na pinapalaganap ang kanyang buhay at mga aral.
Panlabas na mga link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pahinang Portuges
- Maikling talambuhay
- Talambuhay sa Ingles Naka-arkibo 2004-11-01 sa Wayback Machine.
- Pahina ng Polyglot
- Autobiyograpiya sa Italyano Naka-arkibo 2005-12-27 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.