Pumunta sa nilalaman

Mariveles

Mga koordinado: 14°26′N 120°29′E / 14.43°N 120.48°E / 14.43; 120.48
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Alion)
Para sa pelikula, tingnan ang Mariveles (pelikula).
Mariveles

Bayan ng Mariveles
Mapa ng Bataan na nagpapakita sa lokasyon ng Mariveles.
Mapa ng Bataan na nagpapakita sa lokasyon ng Mariveles.
Map
Mariveles is located in Pilipinas
Mariveles
Mariveles
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°26′N 120°29′E / 14.43°N 120.48°E / 14.43; 120.48
Bansa Pilipinas
RehiyonGitnang Luzon (Rehiyong III)
LalawiganBataan
Distrito— 0300807000
Mga barangay18 (alamin)
Pagkatatag1754
Pamahalaan
 • Punong-bayanDr. Jesse I. Concepxion
 • Manghalalal89,085 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan153.90 km2 (59.42 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan149,879
 • Kapal970/km2 (2,500/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
39,410
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan10.64% (2021)[2]
 • Kita₱807,938,092.01 (2020)
 • Aset₱2,378,583,801.69 (2020)
 • Pananagutan₱2,056,427,846.66 (2020)
 • Paggasta₱782,249,372.08 (2020)
Kodigong Pangsulat
2105
PSGC
0300807000
Kodigong pantawag47
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikaWikang Mariveleño
wikang Tagalog
Websaytmarivelesbataan.gov.ph

Ang Bayan ng Mariveles ay isang ika-1 na klaseng bayan sa lalawigan ng Bataan, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 149,879 sa may 39,410 na kabahayan. 4.71 % ang antas ng paglaki ng populasyon ng bayan bawat taon, dalawang ulit ang laki kaysa sa antas ng paglaki ng populasyon ng lalawigan.

Ang pangalan ng Mariveles ay sinasabing galing sa "maraming dilis" na tumutukoy sa mga maliliit na isda na nahuhuli sa dagat na pumapalibot sa munisipalidad. Ang salitang "Maraming dilis" ay pinaikli sa "mara-dilis" at sa huli Mariveles sa pagdaan ng panahon.

Isa pang maromansang alamat ang karaniwang iniuugnay sa Mariveles, ang kasaysayan ni Maria Velez. Si Maria Velez ay isang mongha. Nagkaroon ito ng talisuyong isang paring Franciscano. Nagkasundo silang mgatanan. Dahil sa hindi dumating ang galyong sasakyan, sila ay nagtungo sa magubat na pook ng Camaya. Lumikha ng usap-usapan sa Maynila ang ginawang pagtatanan ng magkasintahan. Ipinag-utos ng pinuno na hanapin ang dalawa. Nagtanong ang mga kawal sa mga katutubo. Pinarusahan ang ayaw magtapat. Isang kawal Bataan ang nagtapat kung kaya dali-daling lumulan ang mga naghahanap sa “prahu” o Bangka at nagtungo sa Camaya. Natagpuan ang dalawa sa dalampasigan . Si Maria Velez ay gula-gulanit ang damit at sa tabi niya ay ang paring Franciscano. Dinala ang pari sa Maynila at nang lumaon ay sa Bisaya naman upang magturo ng relihiyon samantalang si Maria ay iniwan sa pag-aaruga ng isang matanda hanggang sa ipatapon sa siyudad ng Mexico. Sa pangyayaring naganap nagbuhat ang pangalan ng dalawang pulo sa Corregidor na ngayo’y tinatawag na pulo ng “Fraile” at pulo ng “Mongha”. Samantalang ang lugar na kinatatagpuan sa magsing-irog ay tinawag na Mariveles hango sa pangalan ni “Maria Velez”

Ang bayan ng Mariveles ay nahahati sa 18 mga barangay.

  • Sisiman
  • Balon-Anito
  • Biaan
  • Camaya
  • Ipag
  • Malaya
  • Maligaya
  • Mt. View
  • Townsite
Senso ng populasyon ng
Mariveles
TaonPop.±% p.a.
1903 2,350—    
1918 2,948+1.52%
1939 4,444+1.97%
1948 4,462+0.04%
1960 9,067+6.09%
1970 16,157+5.94%
1975 25,167+9.29%
1980 48,594+14.06%
1990 60,761+2.26%
1995 76,626+4.44%
2000 85,779+2.45%
2007 102,844+2.53%
2010 112,707+3.39%
2015 127,536+2.38%
2020 149,879+3.23%
Sanggunian: PSA[3][4][5][6]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province:". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Census of Population (2015). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population and Housing (2010). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Censuses of Population (1903–2007). "Region III (Central Luzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. "Province of". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.