Almondigas
Ang almondigas[1] (Ingles: meatball, binilog o bolang karne) ay mga bilugang masa ng mga giniling na karne at iba pang mga sahog, katulad ng tinapay o mga nahuhulog na tira ng tinapay, hiniwa-hiwang sibuyas, sari-saring panimpla o paminta, at itlog, na piniprito, hinuhurno, pinauusukan, o sinasarsahan.
Maraming mga uri ng resiping may almondigas na ginagamitan ng iba't ibang mga karne at panimpla. Habang ang ilang mga almondigas ay yari sa mga karne at sangkap na nagpapatatag sa kabilugan ng bola, ang iba naman ay maaaring sangkapan ng ibang sahog. Ang pagbubuo ng almondigas ay ayon sa kalinangan at panlasa ng mga tao. Mayroon din namang mga almondigas na walang karne upang tangkilikin ng mga taong kumakain lamang ng gulay (mga behetaryano).
Mula sa mga Balkan hanggang sa Indiya, malawak at sari-sari ang mga almondigas na nasa mag-anak ng mga kofta.
Ang aklat-panlutuing Romano, ang Apicius, ay naglalaman ng maraming resiping may almondigas.
Ang almondigas sa iba't ibang mga bansa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Almondigas". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagluluto at Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.