Anastacio Caedo
Si Anastacio Tanchangco Caedo (Agosto 14, 1907 – Mayo 12, 1990) ay isa sa mga dakilang eskultor sa Pilipinas. Naging estudyante siya ni Guillermo Tolentino, at siya rin ang ginawang modelo para sa eskulturang ginawa ni Tolentino para sa Unibersidad ng Pilipinas, ang Oblation. Isa sa mga nagawa niya ang monumento ng pagbabalik nila Heneral Douglas MacArthur sa Red Beach, Palo, Leyte noong Oktubre 14, 1944.
Bagaman nanomina siya bilang Pambansang Alagad ng Sining ng tatlong beses (noong 1983, 1984 at 1986), tinanggihan niya lahat ng nominasyon na ito.[1]
Unang yugto ng buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Anastacio Caedo noong Agosto 14, 1907 sa Batangas. Ang kanyang mga magulang ay sina Antonio Caedo at Genoveva Tanchangco.[2] May lahing Tsino ang kanilang angkan.[1]
Nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan ay naging guro niya sina Fernando Amorsolo at Guillermo Tolentino at sa Unibersidad ng Manila.[2][3]
Propesyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naging propesor sa Paaralan ng Pinong Sining (School of Fine Arts) sa Unibersidad ng Pilipinas si Anastacio Caedo sa loob ng dalawampung taon.[4] Siya rin ay naging katulong na iskultor ni Guillermo Tolentino.[2]
Mga nagawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasama sa mga naging obra ni Anastacio Caedo ay ang pitong estatwa ni Heneral Douglas MacArthur at ng kanyang mga kasama na kasing laki ng tao na matatagpuan sa Palo, Leyte, ang monumento ni Benigno Aquino na matatagpuan sa Lungsod ng Makati, ang monumento ni Juan Luna na makikita sa Intramuros at ang mga tropeo na ibinibigay ng Film Academy of the Philippines.[2][5]
Nakarating ng Alemanya at Estados Unidos ang ilan sa mga ginawang eskultura ni Anastacio Caedo kay Jose Rizal.[2][6] Ang ginawa niyang lilok ng itaas na bahagi ng katawan ni Jose Rizal ang pinili ng Jose Rizal National Centennial Commission na ibigay bilang opisyal na token sa mga dayuhang diplomatiko.[2]
Naging katulong ni Guillermo Tolentino si Anastacio Caedo sa paglilok ng UP Oblation, monumento ni Andres Bonifacio sa Lungsod ng Kalookan, at ang estatwa ni Pangulong Ramon Magsaysay na matatagpuan sa Ramon Magsaysay Center.[2]
Pagkamatay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Namatay si Anastacio Caedo noong Mayo 12, 1990.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Chua, Xiao. "The atelier on Blumentritt Extension" (sa wikang Ingles). The Manila Times. Nakuha noong 2018-10-13 – sa pamamagitan ni/ng PressReader.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 2.7 "NHI honors Batangueño artist Anastacio Caedo". Philstar.com. Nobyembre 16, 2008. Nakuha noong 2024-05-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "The National Museum PH celebrates the 114th birth anniversary of the Batangueño sculptor Anastacio T. Caedo #OnThisDay in 1907". National Museum of the Philippines in Facebook. Agosto 14, 2021. Nakuha noong 2024-05-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Crudo, Eugene Raymond P. (2022). "A. T. Caedo and the University of the Philippines: A Classical Sculptor's Contributions (1952 - 1972)". UP LOS BAÑOS JOURNAL. 20.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "MacArthur Landing Memorial National Park - Official Website | Sangguniang Bayan ng Palo". Sangguniang Bayan - Municipality of Palo, Province of Leyte (sa wikang Ingles). 2018-08-25. Nakuha noong 2024-05-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Ocampo, Ambeth R. (2017-08-30). "Traces of Filipinos in Hawaii". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-05-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)