Pumunta sa nilalaman

Halimaw

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ang Alamat ng Halimaw sa Banga)

Ang isang halimaw ay isang uri ng nilalang na kathang-isip na matatagpuan sa katatakutan, pantasya, kathang-isip na pang-agham, tradisyong-pambayan, mitolohiya, at relihiyon. Kadalasang sinasalarawan ang mga halimaw bilang mapanganib at agresibo at may kakaiba at nakakatakot na itsura na nagdudulot ng kilabot at pangamba. Kadalasang napakapangit nila na labas sa mundong ito at/o mutanteng hayop o kakaibang nilalang ng iba't iba ang hugis, subalit maari din itong mag-anyong tao, tulad ng mga mutante, aswang, espiritu, sombi o kanibal, bukod pa sa iba pang anyo. Maaring mayroon o walang kapangyarihang sobrenatural, subalit kadalasang may kakayahan silang pumatay o magdulot ng ilang anyo ng pagwasak, na binabantaan ang kaayusang lipunan o moral ng mundo ng tao.

Ang konsepto ng halimaw ay bago pa ng nakatalang kasaysayan, at ang akademikong pag-aaral ng partikular na pangkalinangang paniwala sa ideya ng halimaw ng isang lipunan ay kilala sa katawagang Ingles na monstrophy.[1] Lumilitaw ang mga halimaw sa panitikan at sa mga pelikula. Kabilang sa mga kilalang halimaw sa piksiyon sina Conde Dracula at halimaw ni Frankenstein, gayon din ang mga taong lobo, bampira, momya (o mummy), at sombi.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Call for Papers for Preternature 2.2" (sa wikang Ingles). Dr Leo Ruickbie. 28 Nobyembre 2011. Nakuha noong 30 Disyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)