Annie Valloton
Si Annie Valloton ay isang tanyag na Suwisang tagapagkuwento, mangguguhit, at babaeng alagad ng sining.[1][2] Isa siyang mangguguhit ng mga larawan para sa Bibliya at iba pang mga pampananampalatayang aklat na binanggit sa BBC News at nilarawan ng kompanyang naglalathalang HarperCollins bilang pinakamabenta o pinakamabiling artista ng sining sa mundo. Noong dekada 1970, gumuhit si Valloton ng payak na mga ilustrasyong ginamit sa Good News Bible na may payak o basikong salin sa Ingles ng Bibliya, na naging mabili at nakapagbenta ng 140 milyong mga kopya sa buong mundo. Binubuo ito ng 500 mga larawang puro guhit o linya lamang ng mga pigurang sumasayaw, nananalangin, nag-aaway, at bumubuhay ng mga patay. Dahil sa pagiging mabili ng Good News Bible, naging isang rekord sa mundo ang pagiging mabili rin ng mga iginuhit ni Valloton, na umabot sa 70 bilyong naibentang mga larawan. Kasama rin sa kanyang mga gawa ang aklat na Priority: Jesus' Life in Sixty Drawings[3], na naglalaman ng 60 mga larawang tumatalakay sa buhay ni Hesus.[2]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimulang gumuhit si Valloton noong napakabata pa. Gumuhit siya ng mga larawang ginamit para sa mga aklat ng kanyang amang manunulat ng mga nobela, mga kasaysayan, at mga talambuhay. Bagaman isang Suwisa, nanirahan si Valloton sa Pransiya. Una muna sa Alsace, pagkaraan lumipat siya sa Paris. Pinanatili niya ang kanyang kabansaan o nasyonalidad na Suwisa. Katulad ng kanyang ama, tinanggihan niya ang maging isang Pranses. Ang kanyang ama ay anak na lalaki at kapatid ng isang pastor ng pangkat ng Kristiyanong Suwisang Repormado, samantala apo naman ng isang Luteranong pastor ang kanyang ina. Noong nasa kanyang kabataan, nagpasya rin siyang gumawa ng Arts-Déco.[4]
Sipi ng pagbanggit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon kay Valloton, "Nagpapahintulot ang katatawanan upang makapagpatuloy ka (sa buhay), partikular na sa mga paksang pampananampalataya."[4][5]
Paglalarawan ng mga larawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nasa kapayakan ng mga larawang iginuhit ni Valloton ang karisma ng mga ito. Bagaman mangilan-ngilan sa mga tauhan o karakter ni Valloton ang may masasaming tunay na mga mukha ng tao o iba pang mga detalye subalit puno sila ng buhay at katangian at napaka-ebokatibo. Para kay Valloton, layunin niya ang makapagbigay na pinakamataas na bilang o maksimum na ekspresyon o pagpapadama habang may minimum o pinakakaunting mga guhit na ginagamit sa pagguhit. Isa sa pinakamainam na halimbawa nito ang kanyang iginuhit na paglalarawan ng pagpapako kay Hesus para sa Ebanghelyo ni San Lukas, na may ulo ni Hesus na nakabitin paharap at may nakaputong na koronang-tinik. Nakabitin paharap ang ulo ni Hesus sa ibaba ng isang linyang kumakatawan para sa balikat ni Hesus. Nagsisilbing krus sa ibabaw nito ang dalawang wastong anggulo. Malakas na nailarawan ng payak na larawang ito ang desolasyon ni Kristo.[2]
Mga gawa ng mangguguhit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang ang mga sumusunod sa mga aklat na may mga guhit na inakdaan ni Valloton:[3]
- Bible: Good News Bible
- Good News Bible: New Life
- Bible: Good News Bible - Rainbow (Bible Gnb)
- Groot nieuws bijbel
- Priority: Jesus' Life in Sixty Drawings
- Bible
- Paralysed Man
- Bible (Good News Bibles)
- Good News Bible: Sunrise
- Bonnes nouvelles aujourd'hui - le nouveau testament illustré
- From The Apple To The Moon
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ American Bible Society (2009). "Annie Valloton, Swiss storyteller and illustrator". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 2. - ↑ 2.0 2.1 2.2 Tomkins, Stephen. Annie Valloton, "The best-selling artist of all time", BBC News, 1 Marso 2004.
- ↑ 3.0 3.1 Books by Annie Vallotton, LibraryThing.com
- ↑ 4.0 4.1 Annie Valloton - The Lady in Pencil Biblical Naka-arkibo 2009-12-18 sa Wayback Machine., Mission Florida, Missionfl.org
- ↑ Salin mula sa Ingles na: "Humor allows you to go through, especially in religious matters."
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Wangis ni Annie Valloton
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Larawan ng mukha ni Annie Valloton na nasa Images.google.com at www.reforme.net
- Larawan ng mukha ni Annie Valloton Naka-arkibo 2009-12-18 sa Wayback Machine., mula sa Missionfl.org
Mga gawa ni Annie Valloton
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Halimbawa ng mga larawang iginuhit ni Annie Valloton Naka-arkibo 2010-10-31 sa Wayback Machine., mula sa Biblical Art on the WWW, www.Biblical-Art.com