Antilegomena
Ang Antilegomena na isang direktang transliterasyon mula sa Griyegong salita na αντιλεγόμενα ay tumutukoy sa mga kasulatan na ang autentisidad(pagiging tunay) o kahalagahan ay tinutulan at pinagtalunan bago ang paglikha at pagsasara ng Kanon ng Bagong Tipan.[1]
Ginamit ni Eusebio ng Caesarea sa kanyang Kasaysayan ng Iglesia na isinulat noong c. 325 CE ang terminong ito para sa mga kasulatang Kristiyano na "tinutulan" o literal na mga akda na "pinagsalitaan ng laban" sa Sinaunang Kristiyanismo bago ang pagkakasara ng Kanon ng Bagong Tipan. Ang pangkat na ito ay natatangi mula sa notha ("peke" o "mga itinakwil na kasulatan") at sa Homologoumena ("mga tinanggap na kasulatan") gaya ng kanonikal na mga ebanghelyo. Ang mga antilegomena na ito ay malawak na binabasa sa Sinaunang Iglesia at ito ay kinabibilangan ng Sulat ni Santiago, 2 Pedro, 2 Juan, 3 Juan, Aklat ng Pahayag, Ebanghelyo ayon sa mga Hebreo, Mga Gawa ni Pablo, Ang Pastol ni Hermas, Apocalipsis ni Pedro, Sulat ni Barnabas at Didache. [2][3]
Eusebio
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unang pangunahing historyan ng Iglesiang si Eusebio ng Caesarea,[4] na sumulat ng kanyang aklat na Kasaysayan ng Iglesia noong c. 325 CE ay naglapat ng salitang Griyegong "antilegomena" sa mga tinutulang kasulatan ng Sinaunang Iglesia:
Among the disputed writings, [των αντιλεγομένων], which are nevertheless recognized by many, are extant the so-called epistle of James and that of Jude, also the second epistle of Peter, and those that are called the second and third of John, whether they belong to the evangelist or to another person of the same name. Among the rejected writings must be reckoned also the Acts of Paul, and the so-called Shepherd, and the Apocalypse of Peter, and in addition to these the extant epistle of Barnabas, and the so-called Teachings of the Apostles; and besides, as I said, the Apocalypse of John, if it seem proper, which some, as I said, reject, but which others class with the accepted books. And among these some have placed also the Gospel according to the Hebrews, with which those of the Hebrews that have accepted Christ are especially delighted. And all these may be reckoned among the disputed books [των αντιλεγομένων].
Kasama sa mga tinutulang kasulatan, [των αντιλεγομένων], na gayunpaman ay kinikilala ng marami, ay mga umiiral na tinatawag na Sulat ni Santiago at Sulat ni Judas, Ikalawang Sulat ni Pedro at mga tinatawag na Ikalawang Sulat ni Juan at Ikatlong Sulat ni Juan kung ito man ay isinulat ng ebanghelista o ng iba pang tao na may parehong pangalan. Kasama sa mga itinakwil na kasulatan na dapat isaalang alang ang Mga Gawa ni Pablo, ang tinatawag na Ang Pastol ni Hermas, at Apocalipsis ni Pedro at sa karagdagan sa mga umiiral na Sulat ni Barnabas, at sa tinatawag na Mga Katuruan ng mga Apostol; at maliban pa rito, gaya ng sinasabi ko, ang Apocalipsis ni Juan kung tila angkop na ang ilan gaya ng aking sinabi ay itinakwil ngunit ang iba ay inuri sa mga tinanggap na aklat. At kasama sa mga ito ang ilan ay inilagay rin ang Ebanghelyo ayon sa mga Hebreo na ang mga Hebreong tumanggap kay Kristo ay lalong naglak. At ang lahat ng mga ito ay maaaring isaalang alan na mga kasama sa mga tinutulang aklat na [των αντιλεγομένων].
Ang Sulat sa mga Hebreo ay kasama rin sa antilegomena [5]:
It is not indeed right to overlook the fact that some have rejected the Epistle to the Hebrews, saying that it is disputed [αντιλέγεσθαι] by the church of Rome, on the ground that it was not written by Paul.
Talagang hindi tama na hindi mapansing ang katotohanang ang ilan ay tumakwil sa Sulat sa mga Hebreo na nagsasabing ito ay tinutulan [αντιλέγεσθαι] ng iglesia sa Roma sa basehang ito ay hindi isinulat ni Apostol Pablo.
Ang Codex Sinaiticus naisang ika-4 na siglo CE na manuskrito ng Bibliya at naglalaman ng kumpletong Bagong Tipan ay naglalaman rin ng Ang Pastol ni Hermas at Sulat ni Barnabas. Ang orihinal na Peshitta(ang bahaging Bagong Tipan nito ay pinetsahan na ika-5 siglo CE) ay hindi kinabibilangan ng 2 Juan, 3 Juan, 2 Pedro, Sulat ni Judas at Aklat ng Pahayag.
Repormasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa panahon ng Repormasyonng Protestante, itinaas ni Martin Luther ang isyu ng antilegomena sa mga ama ng simabaha at bagaman wala sa mga aklat ng Bagong Tipan ng Kanon ng Trent ay tumakwil sa Kanon ni Luther, ang terminolohiya ay nanatiling ginagamit sa kasalukuyan. [6] Dahil sa kinuwestiyon ni Luther ang Sulat sa mga Hebreo, Sulat ni Santiago, Sulat ni Judas at Aklat ng Pahayag, ang mga aklat na ito ay minsang tinerminohang "Antilegomena ni Luther". [7]
Ginamit ng skolar na si F. C. Baur ang terminong ito sa kanyang klasipikasyon sa mga Sulat ni Pablo na nag-uuri sa Sulat sa mga taga-Roma, 1 Corinto, 2 Corinto at Sulat sa mga taga-Galacia bilang homologoumena. Ang Sulat sa mga taga-Efeso, Sulat sa mga taga-Filipos, Sulat sa mga taga-Colosas, 1 Tesalonica, 2 Tesalonica at Filemon bilang antilegomena. Ang mga Pastoral na liham na Unang Sulat kay Timoteo, Ikalawang Sulat kay Timoteo at Sulat kay Tito bilang notha(peke).[8]
Sa kasalukuyang paggamit na Lutheran, ang antilegomena ay naglalarawan sa mga aklat ng Bagong Tipan na nagkamit ng kaduda dudang lugar sa Kanon. Ang mga ito ang Sulat ni Santiago, Sulat ni Judas, 2 Pedro, 2 Juan, 3 Juan, Aklat ng Pahayag, at Sulat sa mga Hebreo.[9]
Bibliyang Hebreo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang terminong ito ay minsang nilalapat rin sa ilang mga aklat ng Tanakh. [10] Mga rekord sa Mishna ng kontrobersiya sa ilang mga pangkat Hudyo noong ika-2 siglo CE tungkol sa kanonisidad ng Awit ni Solomon, Eclesiastes, at Aklat ni Esther. Ang ilang pagdududa ay inihayag rin tungkol sa Aklat ng Mga Kawikaan sa panahong ito. Ang Gemara ay nagbigay pansin na ang Aklat ni Ezekiel ay kinuwestiyon rin sa autoridad nito hanggang ang pagtutol ay nalutas noong 66 CE. Noong din ika-1 siglo BCE, ang mga alagad ni Shammai ay tumutol rin sa kanonisidad ng Eclesiastes dahil sa pesimismo nito samantalang ang eskwela ni Hillel ay pinanghawakan ito. Sa isang hipotetikal na Konseho ng Jamnia noong c. 90 CE, pinostula ni Heinrich Graetz na nagkaroon ng karagdagang talakayan.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Liddell and Scott A Greek–English Lexicon
- ↑ Glenn Davis, The Development of the Canon of the New Testament Naka-arkibo 2012-06-25 sa Wayback Machine., 2010. p 1
- ↑ Everett R. Kalin The Canon Debate, ntcanon.org, 2002 p 391&403.
- ↑ Church History 3.25.3-.5
- ↑ Church History 3.3.5
- ↑ Lutheran Cyclopedia: Canon: "6. Throughout the Middle Ages there was no doubt as to the divine character of any book of the NT. Luther again pointed to the distinction between homologoumena and antilegomena* (followed by M. Chemnitz* and M. Flacius*). The later dogmaticians let this distinction recede into the background. Instead of antilegomena they use the term deuterocanonical. Rationalists use the word canon in the sense of list. Lutherans in America followed Luther and held that the distinction between homologoumena and antilegomena must not be suppressed. But caution must be exercised not to exaggerate the distinction."
- ↑ Luther's Antilegomena at bible-researcher.com
- ↑ The Canon Debate, McDonald & Sanders editors, 2002, page 458.
- ↑ "Lutheran Cyclopedia: Antilegomena". Inarkibo mula sa orihinal noong 2005-01-30. Nakuha noong 2005-01-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Knox Theological Seminary Naka-arkibo 2007-12-09 sa Wayback Machine.: "Solomon's allegory was relegated to the antilegomena because even the allegorical anthropomorphism of God espousing to Himself a people, once again reflecting the comedic imagination, was regarded as too bold and too bodily." Catholic Encyclopedia: Canon of the Old Testament: "All the books of the Hebrew Old Testament are cited in the New except those which have been aptly called the Antilegomena of the Old Testament, viz., Esther, Ecclesiastes, and Canticles"