Aparisyon sa Lipa
Ang mga Aparisyon sa Lipa ay ang mga napabalitang serye ng 19 na ulit na pagpapakita umano ng Birhen Maria kay Teresita Castillo sa kumbento ng mga Carmelita sa Lipa, Pilipinas noong 1948. Bagaman ang aparisyong ito ay hindi agad kinilala ng Santa Sede matapos nitong katigan ang naunang nang pahayag ng mga obispong sumuri sa mga nasabing pangyayari noong 1951, nagpatuloy ang debosyon sa Birhen Tagapamagitan ng Lahat ng Biyaya sa Lipa, ang ngalang sinabi ni Castillo na ginamit ng Birhen Maria nang siya'y magpakilala sa kaniya.
Noong Setyembre 12, 2015, sa isang dekretong inilibas ng Arsobispo ng Lipa na si Ramon Arguelles, pinatotohanan nito ang mga kaganapan noong 1948 bilang “kahima-himala” at “karapat-dapat paniwalaan”.[1][2][3][4] Ang pagkilala rito ang unang pagkakataon na sinalungat ng isang lokal na obispo ang naging kapasiyahan ng Vaticano.[2] Ngunit ang dekretong ito ni Arguelles ay ipinawalang-bisa ni Kardinal Gerhard Mueller, tagapamuno ng Banal na Kongregasyon para sa Doktrina ng Pananampalataya sa isang dekretong nilagdaan noong Disyembre 11, 2015 na kumatig sa naging kapasiyahan na ni Papa Pio XII noong 1951. Isang araw makaraang makakuha ni sipi ng naging kapasiyahan ng Kongregasyon, isinapubliko ni Arguelles noong Mayo 31, 2016 ang naturang pagpapawalang-bisa.[5][6]
Mga kaganapan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagdalaw ni Satanas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinasabing bago pa man magpakita sa kanya ang Birhen Maria, unang nakaengkuwentro ni Teresita si Satanas. Ito ay nangyari noong Hulyo 31, 1948 bandang 8:15 ng gabi, wala pa ang isang buwan magmula nang siya'y pumasok sa kumbento. Habang nanatiling tahimik ang mga Carmelita gaya ng kanilang kaugalian, may tatlong ulit na kumatok sa pintuan ni Teresita, na kaniyang ikinagulantang. Isang boses lalaki ang nagpakilalang siya ay si Satanas, na kaniyang ikinatakot.[7] Ngunit nang ipakita niya ang rosaryo, ito'y umalis, subalit nag-iwan ng uling na bakas na mala-paa ng kabayo sa kaniyang silid. Tatlong beses pang naulit ang sinabing pagdalaw ni Satanas sa kanya, upang siya'y takutin at bantaan para lamang siya'y lumabas ng kumbento, ngunit 'di siya natinag. Sa bawat pagkakataon napapansin niya ang kaakibat nitong masangsang na amoy. Kabaligtaran ito sa tuwing magpapakita ang Mahal na Birhen, na nagsimula noong Agosto, na laging nangungumapaw sa paligid ang halimuyak.[8]
Pagsubok ng Birhen Maria
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Pagpapakita
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Setyembre 12, 1948 mga ika-5 ng hapon, habang si Teresita ay nagdarasal sa hardin ng monasteryo ay bigla na lang nanginig ang isang sanga at matapos nito, narinig niya ng isang babae na nagsabing:
Huwag kang matakot aking anak. Humalik ka sa lupa. Kung ano man ang iutos ko sa iyo, sundin mo ito. Sa loob ng labinlimang magkakasunod na araw, dalawin mo ako rito sa lugar na ito. Kumain ka ng ilang damo aking anak.
Noong sumunod na araw, Setyembre 13, sa ganoon din oras, bumalik si Teresita sa eksaktong lugar na iyon, at sinimula niyang dasalin ang Aba Ginoong Maria. Kababanggit pa lamang niya ng "... Napupuno ka ng grasya..." nang magsimula na ulit manginig ang sanga. Isang magandang babae ang nagpakita, magkadaupa ang kaniyang mga kamay sa may dibdib, isang gintong rosaryo ang nakasabit sa kanang kamay, bahagyang nakayuko, ang kaniyang damit ay payak at puting-puti na tinatalian sa may baywang ng isang manipis na tela. Siya'y nakayapak at nakatungtong sa mga ulap na may dalawang talampakan ang taas mula sa lupa. Ang kaniyang mukhang 'di mailarawan sa ganda ay nagniningning.
Nais kong mabasbasan bukas ang lugar na ito.
Tinanong naman ni Teresita ang Birhen Maria "Mga anong oras po, Mahal na Ina?" at tumugon naman ang Birhen Maria bago ito naglaho:
Kahit anong oras na naisin ng iyong Madre Superiora aking anak. Pinagbabawalan kitang malimutan ang mga pangyayari nitong labinlimang araw.
Samantala, nagpasiya na ang Madre Superiora na summangguni sa katulong na obispo ng Lipa at espiritwal na direktor ng Carmelo na si Obispo Alfredo Obviar, kung ano ang kaniyang gagawin sa mga nasabing aparisyon ng Mahal na Birhen Maria. Inutusan ni Obviar na sabihin kay Teresita na humingi ng katibayan na ang mga aparisyon ay nagmula sa langit.
Hangad kong magkaroon ako ng rebulto na ilalagay rito. Ilarawan mo ako sa inyong tagapangalaga dahil nais kong maging kahalintulad ito ng nakikita mo at kasinlaki rin nuong nasa kumbento. Sabihin mo sa iyong Madre Superiora na dasalin dito ng inyong pamayanan sa mga panahong ito ang rosaryo tuwing hapon. Linisan ang bahaging ito ng hardin upang ito ay maging kaaya-ayang pook dasalan.
Noong Setyembre 26, Linggo, ang ika-15 at huling araw ng mga aparisyon, sinabi ng Mahal na Birhen:
Aking anak, mahalin at sundin mo ang inyong ina. Sabihin mo sa mga madre na mahalin at sundin nila ang kanilang mga superyor at huwag kalimutan ang aking mga hinihiling. Ako'y wala nang mas higit pang hihilingin gaya ng inyong inaasahan, dahil kayo ang aking mga mumunting musmos. Huwag ninyong kalimutang ialay sa akin ang inyong mga sarili sa Oktubre 7. Magpakabait kayo, ako ang Birhen Maria, Tagapamagitan ng lahat ng Biyaya. Lagi kong babasbasan ang inyong komunidad araw at gabi.
Pag-ulan ng talulot ng rosas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga kagimbal-gimbal na mga pangyayari sa Lipa ay karaniwang iniuugnay sa pag-ulan ng talulot ng rosas. Maliban sa naunang pangyayari ng pag-ulan sa silid ng kumbento, umulan din ng mga talulot noong Setyembre 30, ang ika-51 anibersaryo ng pagkamatay ni Santa Teresa ng Lisieux.
Karamihan sa mga tatulot ay may imahen ni Hesus, Birhen Maria, San Jose, o isa sa mga santo, lalo na si Santa Teresa ng Lisieux.
Mga mensahe
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kinalabasan ng pagsisiyasat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kami, ang mga nakalagdang Arsobispo at obispo, binuo para sa layunin ng isang tanging komisyon, na masusing nagsuri at pinag-aralan ang mga katibayan at testimonyang nakalap sa tala ng paulit-ulit, mahaba at maingat na pagsisiyasat, ay nagkaisa sa aming kongklusyon, at opisyal na ipinahahayag na ang mga nasabing katibayan at testimonya sa mga naiulat na mga kakaibang pangyayari ay walang kahima-himalang namagitan – kasama na rito ang pag-ulan ng mga talulot – sa Carmelo sa Lipa.
— Arsobispo Gabriel Reyes, Maynila
Obispo Cesar M. Guerrero, San Fernando
Obispo Mariano Madriaga, Lingayen
Obispo Rufino Santos, Tagapangasiwa ng Lipa
Obispo Vicente Reyes, Katulong na Obispo ng Maynila
Obispo Juan Sison, Katulong na Obispo ng Nueva Segovia
Ang naturang pahayag ay nilagdaan din na concordat cum originali ni Nuncio Apostolico Arsobispo Egidio Vagnozzi.
Kinasapitan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sapilitang pinagbitiw sa katungkulan si Verzosa at pinauwi sa kanyang bayan sa Vigan, Ilocos Sur. Samantalang ang katulong na obispong si Alfredo Obviar ay inilipat sa bagong tatag na Diyosesis ng Lucena kung saan siya'y nanilbihan na lamang bilang apostolikong tagapangasiwa sa loob ng 22 taon. Muli lang ibinalik sa ang kanyang kapangyarihang episkopal noong 1974 bilang residenteng obispo ng Lucena.
Mga pagbaligtad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Gayon pa man, bago mamatay si Obispo Obviar noong Oktubre 1, 1979, kapistahan ni Santa Teresa ng Lisieux, nagbitiw siya ng salita na: "Maaari nila akong mapatahimik, ngunit 'di nila ako mapipilit sabihing walang katotohanan ang mga 'yon."
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Sebastian, Raymond A. (Setyembre 13, 2015). "Mediatrix miracles declared 'worthy of belief'" (sa wikang Ingles). CBPCP News. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-16. Nakuha noong Setyembre 15, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Lipa, Philippines (1948)" (sa wikang Ingles). MiracleHunter.com. Nakuha noong Setyembre 15, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hermoso, Christina I. (Setyembre 15, 2015). "Archbishop declares Lipa apparitions 'worthy of belief,' encourages devotion to Mary" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Setyembre 15, 2015.
{{cite news}}
: Unknown parameter|publiskinatigher=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hegina, Aries Joseph (Setyembre 13, 2015). "Archbishop declares 1948 Lipa Mediatrix apparitions 'worthy of belief'" (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Setyembre 15, 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zulueta, Lito B. (Hunyo 1, 2016). "Vatican overrules Batangas bishop; declares 1948 Marian apparitions not genuine". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 5, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Patinio, Ferdinand G. (Hunyo 4, 2016). "Vatican: Lipa Marian apparition has 'no supernatural origin'". The Standard (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 9, 2016. Nakuha noong Hunyo 5, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Arguelles, Ramon C. Did Mary, Mediatrix of All Grace, Appear in Lipa? (Talumpati). 22nd Mariological Congress (sa wikang Ingles). Lourdes, France. Nakuha noong Hunyo 2, 2011.
{{cite speech}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Teresita Castillo, Lipa, Philippines, 1948 (Our Lady, Mediatrix of All Grace)" (sa wikang Ingles). The Catholic Prophets Encyclopaedia. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 1, 2013. Nakuha noong Hunyo 2, 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)