Apega ni Nabis
Ang Apega ni Nabis, kilala rin bilang Apegang Bakal, ayon kay Polybius,[1] ay isang sinaunang kasangkapang pangpagpapahirap na katulad ng "dalaga bakal" (isang aparador na bakal na may mga tulis sa loob). Nilikha ito ni Nabis, isang haring namuno sa Sparta bilang diktador mula 207 hanggang 192 BCE.
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon kay Polybius, ang tau-tauhang Apega ay isang makinang kamukhang-kamukha o kakambal ng tunay na asawa ni Nabis, at kinasangkapan ni Nabis upang makalikom ng salapi mula sa mga mamamayan ng Sparta. Sinasabing dinamitan ang makinang Apega ng mga mamahaling kasuotan, subalit may mga pakong bakal sa ilalim ng mga bisig, kamay, at dibdib, at may kakayahang durugin ang katawan ng biktima nito. Pinaaandar ni Nabis ang makina sa pamamagitan ng mga kambyo o mga katulad na kasangkapan, hanggang sa pumayag maghandog na alay na salapi ang biktima, o hanggang sa mamatay.
Isa ang Apegang "robot" sa mga "kaunlarang pangteknolohiya" ng kapanahunang Greko-Romano na ginamit bilang mga instrumento ng pagpapahirap. Kasama ng krus, apoy, gulong (pambaling gulong), tansong baka (o tansong toro) ni Palaris, isa ang Apega ni Nabis sa tinaguriang mga sinaunang "Mga Makina ng Malisya" ng Discovery Channel sa isang palabas pangtelebisyong sumahimpapawid noong Setyembre 23, 2008.[2]
Pinagmulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Gumawa si Haring Nabis, na pinaniniwalaang nagmula sa dinastiyang Eurypontid, ng isang kagamitan batay sa itsura ng kaniyang sariling asawang si Apega, isa ring diktador na nakatulong sa pagsasakatuparan ng mga adhikain ng kaniyang asawa. Nilarawan si Apega bilang isang babae ng Sparta na lumabis pa ang kabagsikan at kapangyarihang ginamit sa pagtataguyod ng sariling kasakiman.[3][4] Bilang dagdag, nilarawan din ang Apega bilang pagsasakatauhan ng kasamaan at katusuhan ng tunay na Reynang Apega, at sinabing kapantay ni Pandora, ang unang babae sa mitolohiyang Griyego.[3][4]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Polybius, 13.7. Layunin ng anekdota o salaysay ni Polybius na mailarawan ang karahasan sa pamumuno ni Nabis. Bagaman hindi pinaniniwalaan ni F.W. Walbank (A Historical Commentary on Polybius, vol. II, 1967:420f) o nina P.A. Cartledge at A.J.S. Spawforth, Hellenistic and Roman Sparta: A Tale of Two Cities London 1989:72) ang kuwentong ito, sinang-ayunan ito ni Sarah B. Pomeroy, Spartan Women 2002:90, dahil sa iba pang naitalang mga Helenistikong mga automaton o automata (mga sinaunang robot o tau-tauhan).
- ↑ Clements, Barbara (manunulat ng University Communications), “Apega of Nabis,” isa sa mga “Machines of Malice” sa programa ng Discovery Channel na ipinalabas noong Setyembre 23, 2008 Naka-arkibo 2010-07-13 sa Wayback Machine., Professor (Eric Nelson) Appears On Discovery Channel This Week, Campus Voice, Pacific Lutheran University, New.PLU.edu, Setyembre 19, 2008
- ↑ 3.0 3.1 Pomeroy, Sarah B. Spartan Women, "Elite Women, The Last Reformers: Apega and Nabis and Chaeron" Oxford University Press US (2002), pp. 89–90, 198 pahina, Books.Google.com, ISBN 0195130677 and ISBN 9780195130676.
- ↑ 4.0 4.1 "Apega, Economy-Point.org". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-05-13. Nakuha noong 2008-11-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Bibliyograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Norbert Borrmann: Lexikon der Monster, Geister und Dämonen, Berlin, 2000 ISBN 3-89602-233-4 (Aleman)
- E. T. Sage: An ancient robotette. In: Classical journal, Bd. 30, 1935, S. 299–300. (sa Ingles)