Araw ng Alpabetong Koreano
Araw ng Alpabetong Koreano | |
---|---|
Opisyal na pangalan | Araw ng Hangeul (한글날) Araw ng Chosun-gul (조선글날) |
Ibang tawag | Hangeul Proclamation Day Korean Alphabet Day |
Ipinagdiriwang ng | Mga Hilagang Koreano at Timog Koreano |
Uri | Nasyonal, Pang-kultura |
Kahalagahan | Ginugunita ang pagkaka-likha ng alpabetong Koreano |
Petsa | Oktubre 9 (Timog Korea) Enero 15 (Hilagang Korea) |
Dalas | taon-taon |
Hangeul Day |
Chosŏn'gŭl Day |
Ang Araw ng Alpabetong Koreano, na kilala bilang Araw ng Hangeul sa Timog Korea, at Araw ng Choson'gul sa Hilagang Korea ay ang pambansang araw ng paggunita ng mga Koreano sa pagkaka-likha at pagpahayag ng Alpabetong Koreano (한글; 조선글), ang alpabeto ng Wikang Koreano, sa pamumuno ni Dakilang Sejong, ang monarkong Koreano noong ika-15 siglo. Ginugunita iyon tuwing ika-9 ng Oktubre sa Timog Korea at ika-15 ng Enero sa Hilagang Korea.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa Sejong Sillok (세종실록; 世宗實綠), ipinahayg ni Haring Sejong ang pagkaka-limbag ng Hunmin Jeongeum (훈민정음; 訓民正音), ang dokumentong nagpapakilala sa bagong likhang abesedaryo na tinawag din sa katumbas na pangalan, sa ikasiyam na buwan ng kalendaryong lunar noong 1446. Noong 1926, ipinagdiwang ng Hangeul Society ang siklong okto-Seksahesimong (ika-480) anibersaryo ng pagpapahayag ng naturang alpabeto sa huling araw ng sa ikasiyam na buwan ng kalendaryong lunar, na siyang ika-4 ng Nobyembre sa kalendaryong Gregoryano. Idineklara ng mga kasapi ng sosyedad na iyon ang unang pag-gunita ng "Gagyanal" (가갸날). Nagmula ang pangalan sa "Gagyageul" (가갸글), ang noong katawagang palasak sa hangeul, batay sa nemoteknikong pagbigkas ng panimulang "gagya geogyeo" (가갸거겨). Binago ang pangalan ng araw ng komemorasyon sa "hangeullal" (한글날) noong 1928. Nang malikha ang pangalang "Hangul" ni Ju Si-gyeong, malawakang tinanggap ang bagong pangalan para sa alpabeto. Ipinagdiriwang ang naturang araw batay sa kalendaryong lunar.
Noong 1931, iniba ang araw ng paggunita sa ika-29 ng Oktubre ng kalendaryong Gregoryano, ngunit ibinalik din sa ika-28 ng Oktubre.
Pagdiriwang
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2009, sa pagdiriwang ng ika-563 anibersaryo ng Alpabetong Koreano ni Haring Sejong, isina-publiko ang bronseng bantayog ni Dakilang Haring Sejong ng Joseon, na may taas na 6.20 metro at bigat na 20 tonelada, sa Liwasang Gwanghwamun sa Seoul.[1][2]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Remembering Hangul". Joongang Daily. 26 Setyembre 2009. Nakuha noong 27 Pebrero 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Statue of King Sejong is unveiled". Joongang Daily. 10 Oktubre 2009. Nakuha noong 27 Pebrero 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)