Arimatea
Ang Arimatea, dating tinatawag na Rama at Ramataim[1], ay isang dating lungsod sa Hudea ayon sa Ebanghelyo ni Lukas (xxiii. 51). Ito ang bayang pinanggalingan ni Jose ng Arimatea, na lumilitaw sa lahat ng apat na paglalahad ng Ebanghelyo sa Bagong Tipan ng Bibliya ukol sa Pasyon dahil sa pag-aabuloy ng kanyang bagong puntod o libingan sa labas ng Herusalem na magagamit para sa katawan ni Hesus.
Kalimitang itinuturing ang Arimatea bilang ibang pangalan para sa Ramathaim-Zophim na nasa loob ng Ephraim, ang pook na pinagsilangan ni Samuel, kung saan nagpunta kay Samuel si David. (1 Samuel 1:1, 19). May ibang mga dalubhasa sa Bibliyang iniuugnay ang Arimatea sa Ramlah sa Dan, o Ramah sa Benjamin. (Mateo 2:18)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Arimatea, Rama, Ramataim". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa 57, pahina 1478.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kristiyanismo at Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.