Pumunta sa nilalaman

Atalia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Athaliah
Paghaharic. 841 – 835 BCE
Lugar ng kapanganakanSamaria, Kingdom of Israel
Kamatayanc. 836 BCE
Lugar ng kamatayanHerusalem, Kaharian ng Juda
SinundanAhazias ng Juda, anak
KahaliliJehoash ng Judah
Konsorte kayJehoram ng Juda
SuplingAhazias ng Juda
AmaAhab, hari ng Kaharian ng Israel (Samaria)(2 Hari 8:18,2 Kronika 21:6)
Omri(2 Hari 8:26,2 Kronika 22:2) ayon sa Tekstong Masoretiko at Septuagint
InaJezebel
Mga paniniwalang relihiyosoBa'alismo; Yahwismo

Si Atalia, Ataliah o Athaliah (Hebreo: עֲתַלְיָה, Moderno: ʻAtalya, Tiberiano: ʿAṯalyā, Griyego: Γοθολία Gotholía; Latin: Athalia) ay isang reyna ng Kaharian ng Juda at anak nina Ahab(2 Hari 8:18,2 Kronika 21:6) at Jezebel at asawa ni Jehoram ng Juda. Ayon naman 2 Hari 8:26 at 2 Kronika 22:2) ay anak ni Omri ayon sa Tekstong Masoretiko at Septuagint at King James Version ngunit binago at tinawag na apo ni Omri sa NIV . Pinapatay ni Jehu ang lahat ng sambahayan ni Ahab kabilang sina Ahazias ng Juda at lahat ng mga kasapi ng sambahayan ni Ahazias.(2 Hari 9, 2 Kronika 22:7-9, Hosea 1:4) Ayon naman sa 2 Hari 11:2 at 2 Kronika 22:10, pinapatay ni Athalia(naghari noong ca. 842-837 BCE o 842/841-835) ang lahat ng mga kasapi ng kaharian ng Juda upang siya ang maging reyna. Pagkatapos ng 6 na taon, ang saserdote ng paksiyong maka-Yahweh na si Jehoiada ay nagpakilala ng isang batang lalake na si Jehoash ng Juda na kanyang inangking anak ni Ahazias ng Juda at isa sa mga kasapi ng sambahayang hari ng Juda at pinatay ni Jehoiada si Athalia.

Petsa ng paghahari

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon kay Albright, si Ataliah ay naghari mula 842–837 BCE samantalang ayon kay Edwin R. Thiele ay mula 842/841 hanggang 836/835 BCE. Gayunpaman, ang pagsisimula ng paghahari ng 842/841 BCE ay isang taon bago ang 841/840 BCE na ibinigay ni Thiele sa kamatayan ng anak ni Ataliah na si Ahazias ng Juda na isang salungatan na hindi niya nosolusyonan.