Atomium

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Ang Atomium
The Atomium during civil twilight (DSCF1135).jpg
Tanawin ng Atomium sa harap
Pangkalahatang impormasyon
KatayuanBukas
Estilong arkitekturalModernismo
PahatiranSquare de l'Atomium / Atomiumsquare
B-1020 Laeken
Bayan o lungsodLungsod ng Bruselas, Punong Rehiyon ng Bruselas
BansaBelhika
Mga koordinado50°53′41″N 4°20′28″E / 50.89472°N 4.34111°E / 50.89472; 4.34111Mga koordinado: 50°53′41″N 4°20′28″E / 50.89472°N 4.34111°E / 50.89472; 4.34111
Natapos1958
Taas
Taluktok ng antena102 m (335 ft)
Disenyo at konstruksiyon
ArkitektoAndré at Jean Polak
InhinyeroAndré Waterkeyn
Websayt
Opisyal na website

Ang Atomium ( /əˈtməm/ ə-TOH-mee-əm) ay isang palatandaang-pook na gusali sa Bruselas (Belhika) na unang itinayo para sa Peryahang Pandaigdig ng Bruselas ng 1958 (Expo 58). Matatagpuan ito sa Talampas ng Heysel, kung saang ginanap ang pagtatanghal. Museo na ito sa kasalukuyan.[1]

Ang gusali, na dinisenyo nina inhinyero André Waterkeyn at arkitekto André at Jean Polak,[1] ay may taas na 102 metro (335 talampakan). Magkaugnay ang siyam na nikeladong mga espera, bawat isa ay may diyametrong 18 metro (60 talampakan), sa paraang nakabuo ito ng hugis ng isang yunit ng selula ng isang bubog na α-iron (perita) na pinalaki nang 165 bilyong beses. Ang mga tubong may 3 metro (10 talampakan) na diyametro ay nag-uugnay ng mga espera sa sentro sa kahabaan ng 12 mga gilid ng kubo (cube) at lahat ng walong mga verteks. Pinalilibutan ng mga ito ang mga hagdan, eskalador, at isang elebador (sa pinakagitna at patayong tubo) upang magkaroon ng daan papunta sa limang matitirhang mga espera, na taglay ang mga exhibit hall at ibang pampublikong mga espasyo. Taglay ng espera sa tuktok ang isang restoran na nagbibigay ng tanawing panoramiko ng Bruselas.

Pinaglilingkuran ang lugar ng estasyong metro ng Heysel/Heizel sa ika-anim na linya ng metro ng Bruselas.

Galeriya[baguhin | baguhin ang batayan]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

May kaugnay na midya ang Atomium sa Wikimedia Commons