Bagyong Uring
Malubhang bagyo (JMA) | |
---|---|
Bagyo (Saffir–Simpson) | |
Nabuo | Nobyembre 1, 1991 |
Nalusaw | Nobyembre 8, 1991 |
Pinakamalakas na hangin | Sa loob ng 10 minuto: 95 km/h (60 mph) Sa loob ng 1 minuto: 110 km/h (70 mph) |
Pinakamababang presyur | 992 hPa (mbar); 29.29 inHg |
Namatay | 5,081 – 8,165 total (4,922 patay mismo sa Ormoc) |
Napinsala | $27.67 milyon |
Apektado | Pilipinas, Vietnam |
Bahagi ng Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 1991 |
Ang Bagyong Uring, (Pagtatalagang pandaigdig: Bagyong Thelma), ay pangatlo sa listahan ng pinakanakakamatay na bagyo, kasunod ng "Super Bagyong Yolanda". Ito ay nanalasa noong Nobyembre 5, 1991 sa kabisayaan. Ito ay isa sa pinakamaulang bagyo sa kasaysaysan ng Pilipinas. Maihahalintulad rin ito sa "Pagbaha ng putik sa Katimugang Leyte ng 2006". Ito ay isang landslide na naganap din sa Lungsod Ormoc, Leyte. Ito ay namuo noong Nobyembre 1, 1991 at nalusaw noong Nobyembre 8, 1991. Matinding naminsala ito sa lalawigan ng Leyte matapos ding maminsala sa lalawigang pulo ng Samar. Nakatanggap ang Bisayas ng 150 mm (6 in) ng tubig-ulan sa loob ng 2 araw. Ito ay nag-landfall sa mga bayan ng: Borongan, Silangang Samar, Tacloban, Leyte, Borbon, Cebu, Escalante, Kanlurang Negros at Roxas, Palawan.
Pinsala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nag-iwan ito ng malakihang bilang ng patay na may kabuuang bilang na 5,081 – 8,165. Ito ay nag-buhos ng matitinding pag-ulan na aabot sa 580.5 mm ng tubig- ulan at nag-tala ng mga matitinding pagbaha at pagguho ng lupa sa naturang pook. Sa lungsod ng Ormoc, ang bilang ng mga patay ay umabot sa 4, 922 sa loob lamang ng lungsod na ito. Sa labas ng lungsod, ang bilang ng mga patay ay aabot sa 1,941 at bilang ng mga nawawa ay nasa 3,084. "Ang kabuuang bilang ng bahay na nawasak ay 4,446 at 22,229 na bahay naman ay napinsala. Ang kabuuang halaga ng pinsala ay $27.67 milyon." Ito ang pinsala na dulot ni Uring sa taong yaon.
Impak
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matindi ang pinsala na tinamo ng bansang Pilipinas at Vietnam.
Babala sa Bagyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]PSWS | LUZON AT BISAYAS |
---|---|
PSWS #1 | Aklan, Antique, Biliran, Bohol, Capiz, Cebu, Eastern Samar, Leyte, Masbate, Negros Occidental, Negros Oriental, Northern Samar, Palawan, Samar |
Tingnan rin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinundan: Trining |
Kapalitan Ulding |
Susunod: Warling |