Bahá'u'lláh
Bahá'u'lláh | |
---|---|
Kapanganakan | Mírzá Ḥusayn-`Alí Núrí 12 Nobyembre 1817 |
Kamatayan | 29 Mayo 1892 | (edad 74)
Kilala sa | Tagapagtatag ng Pananampalatayang Bahá'í |
Sumunod | `Abdu'l-Bahá |
Si Bahá'u'lláh (ba-haa-ol-laa, Arabe: بهاء الله "Kaluwalhatian ng Diyos") (12 Nobyembre 1817 – 29 Mayo 1892), ipinanganak Mírzá Ḥusayn-`Alí Núrí (Persa: میرزا حسینعلی نوری) ang tagapagtatag ng Pananampalatayang Bahá'í. Sinasabi niya bilang tagapagtupad ng mga propesiya ng Bábism, isang 19 siglong sangnay ng Shí‘ism. Sinasabi niya rin na siya ang sugo ng Diyos at tumupad ng mga eskatolohikal na nais ng Islam, Kristiyanismo, at iba pang relihiyon.[1] Itinuro ni Bahá'u'lláh na ang sangkatauhan ay isang lahi at ang panahon ay dumating na para sa pagkakaisa nito sa lipunang pang-daigdig. Ang kanyang pag-aangkin ng pahayag ng Diyos ay nagresulta sa kanyang pag-uusig at pagkakabilanggo ng mga autoridad na Persa (Persian) at Ottoman at kanyang kalaunang 24 taong pagkakabilanggo sa siyudad na bilangguan ng `Akka, Palestina (kasalukuyang Israel) kung saan siya namatay. Sumulat siya ng maraming mga kasulatang relihiyoso na ang pinakakilala ang Kitáb-i-Aqdas at Kitáb-i-Íqán. May dalawang mga alam na litrato ni Bahá'u'lláh. Sa labas ng pilgrimahe, ninanais ng mga Bahá'í na huwag tingnan ang kanyang litrato sa publiko o kahit itanghal ito sa kanilang mga pribadong bahay.
Mga propesiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Bahá'u'lláh ay nag-angkin na habang siya ay nakabilanggo sa Siyah-Chal sa Iran, siya ay sumailalim sa sunod sunod na mga karanasang mistikal kabilang ang pagkakaroon ng isang pangitain ng donselya ng langit na nagsabi sa kanya ng misyong pang-diyos at pangako ng tulong pang-diyos.[2] Sa paniniwalang Bahá'í, ang donselya ng langit ay isang representasyon ng diyos.[3] Sa buong mga kasulatang Bahá'í, ang mga pangyayari sa hinaharap ay sinasabing hinulaan Bahá'u'lláh. Ang pinakaspesipikong mga propesiya o hula ay nauugnay sa pag-akyat at pagbagsak sa kapangyarihan ng mga pinuno at organisasyon. Kabilang sa mga inaangking hula ni Bahá'u'lláh na natupad ang mga sumusunod:
- Ang kanyang hula noong 1868–69 ng pagbasak sa kapangyarihan ni Sultan Abdülaziz na pinatalsik noong 1876.
- Noong 1869, si Bahá'u'lláh ay sumulat kay Napoleon III na bumubuo sa Súriy-i-Haykal. Sa tableta, isinulat ni Bahá'u'lláh na kung hindi susunod si Napoleon III kay Bahá'u'lláh, kanyang maiwawala ang kanyang kaharian at ang isang kaguluhan ay mangyayari sa Pransiya.[4][5] Sa loob ng isang taon sa labanan laban sa Prusya noong Hulyo 1870, si Napoleon ay nabihag sa Laban ng Sedan noong 2 Setyembre 1870 at pinatalsik sa posisyon ng mga pwersa ng Ikatlong Republika sa Paris pagkatapos ng dalawang araw. Si Napoleon ay ipinatapon sa Inglatera kung saan siya namatay.
- Hinulaan rin ni Bahá'u'lláh sa Kitáb-i-Aqdas na nakumpleto noong 1873 ang pagbagsak ng Kalipata na pinuno ng Sunni Islam ng Imperyong Ottoman. Noong 3 Marso 1924, konstitusyonal na binuwag ng unang Pangulo ng Republikang Turkish na si Kemal Atatürk ang institusyon ng Kalipata. Ang mga kapangyarihan nito ay inilipat sa Dakilang Pambansang Asemblea ng Turkey ng bagong nabuong estadong-bansang Turkish at simula nito, ang pamagat na Kalipat ay naging hindi aktibo.
- Ang pagbagsak ng Komunismo
- Ang pagsiklab ng mga Digmaang Pandaigdig na kinabibilangan ng pagbagsak ng mga kaharian ng Europa noong 1917, ang pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kinasasangkutan ng mga Balkan[6] at mga pagdurusa ng Alemanya sa dalawang mga digmaan.:[7]
- Ang pagkakatuklas ng enerhiyang nukleyar at paggamit ng mga sandatang nukleyar: ""Ang kakaiba at kahanga-hangang mga bagay ay umiiral sa mundong ito ngunit nakatago mula sa mga isipan at pagkaunawa ng mga tao. Ang mga bagay na ito ay may kakayahang magpabago ng buong atmospero at ang kanilang kontaminasyon ay mapapatunayang nakamamatay".(Bahá'u'lláh, Kalímát-i-Firdawsíyyih (Words of Paradise), c.1879–91) Ang pagkakatuklas ng radiasyong atomiko at nukleyar fission ay umunlad noong 1895 hanggang 1945.[8]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Buck 2004, pp. 143–178
- ↑ Smith, Peter (2000). "Bahá'u'lláh – Life". A concise encyclopedia of the Bahá'í Faith. Oxford: Oneworld Publications. p. 73. ISBN 1-85168-184-1.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Smith, Peter (2000). "Maid of Heaven". A concise encyclopedia of the Bahá'í Faith. Oxford: Oneworld Publications. p. 230. ISBN 1-85168-184-1.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Smith, Peter (2000). "Napoleon III". A concise encyclopedia of the Bahá'í Faith. Oxford: Oneworld Publications. p. 278. ISBN 1-85168-184-1.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bahá'u'lláh, Súriy-i-Haykal, 1869
- ↑ Smith, Peter (2000). "war". A concise encyclopedia of the Bahá'í Faith. Oxford: Oneworld Publications. p. 354. ISBN 1-85168-184-1.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Smith, Peter (2000). "Wilhelm I". A concise encyclopedia of the Bahá'í Faith. Oxford: Oneworld Publications. p. 356. ISBN 1-85168-184-1.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.world-nuclear.org/info/inf54.html