Bandung Institute of Technology
Ang Bandung Institute of Technology (Indones: Institut Teknologi Bandung , dinadaglat na bilang ITB) ay isang pampubliko at koedukasyonal na unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Bandung, Indonesia. Itinatag noong 1920, ITB ay ang pinakamatandang pamantasang oryentado sa teknolohiya sa Indonesia.
Ang ITB ay itinuturing na nangungunang pagpipilian ng mga mag-aaral ng haiskul sa Indonesia noong 2006 at kinikilala bilang isa sa pinakaprestihiyosong unibersidad sa Indonesia, kasama ng Pamantasang Gadjah Mada at Unibersidad ng Indonesia.[1][2] Si Sukarno, ang unang pangulo ng Republika ng Indonesia, ay merong digri sa enhinyeriyang sibil mula sa ITB. Si B. J. Habibie, ang ikatlong pangulo ng Indonesia, ay gumugol ng isang taon sa departamento ng enhinyeriyang mekanikal ng ITB at ay opisyal na kinikilala bilang isang gradweyt.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "707 Siswa Pandai Tapi Tak Mampu Lulus SPMB". Sinar Indonesia Baru. 6 Agosto 2006. Inarkibo mula sa ang orihinal (online archive in Indonesian) noong 2020-09-15. Nakuha noong 2006-11-02.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mencermati Peringkat Nilai Hasil Seleksi Penerimaan Mahasiswa Baru (SPMB) 2004" (online archive in Indonesian). Harian Jawa Pos. 13 Agosto 2004. Nakuha noong 2006-11-02.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
6°53′23″S 107°36′36″E / 6.889852°S 107.609968°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.