Pumunta sa nilalaman

Basilio Augustín

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Basilio Augustin noong 1898.

Si Basilio Augustín y Dávila[1] (1840 - 1910) ay naglingkod bilang Kastilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas.

Panandalian siyang gumanap bilang Kastilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas, mula Abril 11 hanggang 24 Hulyo 1898, mula sa pagsimula at sa kalagitnaan ng Rebolusyong Pilipino. Sinubukan niyang makalikha ng asambleang-sanggunian na binubuo ng mga Ilustradong Pilipinong matapat sa Espanya at isang puwersang milisya binubuo rin ng mga Pilipino, bilang paunang paghahanda sa pagkakaroon ng awtonomiya sa Pilipinas.

Subalit napagod at nagsawa na ang mga Pilipino sa mga plano ng Espanya hinggil sa awtonomiya at repormang tinataguyod ng Kilusang Propaganda kaya't pumanig sila sa mga rebolusyonaryong nasa ilalim ng pamumuno ni Emilio Aguinaldo. Dahil sa gayon, nabigo ang mga plano ng pagbabago ni Augustín, at dahil na nga rin sa pagsali ng mga Pilipinong milisya sa kahanayan ng mga rebolusyonaryo. Naglaho ang mga kasaping bumubuo sa asembleyang pangsanggunian na pinilit itatag ni Augustín. Karamihan sa mga miyembro ng asembleya ang naging mga tagapaglagda sa Konstitusyon ng Malolos, at naging mga kasapi rin ng Kongreso ng Malolos.

  1. Karnow, Stanley (1989). "Basilio Augustín". "In Our Image, America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0345328167.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sinundan:
Fernando Primo de Rivera
Gobernador-Heneral ng Pilipinas
11 Abril – 24 Hulyo 1898
Susunod:
Fermin Jáudenes