Pumunta sa nilalaman

Himagsikang Pilipino

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Rebolusyong Pilipino)
Himagsikang Pilipino

Imahe ng labanan sa Tulay ng Zapote na obra ni G. Vicente Dizon noong 1929.
PetsaAgosto 29, 1896 - Agosto 13, 1898
Lookasyon
Resulta Ipagpapalayas ng mga Pamahalaang Kolonyal ng mga Kastila. Pasimula ng mga Digmaang Kastila-Amerikano at pagkakatatag sa Unang Republika ng Pilipinas.
Mga nakipagdigma

Katipunan

Repúbliká ng̃ Pilipinas

Imperyo ng Espanya

Mga kumander at pinuno

Andres Bonifacio
Emilio Aguinaldo


Emilio Jacinto
Gregoria de Jesus
Baldomero Aguinaldo
Miguel Malvar
Gregorio del Pilar

Maria Cristina
Alfonso XIII


Ramón Blanco
Camilo Polavieja
Fernando Primo de Rivera
Basilio Augustín
Fermin Jaudenes
Diego de los Ríos
Lakas
80,000 mga sundalo 60,000 mga sundalo
Mga nasawi at pinsala
Walang Nakaalam Walang Nakaalam

Ang Himagsikang Pilipino o Himagsikan ng 1896 (1896—1898) ay isang labanan sa pagitan ng Imperyong Kastila at ng Katipunan.

Himagsikang Pilipino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang magsimula ang Himagsikan, mahigit 300 taon nang pinamumunuan ng mga Kastila ang Pilipinas. Noong panahong iyon, nasa kamay ng mga nangangasiwa sa Intramuros at sa mga prayle ang kapangyarihan sa kolonya, kahit sa katotohanan, sa prayle lang talaga ang kapangyarihan noon, dahil sa hawak nila sa mga karaniwang tao. Pinahirapan ng mga Kastila ang mga katutubo (o sa termino ng mga Kastila, indio) sa pamamagitan ng sobrang pagpapabubuwis at sapilitang pagpapagawa (polo). Dahil dito, ilang pag-aalsa na ang naganap sa Pilipinas sa mahigit 4 na siglo, lahat di nagtagumpay. Ito'y salamat sa patakaran ng mga Kastila ng divide et impera-hatiin at sakupin. Halimbawa, magpapadala ang mga Kastila ng mga sundalo mula sa mga lalawigang Tagalog para supilin ang isang pag-aalsa sa Ilocos, at isang pag-aalsa sa Kabisayaan ang pinigil ng mga sundalo mula Pampanga. Ito ang nagpatindi ng hidwaan sa pagitan ng mga Pilipino, hindi magkakaisa hanggang sa ika-19 na siglo.

Kung ano ba ang nagpalunsad sa Himagsikan ay mai-uugat sa mga panlabas at panloob na mga sanhi. Ang panlabas na sanhi ay ang pagbukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, dala ng pagbukas sa Kanal ng Suez noong 1869. Bukod sa mga produkto galing sa ibayong dagat, mga kaisipan tulad ng kalayaan at kasarinlan dulot nang Himagsikang Amerikano at Himagsikang Pranses ay dumaan sa Suez at papunta sa Pilipinas-bagay na di lubos na nagustuhan ni ng mga nangangasiwa kulunyal o ng praylokrasya. Ang mga taong binago ng mga kaisipang ito ay siya ring nakinabang sa mapagkakakitaang kalakalang ito-ang mga ilustrado. Pinadala ng mga ilustrado ang kanilang mga anak sa mga pamantasan sa Europa, kung saan sinimulan ng marami sa kanila (sina Rizal,Lopez-Jaena, atbp) ang nagtatag ng Kilusang Propaganda.

Ang panloob na sanhi ay ang walang-katarungang pagbitay sa GOMBURZA. Isang paring Pilipino, si (Padre Pedro Pelaez) ang nagpasimuno ng isang kilusang sikularisasyon noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Layon ng kilusang ito na ibigay sa mga paring katutubo ang mga parokya na hawak pa noon ng mga Kastilang pari. Pagkatapos na mamatay si Pelaez sa isang lindol, tinuloy ng tatlong pari-sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora. Nagustuhan ng mga prayle ang bagay na ito at sila'y naghanap ng pwedeng maibintang sa tatlong pari. Natupad ito nang isang rebelyon ng mga sundalo sa moog sa Kabite ang madaling nasupil. Agad na isinisi ng mga prayle ang rebelyon (na pinamunuan ng isang nagngangalang Sarhento LaMadrid) kina Padre Gomez, Padre Burgos, at Padre Zamora (pagbawas sa suweldo ng mga sundalo ang sanhi ng rebelyon). Sa kabila ng kakulangan ng patunay na nagdidiin sa kanila sa rebelyon, hinatulan ang tatlo-kinilala pagkatapos bilang Gomburza-na garotihin noong 17 Pebrero 1872. Hindi pinayagan ng arsobispo ng Maynila (na naniniwala sa kawalang-kasalanan ng tatlo) na sila'y alisan ng sutana. Sa halip, inutos nito ang pagpapatunog ng mga kampana bilang tanda ng pagdadalamhati.

Marami sa mga kakampi ng Gomburza ang tinapon papalabas o kusang umalis sa Pilipinas. At marami sa mga Pilipinong piniling manatili ang nanghilakbot sa nangyari. Ilang taong lumipas, isang ilustradong duktor na nagngangalang Jose Rizal ang magpapatunay na ito ang nagbago sa kanyang buhay.

Ang Kilusang Propaganda

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinatag ng mga ilang mag-aaral sa europa ang kilusang propaganda, gulat sa kaibahan ng Espanya sa kanyang kolonya sa Timog-Silangang Asya. Layon ng kilusang ito,na pinamunuan nina Jose Rizal, Marcelo del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, tulad ng sekularisasyon at gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas. Ginamit nila ang paraan ng pagsusulat upang maipahayag ang reklamo nila. Isinulat ni Gregorio Sanciangco ang El Progreso de Filipinas na tungkol sa mga patakaran ng mga kastila na di-makatarungan tungkol din ito sa economical state ng Pilipinas noong panahong iyon. Isa sa mga patakarang ito ay ang pagpataw ng mga Kastila ng mataas na buwis sa mga Tsino, Mestisong Tsino at Pilipino. Hindi na pinagbabayad ng buwis ang mga Kastila at Mestisong Kastila. Isinulat naman ni Pedro Paterno ang Ninay. Isang nobelang nagsasaad tungkol sa diwang makabansa. Noli Me Tangere at El Filibusterismo naman ang sinulat ni Rizal na tungkol sa masamang pamamalakad ng mga Kastila ng bansa. Ito ay nagdulot ng pagmamahal ng mga tao sa bansa. Sa pamamagitan ng tuwing gabihang pahayagan na La Solidaridad, pati na rin sa mga akda ng ilan sa mga kasapi nito, naipahayag nila ang kanilang mga saloobin tungkol sa kung ano ba dapat ang baguhin sa Pilipinas.

Sa kabila ng lahat ng ito, sa huli, nabigo ang Kilusang Propaganda na tuparin ang nakaatas na layon nito. Nahati ang kilusan sa isang maka-del Pilar na paksiyon at isang maka-Rizal na paksiyon, bagay na naging dahilan ni Rizal para iwanan ang Espanya-at Europa. Ang napakalungkot at napakamasalimuot na pagkamatay nina Lopez-Jaena at del Pilar ang huling dagok sa kilusan. Sa halip, ang nasimulan ng Kilusang Katipunan ang nagbigay-inspirasyon sa dalawang kilusang sumunod nito.

La Liga Filipina

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkatapos ang pagbalik ni Rizal sa "[Pilipinas]" noong 1892, itinatag niya ang La Liga Filipina. ito ay isang samahang pilipino noong taong ding yaon. Layunin ng kilusang ito, na kinabibilangan ng mga tulad nina Andres Bonifacio at Apolinario Mabini, na ituloy ang programa ni Rizal na panloob na reporma sa Pilipinas. Hindi nagustuhan ng mga Kastila ang pagtatag sa kilusang ito (ito'y marahil sa isa sa mga nakasaad sa kasulatan ng Liga), na naghihikayat ng "pagtatanggol laban s isang batang paslit na pinatay na wala lang at noong Hulyo 7 ay dinakip si Rizal at itinapon sa Dapitan sa lalawigan ng Zamboanga.

Nahati ang samahan pagkatapos ng pangyayaring ito. Ang makagitnang pangkat ay binuo muli ang sarili nito na Cuerpo de Compromisarios (Samahan ng mga Kumprumisaryo) na may layuning magbigay ng pera sa La Solidaridad. Ang radikal na pangkat, sa pamumuno ni Bonifacio, ay naging Katipunan.

Noong gabi ng 7 Hulyo 1892, itinatag nina Andres Bonifacio, kasama ang mga dating kasapi ng La Liga Filipina na sina Ladislao Diwa, Deodato Arellano, Teodoro Plata, at Valentin Diaz ang Kataastaasang Kagalang-galang Katipunan ng mga Anak ng Bayan sa isang bahay sa Calle Azcarraga (ngayo'y Abenida Claro M. Recto). (Sa kabila ng nilalaman ng karamihan, si Bonifacio ang ikatlong Pangulo).

sila ng mga pondo at sandata, sa abot ng kanilang makakaya. Humingi rin sila ng tulong sa isang barkong pandigma ng Hapon na nakadaong sa Maynila na ang kasabay ang lahat ng puwersa ng Imperyong Hapones na tumuloy agad ng puwersang panghimagsik ng mga Pilipino at mga taguyod para sa mga Katipunan para sa huling makikipaglaban sa mga sundalong Kastila - at nabigo.

Para maikalat ang kanilang panawagan ng isang mapagpalayang himagsikan, inilimbag ng Katipunan, sa tulong ng isang palimbagan na binili ng dalawang katipunero na sina Candido Iban at Franciso del Castillo (na parehong nagtatag ng Katipunan sa Kabisayaan), ang pahayagang Kalayaan. Para di malaman ng mga Kastila ang kinaroroonan ng palimbagan nito, ipinahayag nito si Marcelo H. del Pilar bilang "editor" nito at sa Yokohama bilang lugar ng limbagan nito. Dalawang beses lang inilimbag ang pahayagang ito; inilimbag na palihim ang ikalawang edisyon sa limbagan ng Diario de Manila.

Hindi nagtagal at rumami ang mga kasapi ng Katipunan. Mula sa unang lukasyon nito sa Tondo, nagtatag ang Katipunan ng mga sanggunian nito sa mga bayan ng San Juan del Monte, Pasig, San Felipe Neri, Pateros, Marikina, Kalookan, Malabon, at di kalauna'y sa ilang mga bayan sa mga lalawigan sa Kabisayaan. Nagkaroon din ng sangay pangkababaihan ang Katipunan; umanib ang kauna-unahang babaeng kasapi nito noong taong 1893. Sa kabuuan mula sa mahigit na 300, lumaki ang Katipunan sa mahigit 30,000 na mga katipunero.