Pumunta sa nilalaman

Batok

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang batok ng isang Haponesa.

Ang batok[1] o balugbog (Ingles: nape) ay ang likurang bahagi ng leeg. Sa maraming mga mamalya, ang batok ang pook na katatagpuan ng isang maluwag at hindi sensitibong bahagi ng balat na nagagamit ng mga inahing hayop sa pagdampot (sa pamamagitan ng bibig at ngipin) ng kaniyang mga anak. Katulad halimbawa ng mga gawain ng mga aso at pusang bagong panganak.

Sa tradisyunal na kalinangang Hapones, ang batok (tinatawag na unaji [項] sa wikang Hapones) ay isa sa ilan sa mga parte ng katawan (bukod pa sa mga kamay at mukha) na hindi natatakpan ng mga kasuotang pambabae, kung kaya't nakasasanhi ito ng malakas na pagkahalina mula sa mga lalaking Hapones.[2]

Mga kaugnay na salita

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tinatawag na batukan ang paghampas ng kamay sa batok ng ibang tao. Kaugnay din nito ang salitang pamatok, ang saklay o panaklay ng isang matanda o may kapansanan sa paa.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Batok, balugbog". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Cherry, Kittredge. Womansword: What Japanese Words Say about Women, ISBN 4770016557


Anatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.