Pumunta sa nilalaman

Sistema ng ugali

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Behaviorism)

Ang sistema ng ugali (sa Ingles: behaviorism o behaviourism) o sikolohiyang pang-ugali, kilala rin bilang perspektibo sa pagkatuto o pananaw sa pagkatuto, ay isang sistematikong paglapit sa pag-unawa sa ugali ng tao at hayop. Pinagsasama nito ang mga elemento ng teoryang pampilosopiya, pangmetodolohiya at pangsikolohiya. Sumibol ito sa unang parte ng ika-20 siglo, bilang isang reaksyon sa sikolohiyang malalim at iba pang anyo ng sikolohiya, na madalas nahihirapang prediksyon na maaaring sukatin sa pamamagitan ng mga mahigpit na metodolohiya sa pageeksperimento. Ang pangunahing prinsipyo ng pag-uugaling metodolohikal, na ipinahayag sa mga sulatin ni John B. Watson at iba pa, na ang sikolohiya ay dapat magbigay ng tungkulin sa mga pangyayaring napapansin lamang. Ang mga pag-uugaling pilosopiya ay dumaan ng paglipat noong dekada 1940 at dekada 1950 at simula noong dekada 1980. Ang pag-uugaling radikal ay isang uri ng konsepto na inimungkahi ni B.F. Skinner kung saan kinikilala ang presensya ng pribadong pangyayari — kasama ang katalusan at mga emosyon — at iminumungkahi na sila ay nakadependa sa parehong tinitimping nagbabago (controlling variable) sa pag-uugaling napapansin. Ang sikolohiyang pang-ugali, kung saan ang anumang kilos o galaw ay isang ugali, ay isang pilosopiya ng sikolohiya na nakabatay sa panukala na ang lahat ng mga bagay-bagay na ginagawa ng mga organismo  – kasama na ang pag-arte, pag-iisip, at pagdama  – ay maaaring ituring at dapat na ituring bilang mga pag-uugali.[1] Ayon sa sikolohiyang pang-ugali, ang ugali ay maaaring pag-aralan nang makaagham, na hindi kailangang malaman ang pisyolohiya ng kaganapan, at nang hindi gumagamit ng mga teoriyang katulad ng sa isipan.[2] Ayon sa sikolohiyang pang-ugali, mapagmamasdan at mamamatyagan ang lahat ng mga pag-uugali.

Mula sa maagang pag-aaral ng sikolohiya noong ika-19 na siglo, ang dalubhasaan sa pag-aaral ng pag-ugaling sikolohiya ay nagkaroon sa parehong pagkakataon at nagbahagi ng pagkakahalintulad sa siko-analitikal at kilusang maka-Gestalt na sikolohiya noong ika-20 siglo; ngunit magkaiba rin ito ng pilosopiya sa pag-iisip ng mga sikologong maka-Gestalt sa mga pamamaraan ng panunuri. Ang mga pangunahing impluwensya nito ay si Ivan Pavlov, na sumiyasat ng klasikong pagkondisyon — na nakadepende sa paraang estimulo upang magtatag ng mga reflex at tumutugon na ugali; sina Edward Thorndike at John B. Watson na tinanggihan ang mga metodong pagbubulay-bulay at naghangad na paghigpitan ang sikolohiya sa pag-uugaling napapansin lamang; at si B.F. Skinner, na gumawa ng saliksik tungkol sa pagkondisyong operant (kung saan gumagamit ng mga antesedente at konsikwensya para ibahin ang pag-uugali ng isang tao) at binigyan-diin ang pagpansin sa mga pribadong pangyayari.[3] Inimbistigahan ni Pavlov ang pagkukundisyong klasikal, subalit hindi sumang-ayon sa sikolohiyang pang-ugali at mga sikologong makapang-ugali. Tinanggihan nina Thorndike at Watson ang mga paraang introspektibo at nagnasi na ihangga ang sikolohiya sa mga paraang eksperimental o sumusubok. Nakatuon ang pananaliksik ni Skinner sa pagkukundisyong operante o pagkukundisyong nagdurulot ng paggalaw.

Sa ikalawang hati ng ika-20 siglo, ang sistema ng ugali ay bahagyang humina ang impluwensya na naging resulta ng rebolusyon ng pagbibigay-malay. Sa panahong ito, ang terapiya ng pagbibigay-malay at pag-uugali ay nagbago; ang pamamaraang ito ay mayroong pinapatunayang gamit sa pag-gamot ng ilang patolohiya, kagaya ng mga simpleng takot/pobya, PTSD o Post-Traumatic Stress Disorder, at adiksyon. Ang pagsusuri sa nilapat na pag-uugali ginamit sa iba't ibang mga kaayusan, kagaya ng pamamahala ng ugali ng pang-organisasyon, pagpaunlad ng diyeta at kalakasan ng katawan, at ang pag-gamot ng mga sakit sa pag-iisip kagaya ng autismo at abuso sa droga. Bagaman ang dalubhasaan sa pag-aaral ng pag-uugaling sikolohiya at ang pagbibigay-malay ay hindi sang-ayon sa isa't isa, sila ay nagpupuno sa praktikal na aplikasyon ng terapiya, kagaya ng pagsusuri sa pang-klinikang ugali.

Sa kasalukuyan, ang mga ideya mula sa sikolohiya ng ugali ay ginagamit sa mga terapiyang katulad ng terapiyang kognitibo at pang-ugali. Nakakatulong ang terapiyang kognitibo at pang-ugali sa mga tao upang makaraos o makaraan sa mga pagkabahala at mga pobya, pati na sa mga partikular na mga uri ng adiksiyon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Skinner, B.F. (16 Abril 1984). "The operational analysis of psychological terms". Behavioral and brain sciences (Nakalimbag). 7 (4): 547–581. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-11-21. Nakuha noong 2008-01-10.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Baum, William M. (1994). Understanding behaviorism: science, behavior, and culture. New York, NY: HarperCollins College Publishers. ISBN 0-06-500286-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Fraley, LF (2001). "Strategic interdisciplinary relations between a natural science community and a psychology community" (pdf). The Behavior Analyst Today. 2 (4): 209–324. Nakuha noong 2008-01-10.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)