Sistema ng ugali

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang sistema ng ugali (sa Ingles: behaviorism o behaviourism) ay isang sistematikong paglapit sa pag-unawa sa ugali ng tao at hayop. Pinagsasama nito ang mga elemento ng teoryang pampilosopiya, pangmetodolohiya at pangsikolohiya. Sumibol ito sa unang parte ng ika-20 siglo, bilang isang reaksyon sa sikolohiyang malalim at iba pang anyo ng sikolohiya, na madalas nahihirapang prediksyon na maaaring sukatin sa pamamagitan ng mga mahigpit na metodolohiya sa pageeksperimento. Ang pangunahing prinsipyo ng pag-uugaling metodolohikal, na ipinahayag sa mga sulatin ni John B. Watson at iba pa, na ang sikolohiya ay dapat magbigay ng tungkulin sa mga pangyayaring napapansin lamang. Ang mga pag-uugaling pilosopiya ay dumaan ng paglipat noong dekada 1940 at dekada 1950 at simula noong dekada 1980. Ang pag-uugaling radikal ay isang uri ng konsepto na inimungkahi ni B.F. Skinner kung saan kinikilala ang presensya ng pribadong pangyayari — kasama ang katalusan at mga emosyon — at iminumungkahi na sila ay nakadependa sa parehong tinitimping nagbabago (controlling variable) sa pag-uugaling napapansin.

Mula sa maagang pag-aaral ng sikolohiya noong ika-19 na siglo, ang dalubhasaan sa pag-aaral ng pag-ugaling sikolohiya ay nagkaroon sa parehong pagkakataon at nagbahagi ng pagkakahalintulad sa siko-analitikal at kilusang maka-Gestalt na sikolohiya noong ika-20 siglo; ngunit magkaiba rin ito ng pilosopiya sa pag-iisip ng mga sikologong maka-Gestalt sa mga pamamaraan ng panunuri. Ang mga pangunahing impluwensya nito ay si Ivan Pavlov, na sumiyasat ng klasikong pagkondisyon — na nakadepende sa paraang estimulo upang magtatag ng mga reflex at tumutugon na ugali; sina Edward Thorndike at John B. Watson na tinanggihan ang mga metodong pagbubulay-bulay at naghangad na paghigpitan ang sikolohiya sa pag-uugaling napapansin lamang; at si B.F. Skinner, na gumawa ng saliksik tungkol sa pagkondisyong operant (kung saan gumagamit ng mga antesedente at konsikwensya para ibahin ang pag-uugali ng isang tao) at binigyan-diin ang pagpansin sa mga pribadong pangyayari.

Sa ikalawang hati ng ika-20 siglo, ang sistema ng ugali ay bahagyang humina ang impluwensya na naging resulta ng rebolusyon ng pagbibigay-malay. Sa panahong ito, ang terapiya ng pagbibigay-malay at pag-uugali ay nagbago; ang pamamaraang ito ay mayroong pinapatunayang gamit sa pag-gamot ng ilang patolohiya, kagaya ng mga simpleng takot/pobya, PTSD o Post-Traumatic Stress Disorder, at adiksyon. Ang pagsusuri sa nilapat na pag-uugali ginamit sa iba't ibang mga kaayusan, kagaya ng pamamahala ng ugali ng pang-organisasyon, pagpaunlad ng diyeta at kalakasan ng katawan, at ang pag-gamot ng mga sakit sa pag-iisip kagaya ng autismo at abuso sa droga. Bagaman ang dalubhasaan sa pag-aaral ng pag-uugaling sikolohiya at ang pagbibigay-malay ay hindi sang-ayon sa isa't isa, sila ay nagpupuno sa praktikal na aplikasyon ng terapiya, kagaya ng pagsusuri sa pang-klinikang ugali.