Berthold Auerbach
Berthold Auerbach | |
---|---|
Kapanganakan | 28 Pebrero 1812
|
Kamatayan | 8 Pebrero 1882
|
Nagtapos | Unibersidad ng Tübingen Ludwig-Maximilians-Universität München Pamantasan ng Heidelberg |
Trabaho | makatà, manunulat |
Si Berthold Auerbach o Moses (o Moyses) Baruch Auerbach (28 Pebrero 1812 – 8 Pebrero 1882) ay isang Aleman-Hudyong makata at may-akda.[1]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak siya sa Nordstetten (ngayong Horb am Neckar) sa Kaharian ng Württemberg (binabaybay ding Würtemberg). Pagkaraan matapos ang kanyang mga pag-aaral sa mga pamantasan ng Tübingen, Munich at Heidelberg, kaagad siyang tumutok sa pantikan. Naging paksa ng kanyang unang lathalain ang Hudaismo at Kamakailang Panitikan ("Judaism and Recent Literature)", na nasundan ng mga sunud-sunod na mga nobela hinango mula sa Kasaysayang Hudyo, kabilang ang matatagumpay na "Spinoza" at "Poet and Merchant" (o "Makata at Mangangalakal"). Naging ganap ang kanyang katanyagan noong magsimula siyang magsulat ng mga paksan may kaugnayan sa buhay ng karaniwan o pangkalahatang mga tao. Pinakabantog sa ganitong mga sulatin niya ang aklat na "On the Height", unang nalimbag sa Stuttgart noong 1861, at nagbunyag ng makatotohanang paglalarawan kung ano ang nakapaloob sa "kaluluwa" ng mga taong-bayan ng Katimugang Alemanya, partikular ang mga mahihirap ng Itim na Gubat at Mga Alpang Babaryano. Naisalinwika ang "On the Height" sa ilang iba pang mga wika.[1]
Namatay si Auerbach sa Cannes, pagkaraan lamang ng kanyang ika-70 kaarawan.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.