Bibingka
Kurso | Panghimagas, Almusal, Merienda |
---|---|
Lugar | Pilipinas |
Ihain nang | Mainit o mainit-init |
Pangunahing Sangkap | Malagkit (galapong), tubig o gata |
Baryasyon | Salukara, Bibingkang Kamoteng Kahoy, Bibingkang Malagkit |
Mga katulad | panyalam, puto |
|
Ang bibingka ay isang uri ng mamon na gawa mula sa malagkit na bigas o galapong at gatas ng buko.[1] Isa rin itong pagkaing meryenda sa Goa, Indiya - ang bebinca - na ang ginagamit na mga sangkap ay harina, langis na ghee, asukal, at gata, at hindi nawawala sa anumang handaang katulad ng pagsilang, kasal, Pasko o Pasko ng Pagkabuhay. Niluluto ito sa isang hurnuhang yari sa putik, at ito ay binabalot sa dahon ng saging bago lutoin. pinaiinitan ng nagbabagang uling na nakapatong sa ibabaw ng lutuin. Iniihaw ito ng patung-patong. Karaniwan na ang may 16 na mga patong. Bilang tanyag na pagkain sa Pilipinas, karaniwan naman itong ginagamitan ng galapong, at ang paghuhurno ay katulad ng sa pagluluto ng bebinca ng Indiya, ngunit bago ihain ay pinapahiran muna ito ng mantekilya o margarina (mantekilyang gawa sa niyog) at binubudburan ng asukal. Isinisilbi ito na may kasamang ginadgad na niyog.
Ang pangalang bebinca ay ginamit ring pangalan para sa isang bagyo ng Sistema ng Pandaigdigang Panahon (International Weather System).
Paghahanda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Resipi ng bibingkang Indiya:[2]
- 200 gramo ng maida (puting harina)
- 500 gramo asukal
- 1 tasa gata (makapal)
- 200 gramo ng ghee o mantika
Pinaghahalu-halo ang maida, asukal, at gatas ng niyog. Hinahalo ng mabuti ang mga sangkap hanggang sa matunaw ang asukal; idinadagdag ang pulbos ng nutmeg at itinatabi. Nagpapainit kaunting mantika o ghee sa isang kawali at ibubuhos ang isang tasa ng mga pinaghalong sangkap. Pinababayaang maluto ito hanggang sa maging kulay GOLD. Pagkatapos ay nagdaragdag uli ng isang kutsarita ng mantika at isa pa uling tasa ng pinaghinalong mga sangkap. Inuulit ang pagluluto hanggang sa maubos na ang mga inihandang sangkap. Itinutuwad ang bibingka matapos na maluto at pinalalamig bago ihain. Karaniwang niluluto ang bibingka na ginagamitan ng mababang antas na init lamang.[2]
Pinakamahabang bibingka
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 9 Oktubre 2007, humingi ng pagpapatibay mula sa Guinness World Records ang mga gumawa sa Pilipinas ng pinakamahabang bibingka na may isang kilometro ang haba. Ginawa ito sa Dingras, Hilagang Ilokos ng Pilipinas. Ginamitan ito may 1,000 kilo ng kamoteng kahoy o kasaba at kinain ng 1,000 mga mamamayan.[3]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Bibingka". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Resipi ng Mamong Bibingka (Bebinca Cake) mula sa MassRecipes.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-29. Nakuha noong 2008-03-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Abs-Cbn Interactive, Ilocos Norte town makes 'longest bibingka'". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-23. Nakuha noong 2008-03-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)