Pumunta sa nilalaman

Salukara

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Salukara
Ibang tawagsalokara, salucara, salocara
KursoPanghimagas, almusal
LugarPilipinas
Rehiyon o bansaSilangang Samar
Ihain nangMainit o mainit-init
Pangunahing SangkapGalapong, tubig o gata, asukal, tuba/lebadura
Baryasyontingnan ang Bibingka

Ang salukara ay isang uri ng pankeyk ng mga Waray sa Silangang Samar, Pilipinas. Gawa ito sa galapong (o harinang malagkit), gata, asukal, at tubig, ang parehong mga sangkap sa paggawa ng keyk na tinatawag na bibingka. Karaniwang ginagamit ang tuba bilang pampaalsa, na nagpapaasim nang kaunti sa mga pankeyk, pero maaari itong palitan ng karaniwang lebadura. Niluluto ang mga ito sa kawali o luwad na palayok na, ayon sa tradisyon, nilagyan ng mantika ng baboy o sinapinan ng dahon ng saging. Karaniwan itong inaalmusal o minemeryenda.[1][2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Uy, Amy A. (Setyembre 1, 2013). "Rice cakes, roscas, and more eats at the Samar Food Fest" [Mga kakanin, roskas, at iba pang pagkain sa Piyestang Pagkain ng Samar]. GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 17, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Linamnam at Latik: Ang pagkain ng Samar". GMA News Online. Nobyembre 16, 2012. Nakuha noong Oktubre 17, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)