Binibining Pilipinas 1964
Binibining Pilipinas 1964 | |
---|---|
Petsa | 5 Hulyo 1964 |
Pinagdausan | Araneta Coliseum, Lungsod Quezon, Pilipinas |
Lumahok | 15 |
Placements | 3 |
Nanalo | Myrna Panlilio |
Ang Binibining Pilipinas 1964 ay ang unang edisyon ng Binibining Pilipinas pageant, na ginanap sa Araneta Coliseum sa Lungsod Quezon, Pilipinas noong 5 Hulyo 1964. Ito ay dapat sanang idinaos noong 3 Hulyo, ngunit ito ay inilipat dalawang araw mula sa orihinal petsa dahil sa Bagyong Danding na nakaapekto sa Maynila at Gitnang Luzon.[1]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Miss Philippines 1963 Lalaine Bennett si Myrna Panlilio bilang ang kauna-unahang Binibining Pilipinas. Siya ay kumatawan sa Pilipinas sa Miss Universe 1964 na ginanap sa Miami Beach, Florida, Estados Unidos noong 1 Agosto 1964 kung saan siya ay hindi nakapasok sa semi-finals. Nagtapos bilang Binibining Waling-waling si Milagros Cataag, samantalang nagtapos bilang Binibining Ilang-Ilang naman si Elvira Gonzales.[1][2][3]
Labinlimang kandidata ang lumahok sa edisyong ito.[4]
Kompetisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pormat ng kompetisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang lumabas ang labinlimang kandidata sa kanilang mga cocktail dress upang magpakilala, at pagkatapos ay lumabas ang labinlimang kandidata sa kanilang mga terno upang magbigay ng talumpati. Pagkatapos nito, lumabas ang labinlimang kandidata habang suot ang kanilang mga playsuit.
Komite sa pagpili
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Romeo Gustilo
- Elvira Manahan – Pilipinang aktres
- Aurora Recto – Pilipinang tanyag sa lipunan
- Jake Romero
- Ramón Tapales – Pilipinong kompositor ng musika
Mga resulta
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Leyenda
- Walang pagkakalagay ang kandidata.
Pagkakalagay | Kandidata | Internasyonal na pagkakalagay |
---|---|---|
Binibining Pilipinas 1964 |
|
Walang pagkakalagay – Miss Universe 1964
|
Binibining Waling-Waling |
|
|
Binibining Ilang-Ilang |
|
Mga kandidata
[baguhin | baguhin ang wikitext]Labinlimang kandidata ang lumahok para sa titulo.[1][4]
Kandidata | Edad[a] | Bayan | Mga tala |
---|---|---|---|
Marilou Alberto[1] | – | Maynila | |
Lilia Alvarez[1] | – | ||
Milagros Cataag[1] | 20 | ||
Edna Rossana Keyes[1] | – | Nagwaging Miss Luzon sa Miss Philippines 1964[5] | |
Marita Dimayuga[1] | – | ||
Aida Gaerlan[1] | – | ||
Elvira Gonzales[6] | 16 | Nagtapos bilang 4th runner-up sa Binibining Pilipinas 1965 Nagwaging Miss Press Photography 1965[5] | |
Elizabeth Gutierrez[1] | – | ||
Carmelita Larrabaster[1] | – | ||
Maria Sonia Orendain[1] | – | Nagwaging Miss Visayas sa Miss Philippines International 1963[5] | |
Maria Myrna Panlilio[1] | 21 | San Fernando | Lumahok sa Miss Universe 1964 |
Thelma Shaw[1] | – | Maynila | |
Carmencita Somes[7] | – | Nagwaging Miss Visayas noong Miss Philippines 1963 Lumahok sa Queen of the Pacific 1967[5] | |
Milagros Sumayao[1] | – | Nagwaging Miss Press Photography of the Philippines 1959[5] | |
Nina Zaldua[1] | – | Nagwaging Miss Dance-O-Rama January 1964 at Miss Nite Owl February 1964[5] |
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Edad sa panahon ng kompetisyon
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 1.11 1.12 1.13 1.14 1.15 1.16 1.17 1.18 Lo, Ricky (Marso 10, 2018). "Looking back at 1st Bb. pageant in 1964". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 27, 2022.
- ↑ Tayag, Voltaire (6 Hunyo 2019). "The Binibining Pilipinas legacy through the years". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Marso 2022.
- ↑ "(UPDATE) First-ever Binibining Pilipinas winner dies". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 17 Hulyo 2009. Nakuha noong 18 Marso 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑ 4.0 4.1 "College graduate wins beauty title". Reading Eagle (sa wikang Ingles). 6 Hulyo 1964. p. 20. Nakuha noong 9 Pebrero 2025 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
- ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 5.5 Lo, Ricky (7 Pebrero 2012). "Sweet Binibini memories". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Enero 2023.
- ↑ "TRIVIA: Mother and daughter who joined the Binibining Pilipinas pageant". GMA News (sa wikang Ingles). 13 Marso 2015. Nakuha noong 23 Enero 2023.
- ↑ Francisco, Butch (4 Hunyo 2009). "The stars of yesteryear: Where are they now?". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Hulyo 2024.