Pumunta sa nilalaman

Bodegang bayan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang community pantry, tinatawag ding bodegang bayan[1] ay isang lugar o pwesto sa komunidad kung saan mayroong mga libreng pagkain o kung ano pa mang anyo ng donasyon ang nakalatag at mayroong pahintulot ang sino mang indibidiwal na kumuha o kaya naman ay mamahagi ng karagdagang suplay sa pantry. Una itong itinayo ni Ana Patricia Non sa sa Maginhawa St. sa UP Village, kaharap ng groseriya ng Ministop at Romantic Baboy.[2] Ang prinsipyong "Magbigay ng ayon sa kakayahan. Kumuha batay sa pangangailangan," ay ang batayang konsepto ng pamamahagi at pangangalap ng nasabing proyekto. Ang mga nagtayo ng kani-kanilang mga community pantry ay palaging naglalagay ng pananda sa isang maliit na karatula kung saan nakasaad ang prinsipyo. Naglalagay rin sila ng tanda na "inspired by Maginhawa Community Pantry[3]" bilang pagbigay pagkilala sa nagsimula at nagtaguyod nito.

Talaan ng mga community pantry sa Pilipinas[4]

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula noong Abril 19, 2021, mayroong nasa higit 28 na mga aktibong community pantry sa buong bansa at sinasabing tumatayang 5,000 na mga benepisyaryo na ang natulungan nito. [5] Mabilis namang lumaganap ang community pantry sa iba't ibang dako ng Pilipinas dahil na rin sa kakulangan sa pagkain at nutrisyon ngayong panahon ng pandemya, ayon kay Ana Patricia.[6]

  • Barangay Del Rosario, Baao, Camarines Sur
  • Bushido Restaurant, Rizal Street, Barangay Del Rosario, Baao, Camarines Sur
  • San Vicente, Baao, Camarines Sur
  • Claudia's Restaurant, Aguinaldo Street, Barangay Poblacion, Tigaon, Camarines Sur
  • Grandvale II (Deca 2) San Felipe, Naga City, Camarines Sur
  • Guevarra Street, Barangay San Roque, Iriga City, Camarines Sur
  • Teacups Calabanga, San Antonio Poblacion, Calabanga, Camarines Sur
  • Barangay Bagumbayan Sur, Naga City
  • Happy Homes, Barangay Concepcion Pequena, Naga City
  • Spillway, Barangay Doña Clara, Naga City
  • San Juan, Pili, Camarines Sur
Cagayan Valley
[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Alicia, Isabela
  • Flatwhite Cafe, Hilltop Road, Batangas City
  • Lucia’s Cafe, Barangay Marawoy, Lipa City, Batangas
  • LBN Malvar, Barangay Santiago, Malvar, Batangas
  • P. Laygo Street, Lipa City, Batangas
  • Bailen Town Plaza, General Emilio Aguinaldo, Cavite
  • Simbahan ng Hesus Nazareno, Helping, Barangay Luzviminda II, Dasmariñas City, Cavite
  • Bagumbayan Elementary School, Sta. Cruz, Laguna
  • Barangay Poblacion II, Sta. Cruz, Laguna
  • Batong Malake, Los Baños, Laguna
  • Block 33 Lot 4 Golden City Subdivision, Barangay Dila, Sta. Rosa, Laguna
  • IFI Church, Barangay Gatid, Sta. Cruz, Laguna
  • San Pedro Apostol Parish, Barangay Poblacion, San Pedro, Laguna
  • Barangay Lumingon, Tiaong, Quezon
  • Tayabas, Quezon
  • 68 Evangelista Street, Leonila Hill, Baguio City
Central Luzon
[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Mariveles, Bataan
  • MacArthur Highway, Malolos, Bulacan
  • Masagana Homes, Guiguinto, Bulacan
  • San Jose Esposo de Maria Church, Barangay San Jose, San Miguel, Bulacan
  • Barangay Camp Tinio, Cabanatuan City, Nueva Ecija
  • Del Pilar Street, Barangay Sangitan West, Cabanatuan City, Nueva Ecija
  • Freedom Park, Cabanatuan City, Nueva Ecija
  • Jasmine Street, Villa Ofelia, Cabanatuan City, Nueva Ecija
  • Purok 5 Barangay Bagumbayan, Llanera, Nueva Ecija
  • San Ricardo National High School, Talavera, Nueva Ecija
  • Barangay Sta. Cruz, Zaragoza, Nueva Ecija
  • Apo Road, Barangay Sto. Domingo, Angeles City, Pampanga
  • Barangay Sto. Domingo, Angeles City, Pampanga
  • Barangay Sta Teresita, Angeles City, Pampanga
  • Pandayan Bookshop, Consunji Street, San Fernando City, Pampanga
  • Barangay Del Pilar, Castillejos, Zambales
Ilocos Region
[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Barangay Tapuac, Dagupan City, Pangasinan
  • Barangay Abanon, San Carlos City, Pangasinan
  • 6th Street corner C3, Caloocan City
  • Apollo II, Moonwalk, Las Piñas
  • Kalayaan Avenue, Makati City
  • Espiritu corner Estrada Street, Barangay Singalong, Malate, Manila
  • Matimyas Street, Sampaloc, Manila
  • Most Holy Trinity Parish, Calabash Road, Balic-Balic, Sampaloc, Manila
  • Plaza Roma, Intramuros, Manila
  • P. Noval Street, Manila
  • Block 46, Malunggay Street, Barangay Tumana, Marikina City
  • BF Northwest, Parañaque City
  • 212 Robles Street, Barangay Manggahan, Pasig City
  • Barangay Manggahan, Pasig City
  • Pasig Greenpark Village, Barangay Manggahan, Pasig City
  • Unang Hakbang, Quezon City
  • Palosapis Street, Barangay Amihan, Project 3, Quezon City
  • Mother Ignacia Street, cor Sct. Bayoran, Quezon City
  • 63 Narra Street, Project 3, Barangay Claro, Quezon City
  • 7th Avenue corner Liberty, Barangay Socorro, Quezon City
  • Aurora Boulevard, Katipunan Valley, Loyola Heights, Quezon City
  • Bayaya Street, Barangay Bungad, Quezon City
  • Church of Christ, Palosapis Street, Barangay Amihan, Project 3, Quezon City.
  • Kalayaan Avenue, Quezon City
  • Loyola Heights, Quezon City
  • Matatag Street, Quezon City
  • Matiyaga Street, Quezon City
  • 11 Molave Street, North Signal Village, Taguig City
  • Barangay Hagonoy, Taguig City
  • Orange County Village, G. Lazaro St., Dalandanan, Valenzuela City
  • Barangay Masagana, El Nido, Palawan
  • Pinamalayan, Oriental Mindoro
Central Visayas
[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Alona Beach, Panglao, Bohol
  • S. Osmeña Street, Barangay Gun-ob, Lapu-Lapu City
Western Visayas
[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Pastrana Corner 19 Martyrs Street, Kalibo, Aklan
  • Sitio Din-Iwid, Station 1, Barangay Balabag, Malay, Aklan
  • Brgy. Egaña, Sibalom, Antique
  • Concentrix Mandalagan, Carmelite Church, Bacolod City
  • Suntal Building, Circumferential Road, Bangga Cory Highway, Bacolod City
  • Pototan, Iloilo
  • Barangay Mansaya, Lapuz, Iloilo City
  • Uswag Gym, La Paz, Iloilo City
  • 12th Street, Bacolod City, Negros Occidental
  • Barangay 27, Bacolod City, Negros Occidental
Northern Mindanao
[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Aurora Street, Zone 3, Barangay Agusan, Cagayan de Oro City
  • Babu Kwan, Aguinaldo Street, Cagayan de Oro City
  • Holy Rosary Petron gas station, CM Recto Avenue, Cagayan de Oro City
  • RVS Plaza, Barangay Bugo, Cagayan de Oro City
  • Zone 4, Sitio Pasil, Barangay Kauswagan, Cagayan de Oro City
  • Purok 5, Barangay Canaway, Iligan City, Lanao del Norte

Kasaysayan ng Community Pantry

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Magmula pa noong 2013, mayroon nang parehong programa nito sa Estados Unidos. Ito ay nasa mga unibersidad kung saan nagbibigay tulong sa mga estudyanteng walang pambili ng pagkain dahil sa kanilang mga utang sa paaralan. Mayroon ring ganitong programa na umusbong sa Thailand noong 2020, ang Too Pan Sook (pastries of sharing)[7][8]. Subalit ibang bersyon naman ang nabuo sa Pilipinas dahil magmula sa mga may-ari ng mga malalaking kainan hanggang sa mga magsasaka sa Tarlac, ay nagbibigay ng kani-kanilang porsyon para makatulong sa community pantry.[5]

Suliranin ng proyekto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Makalipas na ito ay maging usap-usapan sa iba-ibang porma ng media, agad naman itong ginaya sa dumadami pang komunidad. Subalit, mayroong isang beses na nahinto ang pamamahagi ng Maginhawa Community Pantry sanhi ng pag-aalala nin Ana Patricia Non sa kanyang seguridad. Ilang kasapi ng pulisya, partikular ng Quezon City Police District ang nagtungo sa nasabing lugar upang kumuha ng mga litrato at hingin ang ilang impormasyon kay Non patungkol sa kanya at sa kanyang proyekto.[9][10] Noong parehong araw ay nagpalabas naman Facebook page ng ational Task Force Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng isang paalala sa publiko kung saan ikonokonekta nito ang proyekto sa ilang propaganda ng mga komunistang grupo..[11]Nagbigay na ng paumanhin ang NTF-ELCAC. Subalit, sa nakaraang panayam kay Lieutenant General Antonio Parlade, ang namumuno sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sinabi nito na si Non, ang nagtayo ng Maginhawa community pantry, ay nililinlang ang mga tao katulad ng ginawa ni Satanas.[12] Sa paglilinaw, ang tinutukoy niya lamang raw ay ang mga posibleng mas malalaking organisasyon sa likod nito, at hindi naman partikular na si Ana Patricia Non.[13] Samantalang iniutos naman ng Pulis Heneral na si Debold Sinas sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ilang pang-rehiyonal na opisina ng mga kapulisan na itigil ang pag-red tag o ang gawain ng pagkokonekta ng mga ganitong proyekto sa mga subersibong grupo.[14]

Mga larawan ng Community Pantry

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. How to lead a community pantry in your barangay
  2. Maginhawa Community Pantry organizer Ana Patricia Non—according to her friends
  3. Ana Patricia Non and a street that turned into a movement
  4. LIST: Community pantries where you can donate goods, basic necessities
  5. 5.0 5.1 "What the community pantry movement means for Filipinos". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-04-22. Nakuha noong 2021-04-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. COVID-19 News: Community Pantry Efforts In Metro Manila Prove Modern-Day Bayanihan
  7. 'Pantries of sharing' mustn't let dark side win
  8. Help the Hungry: ‘Sharing Pantries’ spread across Thailand
  9. Maginhawa community pantry temporarily shut down amid red-tagging
  10. Parlade admits profiling of community pantry organizers
  11. Maginhawa Community Pantry organizer Ana Patricia Non—according to her friends
  12. Parlade On AP Non – “Isang Tao Lang Si Ana, Same With Satan”
  13. Parlade likens rapid spread of community pantries to work of ‘Satan’
  14. PNP orders probe into police's red-tagging of community pantries