Pumunta sa nilalaman

Boga

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang boga o kanyong PVC ay isang pampaingay na popular tuwing pagdiriwang ng Araw ng Bagong Taon sa Pilipinas. Ipinagbabawal ang paggamit nito ng pamahalaan ng Pilipinas noong pang 2006.[1]

Isang boga

Nagmula sa lalawigan ng Cavite,[2] gawa ang boga sa tubong may kalakihan na ikinabit sa laruang baril. Nilalagyan ng alkohol na denatured (minsa'y thinner ng pintura o acetone) ang puwitan o breech ng boga at sinsindihan sa pamamagitan ng mekanismo ng gatilyo ng laruang baril na nakakabit sa pampasiklab o sa pamamagitan ng pagsimula ng maliit na apoy.[3] Ang pagsama-sama ng hangin at gatong na nasusunog sa nakakulong na espasyo ng tubo kapag nasindihan mula sa gatilyo o kapag naapoyan ay nagdudulot ng kombustiyon na nakakalikha ng malakas at mala-ugong na ingay.

Gawa ang unang prototipo mula sa mga pira-pirasong lata na kinabit sa pamamagitan ng mga tape at pinutol na mga botelya na PET. Sa kalunan, yari na ang boga sa mga tubo ng PVC.

Mga pagbabawal at pinsala

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagbabala ang Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas sa patuloy ng paggamit ng boga na tinuturing na mapanganib ang paggamit dahil sa pinsala. Noong Disyembre 27, 2005, iniutos ang pagbabawal ng boga para sa palapit na pagdiriwang ng Bagong Taon dahil sa mga kapahamakan nadudulot nito tulad ng pinsala sa mata at pamamaga ng mata.[3]

Kadalasang nasusugatan ang mukha kapag ang gumagamit ng boga ay tinitingnan ng malapitan ang boga na di gumana. Ayon sa tala noong Disyembre 28, 2006, 80 bahagdan ng 178 kataong naaksidente dahil sa mga paputok ay dahil sa boga.[4] Noong Disyembre 2007, binigay diin ng mga opisyal ng Kagawaran ng Kalusugan na bawal pa rin ang boga.[1][3]

Sa estado ng Australia na New South Wales, ipinagbabawal ang kanyong PVC bilang sandata kasama iba pang uri na dinisenyo para magbunsod ng isang bomba, granada, rocket o missile sa pamamagitan ng anumang kaparaanan maliban sa isang eksplosibo.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 ""Bawal ang Boga", DOH says this holiday season". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-19. Nakuha noong 2008-12-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Pinoys find another way to welcome the New Year" (sa wikang Ingles). Manila Bulletin Online. 2005-12-31. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 22, 2008. Nakuha noong 2008-12-29.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Santos, Tina (2006-12-27). "'Boga' may be in, but beware of consequences" (sa wikang Ingles). Inquirer.net. Nakuha noong 2008-12-29.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  4. Crisostomo, Shiela (2006-12-29). "Metro Police Chief Orders Ban on PVC Cannons" (sa wikang Ingles). Newsflash.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-07. Nakuha noong 2008-12-29.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. WEAPONS PROHIBITION ACT 1998 (NSW) Sched 1, s.2(3). (sa Ingles)