Pumunta sa nilalaman

Bryan Nickson Lomas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bryan Nickson Lomas
Si Bryan sa Palarong Komonwelt 2010
Personal na impormasyon
Buong pangalanBryan Nickson Lomas
Kapanganakan (1990-06-30) 30 Hunyo 1990 (edad 34)
Kuching, Sarawak
TirahanKuala Lumpur, Malaysia
Tangkad1.64 metro (5 tal 5 pul)
Isport
Bansa Malaysia
Kaganapan3–, 10 m pambuwelo, platporma

Si Bryan Nickson Lomas (ipinanganak noong Hunyo 30, 1990 sa Kuching, Sarawak[1]) ay dating maninisid mula sa bansang Malaysia. Si Lomas ang pinakabatang atleta mula sa Malaysia na naging kuwalipikado para sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004 sa Atenas, Gresya nang siya ay 14 na taong gulang pa lamang.[2] Siya ang naging kauna-unahang dyunyor na kampeon ng pagsisid sa mundo ng kanyang bansa pagkatapos manalo ng ginto sa 3 m pambuwelong (springboard) kaganapang Dyunyor na Kampeonato ng Mundo na ginanap sa Belem, Brazil noong 2004.[3][4] Nagsanay siya sa ilalim ng pagtuturo ni Yang Zhuliang. Ipinangalan si Lomas ng kanyang ama sa putbolistang si Bryan Robson.

Sa edad na 14, si Lomas ang ikalawang pinakabatang atleta na nakipagpaligsahan sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004 sa Atenas, Gresya at siya ang tagahawak ng watawat ng Malaysia noong pambungad na seremonya.[5] Nakipagkompetensya siya sa kaganapang 10 metrong plataporma na may 407.13 puntos na natapos niya sa ika-19 na puwesto.[6] Sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2005 na ginanap sa Pilipinas, nanalo si Lomas ng gintong medalya para sa kaganapang 10 m plataporma at pilak para sa 10 m platapormang synchro kaagapay si James Sandayud.

Kinatawan ni Lomas ang Malaysia sa pagsisid sa Kampeonatong Akwatika ng Mundo 2007 na ginanap sa Melbourne, Australia. Pumasok siya sa kaganapang 10 m plataporma at nakaranggo sa ikapito sa pinakahuling kalkulasyon na may 469.25 puntos. Sinugurado ng ikapitong puwesto na ito ang puwesto niya sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 sa Beijing, Tsina.[7] Noong 2006, si Lomas kasama ang kanyang kasamahan na si James Sandayud ay nakapasok sa Naka-synchronize na 10 m Platapormang Kompetisyon at nanalo ng Pilak sa Palarong Komonwelt 2006 sa Melbourne, Australya. Napunta siya sa ika-9 sa kaganapang 10 m platapormang pagsisid sa wakas ng Palarong Asyano 2006 na ginanap sa Doha, Qatar.

Nakipagkompitensya si Lomas sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 sa Beijing, Tsina, na naging kuwalipikado para 10 metrong plataporma pagkatapos mapunta sa ikapitong puwesto sa Kampeonatong Akwatika ng Mundo 2007. Sa kaganapang ito, umani lamang si Lomas ng 384.35 puntos, at natanggal sa panimulang yugto. Natapos siya sa ika-26 na puwesto.[6] Noong Disyembre 2009, nanalo si Lomas ng gintong medalya sa parehong kaganapang 10 m plataporma at 3 m pambuwelong naka-synchronize kasama ang kasamahang si Yeoh Ken Nee.

Nakipagpalisahan sa Palarong Komonwelt 2010 na ginanap sa Delhi, Indya, nanalo siya ng tanso sa kompetisyong 10m Indibiduwal na Plataporma at natapos sa ika-7 sa parehong kompetisyong 3m Indibiduwal na Plataporma at 1m Indibiduwal na Plataporma. Para sa Pagsisid na Naka-synchronize, nanalo siya at kanyang kasamahang na si Yeoh Ken Nee ng tanso sa Naka-synchronize na 3m Platapormang Kompetisyon.

Sumali si Lomas sa Palarong Asyano 2010 na ginanap sa Guangzhou, Tsina. Pumasok si Lomas sa tatlong kaganapan: 10 m plataporma, naka-synchronize na 3 m pambuwelo (kasama si Yeoh Ken Nee), naka-synchronize na 10 m pambuwelo (kasama si Ooi Tze Liang). Nagtagumpay siya sa pagkapanalo ng dalawang pilak sa parehong kaganapang sinkronisasyon at tanso naman sa isa pa.[8] Sa Kampeonatong Akwatika ng Mundo 2011, nakipagkompetensya si Lomas sa pagsisid sa 3 m pambuwelo at 10 m plataporma. Natapos siya sa ika-11 sa wakas ng naunang kaganapan, subalit napunta sa ika-24 doon naman sa huling kaganapan.

Sa Kopang Pandaigdig sa Pagsisid ng FINA na ginanap sa London, Reino Unido, nakitang nakamit ni Lomas at Huang Qiang ang tanso sa kaganapang naka-synchronize na 3 metrong pambuwelo at naging kuwalipikado sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2012. Sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2012 na ginanap sa London, Reino Unido, nakipagpaligsahan si Lomas sa dalawang kaganapang pagsisid. Nakaranggo siya sa ika-8 sa kaganapang naka-synchronize na 3 m pambuwelo kaagapay si Huang Qiang. Sa kaganapang 10 metro plataporma, umani si Lomas ng 434.95 puntos, at natanggal sa paunang yugto, na natapos sa ika-9 na puwesto.

Parangal at pagkilala

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinangalan si Lomas bilang Manlalaro ng Taon ng Sarawak para sa ikatlong beses; 2005/2006, 2007/2008 at 2011/2012.[9] Pinangalan din siya bilang isa sa labing-limang ginawaran ng Sarawak Youth and Sports Icon Award noong 2011.[10] Sa 2015 UM Sports Awards, pinarangalan siya ng Parangal na Panghabambuhay na Tagumpay.[11]

Pansariling buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagretiro siya sa pagsisid noong Mayo 2013.[12][13] Noong 2015, nagtapos siya ng may natatanging karangalan mula sa Universiti Malaya, na may Digri sa Batsilyer sa Agham Pampalakasan (Pamamahala ng Isports).[14] Noong 2017, nagkaroon siya ng digring maestriya sa pamamahala ng palakasan sa Russian International Olympic University.[15] Hindi permanenteng nagtuturo (coaching) siya sa koponang Selangor at naghangad na magbukas ng akademya ng pagsisid; na bubuksan sa Sarawak o sa Kuala Lumpur.[14]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Bryan Lomas" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Abril 2020. Nakuha noong 26 Oktubre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Bryan officially leaves national squad" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Oktubre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Kuala Lumpur to host world junior diving meet" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Agosto 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Bryan hopes to do well in world meet to earn Olympic spot" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Agosto 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Countries – Malaysia" (sa wikang Ingles). sports-reference.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Abril 2020. Nakuha noong 5 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "Athletes – Bryan Lomas" (sa wikang Ingles). sports-reference.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Abril 2020. Nakuha noong 5 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "12th FINA World Championships – Men's 10m Platform Detailed Results" (PDF) (sa wikang Ingles). omegatiming.com. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 30 Setyembre 2007. Nakuha noong 5 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Biography – Lomas, Bryan Nickson" (sa wikang Ingles). gz2010.cn. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-13. Nakuha noong 6 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Pandelela, Bryan Nickson lead sports award list, The Borneo Post; hinango noong 28 Oktubre 2015 (sa Ingles).
  10. ‘Youth icons’ given due recognition, The Borneo Post; hinango noong 28 Oktubre 2015 (sa Ingles).
  11. Fadhli Ishak (10 Marso 2016). "Harith, Irene named Universiti Malaya 2015 Sportsman and Sportswoman of the Year" (sa wikang Ingles). New Straits Times. Nakuha noong 25 Hulyo 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Former diver Bryan wants to focus on getting a degree, The Star (Malaysia); hinango noong 26 Oktubre 2015 (sa Ingles).
  13. Coach: Malaysia’s dive queen Pandalela will soar in Rio, Malay Mail; hinango noong 26 Oktubre 2015 (sa Ingles).
  14. 14.0 14.1 Former diving star Bryan shines again… with distinction, The Star (Malaysia); hinango noong 26 Oktubre 2015 (sa Ingles).
  15. Fadhli Ishak (6 Enero 2018). "Bryan dives into separation issue" (sa wikang Ingles). New Straits Times. Nakuha noong 25 Hulyo 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)