Palaro ng Timog Silangang Asya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang opisyal na watawat ng Pederasyon ng Palaro ng Timog Silangang Asya

Ang Palaro ng Timog Silangang Asya (Ingles: Southeast Asian Games o SEA Games), ay isang panyayaring pang-palakasan na ginaganap bawat dalawang taon na sinasalihan ng kasalukuyang 11 mga bansa mula sa Timog-silangang Asya. Kinabibilangan ito ng iba't ibang uri ng palakasan.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagsimula ang Palaro ng Timog Silangang Asya mula sa Palaro ng Katangwayang Timog-Silangang Asya (Southeast Asian Peninsular Games o SEAP Games). Ito ay naisip ni Laung Sukhumnaipradit, ang dating Pangalawang Pangulo ng Komiteng Olimpiko ng Thailand. Nilikha ito upang tumulong sa pagsulong ng kooperasyon, pagkakaunawaan at pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa rehiyon ng ASEAN.

Kabilang ang Thailand, Burma (Myanmar ngayon), Malaysia, Laos, Timog Vietnam at Cambodia (ibinalang ang Singapore sa kalaunan) sa mga naunang kasapi. Nagkasundo ang mga bansang ito, na ganapin ang mga palakasan bawat dalawang taon. Nabuo ang SEAP Games Federation Committee.

Naganap ang unang SEAP Games sa Bangkok mula 12-17 ng Disyembre, 1959 na binubuo ng higit sa 527 atleta at opisyal na nagmula sa Thailand, Burma, Malaysia, Singapore, Vietnam at Laos at lumahok sa 12 mga palakasan.

Kinusindera ng SEAP Federation noong ikawalong SEAP Games noong 1975 na ibilang ang Indonesia at Pilipinas. Pormal na naisali ang dalawang bansa noong 1977, ang kaparehong taon na pinalitan ng SEAP Federation ang pangalan nito ng Pederasyon ng Palaro ng Timog-Silangang Asya (Southeast Asian Games Federation o SEAGF), at nakilala ang mga palaro nito sa kasalukuyan nitong pangalan. Napasama ang Brunei noong ikasampung SEA Games sa Jakarta, Indonesia, at ang Silangang Timor sa ika-22 SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

Ginaganap ang ika-23 SEA Games sa Pilipinas na nagsimula noong Nobyembre 27 at natapos noong Disyembre 5, 2005. Ito ang ikatlong pagkakataon na gaganapin sa Pilipinas ang pangyayaring pampalakasan na ito.

Ang ika-24 na edisyon ng palaro ay gaganapin sa Nakhon Ratchasima sa bansang Thailand.[1]

Mga edisyon ng palaro[baguhin | baguhin ang batayan]

Palaro ng Katangwayang Timog Silangang Asya[baguhin | baguhin ang batayan]

Taon Ganap Punong-abala Bansa
1959 I Bangkok Thailand
1961 II Rangoon Burma
1963 kinansela Phnom Penh Cambodia
1965 III Kuala Lumpur Malaysia
1967 IV Bangkok Thailand
1969 V Rangoon Burma
1971 VI Kuala Lumpur Malaysia
1973 VII Singapore Singapore
1975 VIII Bangkok Thailand

Palaro ng Timog Silangang Asya[baguhin | baguhin ang batayan]

Taon Ganap Punong-abala Bansa
1977 IX Kuala Lumpur Malaysia
1979 X Jakarta Indonesia
1981 XI Maynila Pilipinas
1983 XII Singapore Singapore
1985 XIII Bangkok Thailand
1987 XIV Jakarta Indonesia
1989 XV Kuala Lumpur Malaysia
1991 XVI Maynila Pilipinas
1993 XVII Singapore Singapore
1995 XVIII Chiang Mai Thailand
1997 XIX Jakarta Indonesia
1999 XX Bandar Seri Begawan Brunei Darussalam
2001 XXI Kuala Lumpur Malaysia
2003 XXII Hanoi at Ho Chi Minh Vietnam
2005 XXIII Kalakhang Maynila, Bacolod, Cebu, Subic, Tagaytay, Lungsod ng Angeles Pilipinas
2007 XXIV Nakhon Ratchasima Thailand
2009 XXV Vientiane Laos
2011 XXVI Jakarta at Palembang Indonesia
2013 XXVII Naypyidaw Myanmar
2015 XXVIII Singapore Singapore
2017 XXVIII Kuala Lumpur at Kuching Malaysia
2019 XXIX Bandar Seri Begawan Brunei Darussalam
2021 XXX Ho Chi Minh City Vietnam
2023 XXXI Phnom Penh Cambodia
2025 XXXII Bocaue Pilipinas

Kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga batayan[baguhin | baguhin ang batayan]



Palaro ng Katangwayang Timog Silangang Asya
Bangkok 1959 | Yangon 1961 | Phnom Penh 1963¹ | Kuala Lumpur 1965 | Bangkok 1967
Yangon 1969 | Kuala Lumpur 1971 | Singapore 1973 | Bangkok 1975
Palaro ng Timog Silangang Asya
Kuala Lumpur 1977 | Jakarta 1979 | Maynila 1981 | Singapore 1983 | Bangkok 1985
Jakarta 1987 | Kuala Lumpur 1989 | Maynila 1991 | Singapore 1993 | Chiang Mai 1995
Jakarta 1997 | Bandar Seri Begawan 1999 | Kuala Lumpur 2001 | Hanoi 2003
Maynila 2005 | Nakhon Ratchasima 2007 | Vientiane 2009 | Palembang 2011 | Naypyidaw 2013 | Singapore 2015 | Kuala Lumpur 2017 | 2019
¹Ikinansela dahil umayaw ang punong-abala.