Pumunta sa nilalaman

Palaro ng Timog Silangang Asya 2007

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa 2007 Southeast Asian Games)
Ika-24 Palarong Timog Silangang Asya
Punong-abalang lungsodNakhon Ratchasima, Thailand
MottoTema: "SPIRIT, FRIENDSHIP AND CELEBRATIONS"
Mga bansang kalahok11
Mga atletang kalahok5,282
Disiplina475 sa 43 disiplina
Seremonya ng pagbubukas6 Disyembre 2007
Seremonya ng pagsasara15 Disyembre 2007
Opisyal na binuksan niVajiralongkorn
Opisyal na sinara niSurayud Chulanont Prime Minister of Thailand
Panunumpa ng ManlalaroSuebsak Pansueb
Panunumpa ng HukomPaibul Srichaisawat
Torch lighterUdomporn Polsak
Main venue80th Birthday Stadium
<  Manila 2005 Vientianne 2009  >

Ang ika-24 na Palaro ng Timog Silangang Asya o 24th SEA Games ay ginanap sa Lungsod ng Nakhon Ratchasima sa Thailand mula 6 Disyembre 2007 hanggang 16 Disyembre 2007.[1] Ang Thai Olympic Committee ay pinlano na ang palaro ay ganapin kasabay ng pagdiriwang ng ika-80 taong kaarawan ni Haring Bhumibol Adulyadej.

Ang edisyong ito ng palaro ay ang pang-anim na beses na ng Thailand bilang bansang punong-abala. Ang ilang disiplina ay nagsimula na bago pa man ang opisyal na pagbubukas ng palaro. Ang ibang larangan ay ginaganap sa Bangkok at Chonburi.

Kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng Hari ng Thailand, ang pagbubukas ng palaro ay naging makulay at magarbo, ipinamalas ng bansang punong-abala ang kultura ng hilagang silangan ng bansa. Ang kalderon ay sinindihan ni Udomporn Patsak.

Noong ika-24 ng Pebrero taong 2006, ang mga opisyales ng lalawigan ng Nakhon Ratchsima ay pinag-usapan ang iskedyul ng palaro at progreso ng kasalukuyang ginagawang stadium na pampalakasan na nagkakahalaga ng $65 milyon. Natapos ang sports complex buwan ng Hunyo ng taong 2007.

Talaan ng medalya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang ng mga natamong medalya (huling tala Disyembre 15 18:14 [2] (UTC +7))

Pos. Bansa Ginto Pilak Tanso Kabuuan
1  Thailand (THA) 183 123 103 409
2  Malaysia (MAS) 68 52 96 216
3  Vietnam (VIE) 64 58 82 204
4  Indonesia (INA) 56 64 83 203
5  Singapore (SIN) 43 43 41 127
6  Pilipinas (PHI) 41 91 96 228
7  Myanmar (MYA) 14 26 47 87
8  Laos (LAO) 5 7 32 44
9  Cambodia (CAM) 2 5 11 18
10  Brunei (BRU) 1 1 4 6
11  Silangang Timor (TLS) 0 0 0 0
Kabuuan 477 470 595 1542


Si Nong Can, ang pusang siamese na opisyal na mascot ng ika-24 na SEA Games

Ang opisyal na mascot ng palaro ay si Can, isang pusang siamese (Ingles: siamese cat). Si Can ay pinangalanan ng isang walong-taong gulang na babae, si Piyathida Sreewimon at idinisensyo ni Sa-ard Jomnagrm.[3] Ang mascot ay makikitang nakasuot ng pha khao ma isang tradisyonal ng tuwalyang Thai at ipinapakitang tumutugtog ng kaen, isang instrumento mula sa hilagang-silangan. Pinili ang pusang siamese dahil ang mga lahing ito ay nagmula sa distrito ng Pimai ng Nakhon Ratchasima. Ang mga pusang siamese, ayon sa tradisyonal na kultura ng mga Thai, ay pinaniniwalaang nagbibigay ng kapalaran at karangyaan at isa sa mga lahi ng mga pusa na kilala sa buong mundo.

Mga kasaling nasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Nasyon Manlalaro Opisyal
Kodigo Designasyon ng IOC Lalaki Babae Kabuuan Lalaki Babae Kabuuan
BRU Brunei Brunei Darussalam 51 10 61 44 2 46
CAM Cambodia Cambodia 161 71 232 64 4 68
INA Indonesia Indonesia 369 205 574 160 28 188
LAO Laos Popular na Demokratikong Republika ng Laos 246 168 414 186 35 221
MAS Malaysia Malaysia 494 326 820 239 35 294
MYA Myanmar Myanmar 292 214 506 156 35 191
PHI Pilipinas Pilipinas 373 247 620 143 32 175
SIN Singapore Singapore 262 180 442 165 51 216
THA Thailand Thailand 540 442 982 342 65 407
TLS East Timor Timor Leste 7 0 7 8 0 8
VIE Vietnam Vietnam 331 293 624 152 17 169
Kabuuan 3,126 2,156 5,282 1,659 324 1,983

Mga palakasan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

¹ - hindi opisyal na disiplina sa Olympics.
² - disiplinang nilalaro lamang sa SEA Games.
³ - hindi tradisyonal na displina sa Olmypics at SEA Games at isinali ng punong-abala.
° - dating nilalaro sa Olympics, wala sa naunang edisyon at isinali lamang ng bansang punong-abala.
ʰ - palakasang hindi nilaro sa naunang edisyon at ibinalik ng bansang punong-abala.

Kontrobersiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Ang 24 na edisyon ng Palaro ng Timog Silangang Asya ay ang pinaka-kontrobersiyal sa kasaysayan ng palaro dahil sa mga pandaraya at ang paggamit ng Neutral Judge sa lahat ng venue ng laro

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Opisyal na website ng 2007 Southeast Asian Games Naka-arkibo 2008-05-17 sa Wayback Machine.

  1. "Ang opisyal na website ng Palaro ng Timog Silangang Asya 2007". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-10-16. Nakuha noong 2021-08-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-10-16 sa Wayback Machine.
  2. "Mga natamong medalya". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-12-31. Nakuha noong 2007-12-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-12-31 sa Wayback Machine.
  3. "Ang mascot ng Palaro". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-09-30. Nakuha noong 2007-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2012-09-30 sa Wayback Machine.