New Clark City

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
New Clark City
Planadong lungsod
Opisyal na logo ng New Clark City
Mga koordinado: 15°19′20.2″N 120°30′21.4″E / 15.322278°N 120.505944°E / 15.322278; 120.505944Mga koordinado: 15°19′20.2″N 120°30′21.4″E / 15.322278°N 120.505944°E / 15.322278; 120.505944
Bansa Philippines
RehiyoGitnang Luzon
ProbinsyaTarlac
BayanCapas
Economic zoneClark Special Economic Zone
NamamahalaBases Conversion and Development Authority
Lawak
 • Kabuuan94.50 km2 (36.49 milya kuwadrado)
Pinakamataas na pook
800 m (2,600 ft)
Pinakamababang pook
54 m (177 ft)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Websaytnewclarkcityph.com

Ang New Clark City (tinatawag din bilang Clark Green City at New Clark Green City) ay isang planadong lungsod na itinatayo sa Capas, Tarlac, Pilipinas. Ito ay may lawak na 9,450 ektarya at pagnatapos ay maaaring maging tahanan ng humigit-kumulang 1.2 milyong katao.

Pangalan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang logo ng Clark Green City.

Ipinangalan ang lungsod na "Clark" dahil mas kilala ito ng mga namumuhunan, kahit na ang lungsod ay nasa Tarlac at wala sa Pampanga (kung saan naroroon ang Clark Freeport Zone). Inihalintulad ito sa kaso ng Subic Bay Freeport Zone na matatagpuan sa Olongapo at Morong, Bataan, at wala sa Subic, Zambales.[1]

Palakasan at laro[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang ginagawang hugnayan ng mga pook-palakasan sa New Clark City ay binubuo ng nayon ng mga atleta, pantubig na pook-palakasan, at isang istadyum na maaring mag-upo ng 20,100 katao. Inaasahan sa New Clark City gaganapin ang Palaro ng Timog Silangang Asya 2019.

Transportasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pinaplanong linya na Maynila-Clark ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas ang mag-uugnay sa New Clark City at sa kabisera ng bansa, ang Maynila. Ang Estasyong daangbakal ng New Clark City ang pangunahing estasyon na inaasahang maglilingkod sa lungsod.

Ang NCC ay maaaring mapuntahan gamit ang Subic–Clark–Tarlac Expressway at ang Central Luzon Link Expressway. Mapupuntahan din ang lungsod sa pamamagitan ng Daang New Clark City-Mac Arthur na konektado sa Lansangang MacArthur.

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Construction of P1.7-T Clark Green City to start next year - BCDA". InterAksyon. Philippines News Agency. Ika-13 ng Disyembre, 2015. Nakuha noong Ika-11 ng Abril, 2016. Check date values in: |accessdate=, |date= (tulong)