Bukavu
Bukavu Costermansville/Costermansstad | |
---|---|
Bukavu na tanaw mula sa himpapawid | |
Mga koordinado: 2°30′S 28°52′E / 2.500°S 28.867°E | |
Bansa | Demokratikong Republika ng Congo |
Lalawigan | Timog Kivu |
Itinatag | 1901 |
Pamahalaan | |
• Mayor | Filemon Mulolo |
Lawak | |
• Kabuuan | 60 km2 (20 milya kuwadrado) |
Taas | 1,498 m (4,915 tal) |
Populasyon (2016) | |
• Kabuuan | 870,954[1] |
Sona ng oras | UTC+2 (Oras ng Lubumbashi) |
Klima | Aw |
Websayt | Official website (sa Pranses) (** query broken URL) |
Ang Bukavu (dating mga opisyal na pangalan: Costermansville (wikang Pranses) at Costermansstad (wikang Olandes)) ay isang lungsod sa silangang Demokratikong Republika ng Congo (DRC), na nasa timog-kankurang dalampasigan ng Lawa ng Kivu, kanluran ng Cyangugu, Rwanda, at nakahiwalay mula rito sa pamamagitan ng isang labasan ng Ilog Ruzizi. Ito ang kabisera lalawigan ng Timog Kivu at noong 2012 mayroon itong tinatayang populasyon na 806,940 katao.
Malapit sa lungsod ang Pambansang Liwasan ng Kahuzi-Biéga, na isang Pandaigdigang Pamanang Pook at isa sa dalawang mga tahanan ng silangang kapatagan na gorilya. Ang Katedral ng Ina ng Kapayapaan na pinakasentro ng Katoliko Romanong Arkidiyosesis ng Bukavu ay nakompleto noong 1951.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bahagi ang Bukavu ng sinaunang lupain ng Kaharian ng Bushi, ang pangunahing pangkat etniko ng Timog Kivu. Pinamunuan ito ng isang “Muluzi” Nyalukemba, nang dumating ang unang mga Arabe, at pagkatapos mga Europeo sa Bushi sa kahulihan ng ika-19 na dantaon. (Ang salitang “Muluzi” o “Baluzi” sa pangmaramihan ay nagngangahulugang « taong maharlika o pagkamaharlika sa Shi » . Katumbas ito sa Watutsi o Tutsi sa wikang Kinyarwanda.)
Bago dumating ang mga Europeo sa Kaharian ng Bushi, tinawag na “Rusozi” ang Bukavu. Hango ang pangalang Bukavu sa pag-iiba ng anyo ng salitang 'bu 'nkafu ' (bukid ng mga baka) sa Mashi, ang wika ng Bashi. Opisyal na itinatag ng Belhikanong mga maykapangyarihang kolonyal ang Bukavu noong 1901. Tinawag itong "Costermansville" (sa Pranses) o "Costermansstad" (sa Olandes)—kasunod ng pangalan ni Bise Gobernador-Heneral Paul Costermans—hanggang sa taong 1954. Mayroon itong litaw na populasyong Europeo sa ilalim ng pamumunong Europeo. Naakit sila sa klimang subtropikal (nasa 1,500 metro sa ibabaw ng lebel ng dagat ang Lawa ng Kivu) at matanawing kinaroroonan (itinayo ang Bukavu sa limang mga tangway at inilarawan bilang "isang luntiang kamay na nakalublób sa lawa"). Maraming kolonyal na mga villa ay may mga harding dumadahilig pababa sa pampáng.
Sa kabilang banda, paakyat naman sa gilid ng burol ng pulo ang Kadutu—ang pangunahing distritong pamahayan para sa madla. Umaabot ang taas ng nakapalibot na mga burol sa 2,000 metro.
Dating sentrong pampangasiwaan para sa buong rehiyon ng Kivu, nawalan ang Bukavu ng ilan sa mga katayuan nito bilang bunga ng paglago ng Goma at ng mga digmaang sumiklab sa Congo kasunod ng pagpatay ng lahi sa Rwanda.
Kasunod ng paglipol ng lahi sa Rwanda, nagsilikas ang mga Hutu at maraming mga kasapi ng dating pamahalaang pinamunuan ng Hutu bilang bahagi ng krisis ng mga takas sa Great Lakes. Ang mga kampo ng mga takas sa paligid ng Goma at Bukavu ay naging sentro ng himagsikang Hutu laban sa bagong pamahalaang Watutsi ng Rwanda, bagamat sa napakaliit na saklaw. Noong Nobyembre 1996, sa simula ng Unang Digmaang Congo, sinalakay ng mga hukbo ng pamahalaang Ruwandano ang mga kampo ng mga Hutu, at ng mga hukbo ng pamahalaan ng Zaïre na nagpahintulot sa himagsikan. Sinuportahan ng pamahalaang Ruwandano ang mga rebelde sa Zaïre na pinamunuan ni Laurent Kabila na nagpatalsik sa pamahalaang Kinshasa kalakip ng kanilang tulong, at kasunod nito nawalan ng opisina kasama sila, kung kaya humantong ito sa Ikalawang Digmaang Congo. Tinustos ng Rwanda ang pangkat ng manghihimagsik na Rally for Congolese Democracy (RCD) laban kay Kabila. Pinaniniwalaang ekonomiko ang kadahilanan sa pagsuportang ito sa halip ng pagtanggol sa lupaing Rwanda. Nakapangyari ng Banyamulenge ang RCD na humawak sa Bukavu pati ang ibang mga bahagi ng Timog Kivu. Nasaksihan ng Bukavu ang kalat-kalat na labanan sa pagitan ng mga manghihimagsik at mga hukbo ng pamahalaan at kanilang mga kinatawan, kasama ang Mayi-Mayi, lalo na noong 1998 at 2004.
Noong Hunyo 3, 2004, nagtungo sa mga kalye ang mga raliyista sa ilang mga Konggoles na lungsod upang tutulan ang Mga Nagkakaisang Bansa sa kabiguan nito sa paghadlang na mapunta ang Bukavu sa mga hukbong RCD na sinusuporta ng Rwanda at pinamunuan ni Heneral Nkunda.[2] Humigit-kumulang 16,000 kababaihan ay ginahasa sa isang sanlinggo pagkaraang winika ni Heneral Nkunda sa kaniyang mga kawal na "Sa inyo na ang lungsod na ito sa loob ng tatlong araw."[3] Noong Setyembre 2007 muling nangguló si Nkunda at nagsimulang sumalakay sa mga kawal ng pamahalaan sa hilaga ng Goma. Sa mga panahong iyon hinikayat siya na tumalima sa mga kasunduang pangkapayapaan na nagtapos sa digmaan at sumanib muli sa hukbong pamahalaan ng Congo ang kaniyang mga kawal.
Hindi bababa sa isang pulis ang nasawi sa kasagsagan ng lindol sa Timog Kivu ng 2015.
Likas na mga peligro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bagamat hindi binabantaan ng mga bulkan di-katulad ng Goma, may katumbas na panganib ang Bukavu mula sa isang potensiyal na limnic eruption mula Lawa ng Kivu, kung saan maaaring pumutok ang napakaraming natunaw na karbon dioksido at metano mula sa lawa at maglalagay sa peligro ang 2 milyong katao na nakatira malapit sa lawa.[4]
Klima
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ibinukod ng Köppen-Geiger climate classification system ang klima ng Bukavu bilang basa at tuyong klima na tropikal (Aw).[5]
Datos ng klima para sa Bukavu | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Katamtamang taas °S (°P) | 25 (77) |
25.1 (77.2) |
25.1 (77.2) |
24.6 (76.3) |
24.7 (76.5) |
25 (77) |
25.7 (78.3) |
26.8 (80.2) |
26.6 (79.9) |
25.6 (78.1) |
25 (77) |
24.8 (76.6) |
25.33 (77.61) |
Arawang tamtaman °S (°P) | 19.8 (67.6) |
19.9 (67.8) |
19.9 (67.8) |
19.6 (67.3) |
19.9 (67.8) |
19.6 (67.3) |
19.5 (67.1) |
20.4 (68.7) |
20.5 (68.9) |
20.1 (68.2) |
19.8 (67.6) |
19.7 (67.5) |
19.89 (67.8) |
Katamtamang baba °S (°P) | 14.7 (58.5) |
14.7 (58.5) |
14.7 (58.5) |
14.7 (58.5) |
15.1 (59.2) |
14.2 (57.6) |
13.4 (56.1) |
14 (57) |
14.5 (58.1) |
14.7 (58.5) |
14.6 (58.3) |
14.6 (58.3) |
14.49 (58.09) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 135 (5.31) |
137 (5.39) |
170 (6.69) |
165 (6.5) |
103 (4.06) |
34 (1.34) |
17 (0.67) |
52 (2.05) |
110 (4.33) |
151 (5.94) |
172 (6.77) |
145 (5.71) |
1,391 (54.76) |
Sanggunian: Climate-Data.org, altitude: 1490m[5] |
Transportasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Bukavu ay isang mahalagang sentro ng transportasyon at gateway sa silangang DR Congo, ngunit dahil sa mga digmaan napinsala ang sistemang daan at hindi pa naiaayos ang mga lansangan na papuntang Goma, Kisangani at ibang bayan. Tulad sa Goma, maaaring mas-mabilis ang paggaling ng lungsod kaysa ibang bayan ng DR Congo ang pagiging malapit nito sa patag na sistemang daan ng Silangang Aprika at sa gumaganang silangang bahagi ng Lansangang Trans-Aprikano patungong Mombasa. Isang karagdagang bentaha sa Bukavu ang pagiging malapit nito sa mga pantalang lungsod ng Bujumbura at Kalundu-Uvira sa mga baybayin ng Lawa ng Tanganyika, kalakip ng daanang tubig patungong mga dulo ng daambakal sa Kigoma (na nakakawing sa Dar es Salaam) at Kalemie (na nakakawing sa timog-silangang DR Congo). Natuklasan na isang mahalagang salik sa napakabagal na kasaganaan at pagunlad ng lalawigan ng Timog Kivu ang ganap na paghihiwalay na malakihang dulot ng hindi magandang imprastrakturang daan.[6]
Ang Bukavu ay may maraming mga lunsaran sa tabi ng lawa at dahil sa kawalan ng maayos na mga daan, madalas gamitin ang transportasyong pambangka sa mga katubigang saklaw ng Congo.
Matatagpuan ang Paliparan ng Kavumu IATA: BKY, ICAO: FZMA, ang panloob na paliparan ng Bukavu, sa layong mga 30 kilometro hilaga ng lungsod is the domestic airport for Bukavu. Hindi naikukumpuni ang paliparan sa loob ng maraming mga taon. Ang pagkukumpuni sa paliparang ito ay magiging malaking kaginhawahan sa rehiyon at magpapadali sa mga negosyo at paglago ng ekonomiya.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2020-11-30. Nakuha noong 2019-05-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Global Witness Under-Mining Peace – The Explosive Trade in Cassiterite in Eastern DRC" (PDF). Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2008-02-27. Nakuha noong 2007-12-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Schwabe, Alexander (2006-05-16). "Kongo: Berserker von Bukavu torpediert die Wahlen". Spiegel Online. Nakuha noong 2017-09-17.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Orihinal na pangungusap sa Wikipediang Ingles: "This city is yours within three days." - ↑ "Killer Lakes." BBC Two Thursday 4 April 2002, summarised at www.bbc.co.uk.
- ↑ 5.0 5.1 "Climate: Bukavu - Climate graph, Temperature graph, Climate table". Climate-Data.org. Nakuha noong 6 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ulimwengu, J., Funes, J., Headey, D. and You, L. 2009. Paving the way for development? The impact of transport infrastructure on agricultural production and poverty reduction in the Democratic Republic of Congo, IFPRI Discussion Paper 00944, International Food Policy Research Institute (IFPRI), Washington DC, USA. 48 pp. [1]
- Diallo, Siradiou (1975). Le Zaire aujourd'hui. Editions Jeune Afrique. ISBN 2-85258-021-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - UN Department for Humanitarian Affairs, Inter-Regional Information Network briefings IRIN
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Gabay panlakbay sa Bukavu mula sa Wikivoyage
- "Detailed Map of Bukavu" (PDF). Kinshasa, Democratic Republic of the Congo: GIS Unit MONUC (United Nations Organization Stabilization Mission in the Democratic Republic of the Congo). 25 Agosto 2003. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 13 Oktubre 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Map "Bukavu, Sud-Kivu, Congo-Kinshasa" (PDF). Reférential Geographique Commun, République Démocratique du Congo. 21 Disyembre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - (sa Pranses) Worldwide Bukavu Community Website Naka-arkibo 2019-07-06 sa Wayback Machine.
- (sa Aleman) Spiegel-Online article
- (sa Pranses) Panzi Hospital of Bukavu
- 3tamis - website of Bukavu and its area
- Pictures of Bukavu, previously Costermansville