Bulok na ngipin
Bulok na ngipin | |
---|---|
Pagkawasak ng isang ngipin sa pamamagitan ng pagkabulok na serbikal o pagkasira ng "leeg" ng ngipin dahil sa panghihina at pagkasira ng ugat ng ngipin (root decay). | |
Espesyalidad | Pagdedentista |
Ang bulok na ngipin (Ingles: tooth decay, tooth cavity, dental cavity; katawagang pangmedisina: dental caries) ay isang kalagayang pangngipin kung saan ang isa o maraming mga ngipin ay nagkakaroon ng impeksiyon sa loob na nakapagsasanhi ng pagkasira at pagkabutas. Nagaganap ang pagkasira at pagkabutas dahil sa pagkalusaw ng mga elementong bumubuo sa ngipin. Ang pagkabulok ng ngipin ang pinaka karaniwang suliraning pangngipin na nagaganap sa buong mundo.
Sanhi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga sanhi ng pagkabulok ng ngipin ang mga mikrobyong nasa lalamunan na gumagawa ng mga asido sa pamamagitan ng iba't ibang mga uri ng asukal na nasa bibig, lalamunan at mga singit ng mga ngipin. Dahil sa nalilikhang asidong ito kaya't nagkakaroon ng pagkasira at pagkabutas ng ngipin.
Pag-iwas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga nakapagpapaiwas sa pagkasira at pagkabutas ng mga ngipin ang madalas na pagsisipilyo upang matanggal ang mga asukal na nasa bibig. Nakakatulong din ang regular na pagpapatingin ng mga ngipin sa dentista. Isa pang nakakapagpaiwas ng pagkasira at pagkabulok ng mga ngipin ang bahagyang pagkonsumo lamang ng mga pagkaing may mataas na antas ng asukal, katulad ng mga sopdrink, mga kendi at mga tsokolate. Kung sakaling kumain ng ganitong mga pagkain, kailangang linisin kaagad ang mga ngipin sa pamamagitan ng tamang pagsisipilyo.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ BULOK NA NGIPIN ([1], KALUSUGAN PH