Bulubundukin ng Kaukasya
Bulubundukin ng Kaukasya | |
Bulubundukin | |
Mga bansa | Timog Rusya, Heorhiya, Aserbayan, Armenya, Hilagang Iran, Turkiya |
---|---|
Pinakamataas na tuldok | Bundok Elbrus |
- elevation | 5,642 m (18,510 ft) |
- coordinates | 43°21′18″N 42°26′31″E / 43.35500°N 42.44194°E |
Haba | 1,100 km (684 mi) |
Lapad | 160 km (99 mi) |
Ang Bulubundukin ng Kaukasya (Ingles: Caucasus Mountains) ay isang bulubundukin sa Eurasia sa pagitan ng Dagat Itim at Dagat Kaspiyo sa rehiyon ng Kaukasya.
Binubuo ang Bulubundukin ng Kaukasya nang dalawang sisteman ng mga bundok:
- ang bulubundukin ng Malaking Kaukasya at
- ang bulubundukin ng Munting Kaukasya.
Ang Bulubundukin ng Malaking Kaukasya ay nakalatag mula Caucasian Natural Reserve sa may Sochi sa hilagang silangang dalamapasigan ng Dagat Itim, na binabagtas ang direksiyon mula silangang patimog-silangan at aabot malapi sa Baku sa Dagat Kaspiyo, samantalang ang Munting Kaukasya ay tumatakbo kahilera ng mas malaking bulubundukin, sa distansiya na mahigit-kumulang 100 km (60 mi) sa timog. Ang Bulubundukin ng Meskheti ay bahagi ng Munting Kaukasya. Ang Malaki at Munting Bulubundukin ng Kaukasya ay konektado ng Bulubundukin ng Likhi, na naghihiwalay sa Kapatagan ng Kolkhida mula sa Kapatagan ng Kura-Aras. Sa timog-silangan naman ang Bulubundukin ng Talysh. Ang Munting Kaukasya at ang Paltok ng Armenya ang bumubuo sa Paltok ng Transkaukasya. Ang pinakamataas na tugatog sa bulubundukin ng Kaukasya ay ang Bundok Elbrus sa Malaking Kaukasya, na may taas na 18,506 piye (5,642 metro) sa lebel ng dagat. Ilang mga bundok malapit sa Sochi ang pagdarausan ng ilang bahagi ng Palarong Olimpiko sa Taglamig 2014.
Natatanging mga tugatog
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nasa talaan ang pinakamatataas na tugatog ng Kaukasya. Maliban sa Shkhara, kinuha ang taas mul sa Sobyet 1:50,000. May mga mas mataas at mas kilala, subalit walang pangalan, na mga tugatog kesa sa mga nakatala sa ibaba.
Pangalan ng Tugatog | Elebasyon (m) | Kilala (m) | Bansa |
---|---|---|---|
Elbrus | 5,641 | 4,741 | Rusya |
Dykh-Tau | 5,205 | 2,002 | Rusya |
Shkhara | 5,201 | 1,365 | Rusya/Heorhiya |
Koshtan-Tau | 5,152 | 822 | Rusya |
Janga (Jangi-Tau) | 5,059 | 300 | Rusya/Heorhiya |
Kazbek | 5,047 | 2,353 | Rusya/Heorhiya |
Pushkin | 5,033 | 110 | Rusya/Heorhiya |
Katyn-Tau | 4,979 | 240 | Rusya/Heorhiya |
Shota Rustaveli | 4,860 | c.50 | Rusya/Heorhiya |
Tetnuld | 4,858 | 672 | Heorhiya |
Tingnan din: Talaan ng mga kilalang bundok sa Kaukasya
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Small Nations and Great Powers: A Study of Ethnopolitical Conflict in the Caucasus By Svante E. Cornell
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- NASA Earth Observatory mga larawan ng Bulubundukin ng Kaukasya: [1] Naka-arkibo 2011-08-07 sa Wayback Machine.
- Highest Peaks of the Caucasus from peakbagger.com