Bundok Tai

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Bundok Tai
Ang Timog na Tarangkahan patungong Langit sa Bundok Tai
Taas1,532.7 m (5,029 tal)
Pagkausli1,505 m (4,938 tal) [1]
PagtatalaUltra
Lokasyon
Kamalian ng lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 510: Unable to find the specified location map definition: "Module:Location map/data/China Northern Plain" does not existTai'an, Shandong
Mga koordinado36°15′21″N 117°06′27″E / 36.25583°N 117.10750°E / 36.25583; 117.10750Mga koordinado: 36°15′21″N 117°06′27″E / 36.25583°N 117.10750°E / 36.25583; 117.10750 [1]
Heolohiya
Urimetamorpiko, sedimentaryo
Edad ng batoCambrian
Climbing
Pinakamadaling rutaCable Car

Ang Bundok Tai (Tsino: 泰山; pinyin: Tài Shān) ay isang bundok na may kahalagahang pangkasaysayan at pangkalinangan na matatagpuan sa hilaga ng lungsod ng Tai'an. Ito ang pinakamataas na punto sa lalawigan ng Shandong, Tsina. Ang pinakamataas na tuktok ay ang Tuktok ng Emperador na Jade (Tsinong pinapayak: ; Tsinong tradisyonal: ; pinyin: Yùhuáng Dǐng), na karaniwang iniulat na 1,545 metro (5,069 tal) ang taas.[2]

Ang Bundok Tai ay kilala bilang silangang bundok ng mga Sagradong Bundok ng Tsina. Ito ay nauugnay sa pagsikat ng araw, pagsilang, at pagpapanibago, at madalas na itinuturing na pangunahin sa lima. Ang Bundok Tai ay isang lugar ng pagsamba sa loob ng hindi bababa sa 3,000 taon at nagsilbing isa sa pinakamahalagang sentro ng seremonya ng Tsina[3] sa malalaking bahagi ng panahong ito. Dahil sa sagradong kahalagahan at dramatikong tanawin, ginawa itong Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO noong 1987. Natutugunan nito ang 7 sa 10 pamantayan sa pagsusuri ng Pandaigdigang Pamana, at nakalista bilang isang Pandaigdigang Pamanang Pook na nakakatugon sa pinakamaraming pamantayan, kasama ang Pandaigdigang Pamanang Pook ng Ilahas ng Tasmania sa Australia.

Isang lindol[4][5] o bagyong makulog[6] ang nangyari sa Mount Tai noong 1831 BK[4] o 1652 BK,[5] na kilala rin bilang lindol sa Bundok Tai. Ang pangyayaring iro ito ay unang naitala sa mga Anal ng Kawayan, at sa kasalukuyan, kinikilala ito ng karamihan sa mga iskolar bilang ang unang naitalang lindol sa kasaysayan ng Tsina.[7][8]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga bakas ng presensiya ng tao sa Bundok Tai ay nagmula sa panahong Paleolitiko. Ang katibayan ng paninirahan ng mga tao sa lugar ay mapapatunayan mula sa panahon ng neolitiko pataas. Sa panahong ito, dalawang kultura ang lumitaw malapit sa bundok, ang kulturang Dawenkou sa timog at ang kultura ng Longshan sa hilaga.

Halagang pangkalinangan[baguhin | baguhin ang batayan]

Complex ng mga templo sa tuktok ng Bundok Tai
Ang pagsikat ng araw na tanaw mula sa Pantanaw na Plataporma ng Lu

Ang Bundok Tai ay may mahalagang kahalagahan sa relihiyong Tsino, bilang silangang bahagi ng limang Sagradong Bundok ng Tsina. Ayon sa makasaysayang mga tala, ang Bundok Tai ay naging isang sagradong lugar na binisita ng mga emperador upang mag-alay ng mga sakripisyo at pagninilay-nilay sa Dinastiyang Zhou bago ang 1000 BK. May kabuuang 72 emperador ang naitala na bumisita dito. Dumating din ang mga manunulat upang makakuha ng inspirasyon, gumawa ng mga tula, magsulat ng mga sanaysay, magpinta at kumuha ng litrato. Kaya naman, napakaraming relikyang pangkalinangan ang iniwan sa bundok.

Mga pagkilala sa kultura[baguhin | baguhin ang batayan]

Pag-akyat sa Mount Tai
  • Sa nobelang Jin Ping Mei, ang Babaeng Buwan ay naglakbay sa T'ai Shan, ..."dumating sila sa Ginintuang Palasyo ng Niang-niang. Mayroong pulang karatula sa ibabaw ng pasukan kung saan ang mga salitang ito ay may nakasulat na ginto: 'Ang Palasyo ng Nagliliwanag na Paglubog ng Araw.' Pumasok sila sa loob at pinagmasdan ang pigura ni Niang-niang."[9]
  • Ang idyoma ng Tsino na "Bundok Tai at Malaking Pangsawsaw" (Tsino: ; pinyin: Tàishān Bĕidŏu) ay isang epiteta para sa isang taong may dakilang pagkakaiba.
  • Ang idyomang Tsino na "有眼不識泰山" (literal na pagsasalin ay may mga mata ngunit hindi kinikilala ang Bundok Tai) ay tumutukoy sa isang ignorante ngunit mayabang na tao.
  • Ang Tsinong idyoma na "穩如泰山" (literal na pagsasalin na Kasingtatag ng Bundok Tai ) ay ginagamit upang ilarawan ang isang nilalang na napakaligtas o matatag.
  • Ayon sa sinaunang mananalaysay na si Sima Qian, sinabi niya "Bagaman ang kamatayan ay dumarating sa lahat ng tao, maaaring mas matimbang ito kaysa sa Bundok Tai o mas magaan kaysa isang balahibo."[10] Tinukoy ni Mao Zedong ang talatang ito noong ika-20 siglo: "Ang mamatay para sa bayan ay mas matimbang kaysa Bundok Tai, ngunit ang magtrabaho para sa mga pasista at mamatay para sa mga mapagsamantala at mapang-api ay higit na magaan kaysa isang balahibo."[11] Tinukoy din ng Rage Against the Machine ang sipi sa kantang "Year of the Boomerang": "So I'm goin' out heavy sorta like Mount Tai."[12] (lalabas ako nang mabigat tulad ng Bundok Tai)
  • Ang Taishan (Bundok Tai) ay ang paksa ng isang tula ng makata ng Tang dynasty na si Du Fu, Tanaw ng Taishan[13]
  • Ang Taishan (Bundok Tai) ay malawakang binanggit sa "Ang mga Canto" ni Ezra Pound, lalo na sa mga Pisanong Canto.
  • Ang Bundok Tai ay ipinapakita sa likurang panig ng limang yuan na salapi ng ikalimang serye ng renminbi na mga salapi.
  • Ang 1987 album na Hold Your Fire ng Canadiense na progresibong rock na bandang Rush ay naglalaman ng kantang "Tai Shan", na tumutukoy sa paglalakbay ng tambolero/lirisista na si Neil Peart sa Bundok Tai.
  • Ang Dai Miao ay itinampok sa Civilization IV ni Sid Meier bilang isang relihiyosong complex na maaaring itayo ng isang Dakilang Propeta, kaya nagtatag ng isang banal na dambana na nakatuon sa Taoismo sa Taositang banal na lungsod.
  • Si Tai Shan, ang ilan sa mga templo nito, at ang Jade na Emperador ay binanggit at binisita sa aklat ni Dan Simmons na The Rise of Endymion.
  • Tinutukoy ang Bundok Tai bilang ang lugar na pinagmulan ng Taizan Tenrōken (泰山天狼拳, "Mt. Tai Celestial Wolf Fist") martial art sa Fist of the North Star, na ginamit ng nakatatandang kapatid ni Yuria na si Ryuga.
  • Ang Bundok Tai ay ang pangalan ng Mons Tai, na matatagpuan malapit sa isang lugar sa dulong bahagi ng Buwan kung saan dumaong ang Chang'e 4.[14]
  • Ang mga makabuluhang eksena mula sa nobelang Ball Lightning ni Cixin Liu ay nangyari sa Bundok Tai, na inilalarawan niya bilang isang lugar ng madalas na pagkidlat at pag-aaral ng meteorolohiko.
  • Ang cargo vessel na MV Taishan (1986-2016) ay pinangalanan sa Bundok Tai.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 "Central and Eastern China, Taiwan and Korea" Peaklist.org.Listed as "Tai Shan". Prominence based on an elevation of 1,545 m and a col of 40 m. Retrieved 2011-11-19.
  2. Yuan Xingzhong; Hong, Liu (2000). "Studies on the diversity of soil animals in Taishan Mountain". Journal of Forestry Research. 11 (2): 109–113. doi:10.1007/BF02856685. S2CID 24791914. Tinago mula orihinal (– Scholar search) hanggang 2007-09-30. Kinuha noong 2007-06-04. {{cite journal}}: Kawing panlabas sa |format= (help)
  3. "Mount Tai". Encyclopædia Britannica. Kinuha noong 31 January 2015.
  4. 4.0 4.1 晁洪太; 王志才; 李家灵; 崔昭文 (1999). "山东泰安地区断层的最新活动与"泰山震"". 地震地质. 21 (2): P105-114. Tinago mula sa orihinal mula 2020-04-08. Kinuha noong 2020-04-28.
  5. 5.0 5.1 刁颋 (2010). "夏帝发七年"泰山震"的解读". 国际地震动态. 32 (376): P36-44. Tinago mula sa orihinal mula 2020-05-28. Kinuha noong 2020-04-28.
  6. 高继宗 (2008). "夏发七年"泰山地震"考". 国际地震动态. 30 (359): P135. Tinago mula sa orihinal mula 2020-05-28. Kinuha noong 2020-04-28.
  7. 雷册渊 (2017-08-23). "中国最早的地震记录 距今4000多年" (sa Tsino). 人民网. kaganapan 17:24. Tinago mula sa orihinal mula 2018-06-26. Kinuha noong 2018-06-12.
  8. "历史钩沉:泰山地震——历史上最早记载的地震" (sa Tsino). 泰安大众网. 2015-05-23. kaganapan 14:28. Tinago mula sa orihinal mula 2018-06-26. Kinuha noong 2018-06-12.
  9. The Golden Lotus, Volume 4. Singapore: Graham Brash (PTE) Ltd. 1979. pa. 149.
  10. 松本盛雄 (2006). 中国万花筒. ISBN 9787508509976. Kinuha noong 31 January 2015.
  11. "SERVE THE PEOPLE". marxists.org. Kinuha noong 31 January 2015.
  12. "Rage Against The Machine Year Of Tha Boomerang lyrics" Naka-arkibo 2012-10-31 sa Wayback Machine.
  13. "Du Fu – View of Taishan". October 28, 2019.
  14. "IAU Names Landing Site of Chinese Chang'e-4 Probe on Far Side of the Moon". International Astronomical Union. 15 February 2019.