Pumunta sa nilalaman

C. Auguste Dupin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Auguste Dupin sa kuwentong "The Purloined Letter".

Si Le Chevalier C. Auguste Dupin [oɡyst dypɛ̃] (Ang Kabalyerong si C. Auguste Dupin) ay isang tauhang likhang-isip na detektibo na nilikha ni Edgar Allan Poe. Unang lumitaw si Dupin sa "The Murders in the Rue Morgue" (1841) ni Poe, na malawakang itinuturing bilang ang unang kuwento ng detektibong kathang-isip.[1] Muli siyang lumitaw sa "The Mystery of Marie Rogêt" (1842) at sa "The Purloined Letter" (1844).

Si Dupin ay hindi isang prupesyunal na maniniktik at ang kaniyang mga motibasyon para sa paglutas ng mga misteryo ay nagbabago sa kahabaan ng tatlong mga kuwento. Ginagamit ang tinatawag ni Poe bilang "ratiocination", inihalo ni Dupin ang kaniyang malaking katalinuhan at karunungan sa piling ng imahinasyong malikhain, pati na ang paglalagay ng sarili niya sa isipan ng kriminal. Ang mga talento niya ay mayroong sapat na kalakasan na lumilitaw siya na para bang may kakayahang basahin ang isipan ng kaniyang kasama, ang hindi napangalanang tagapagsalaysay ng lahat ng tatlong mga kuwento.

Nilikha ni Poe ang tauhang si Dupin bago pa man malikha ang salitang Ingles na detective. Ang tauhang ito ang naghanda ng batayan para sa mga likhang-isip na mga maniniktika na darating pa, kabilang na si Sherlock Holmes, at naglunsad ng karamihan sa mga karaniwang elemento ng henero ng kathang-isip na detektibo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Silverman 1991, p. 171

Panitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.