Canis Major
Mga koordinado: 07h 00m 00s, −20° 00′ 00″
Ang Canis Major (Latin para sa "Mas Malaking Aso") ay isang konstelasyon na nasa katimugang himpapawid. Mayroon ding isa pang konstelasyon na kung tawagin naman ay ang Canis Minor na may kahulugang "mas maliit na aso" sa Latin. Itinala ito ng astronomong si Tolomeo sa kaniyang listahan ng 48 mga konstelasyon. Isa rin ang Mas Malaking Aso sa 88 modernong mga konstelasyon na ginawa ng International Astronomical Union (Internasyunal na Unyon na Pang-astronomiya).[1]
Ang bituing Sirius ay nasa loob ng Canis Major. Ang Sirius ay mayroong isang magnitud na -1.44, na nangangahulugang ito ang pinakamatingkad na bituin sa himpapawid na panggabi. Paminsan-minsan itong tinatawag na "bituing aso". Gayundin, ang Sirius ay mayroong lamang layo na 8.6 mga taong liwanag magmula sa Daigdig, na napakalapit.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ridpath, Ian. "Chapter One Continued". Star Tales. Nakuha noong 31 Enero 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kaler, Jim (26 Setyembre 2009). "Sirius (Alpha Canis Majoris)". Stars. Nakuha noong 31 Enero 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.