Carmen Velasquez

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Carmen Velasquez
Kapanganakan 7 Agosto 1913
Bayambang, Pangasinan
Kamatayan 16 Oktubre 1994
Pagkamamamayan Pilipinas
Hanapbuhay propesor ng unibersidad

Si Carmen C. Velasquez (Agosto 7, 1913Oktubre 16, 1994) ang kauna-unahang Pilipinong nakapagtapos ng Ph.D. sa Fish Parasitology at nag-aral ukol sa Aquaculture. Kanyang pinag-aralan ang tungkol sa paglipat ng parasito, nematodes mula sa hayop patungo sa tao, gamit ang mga dolphin. Kanya ring pinag-aralan ang mga algaw at epekto nito sa isda. Siya ay pinarangalang Pambansang Siyentipiko noong 1983.

Siya ay ipinanganak noong Agosto 7, 1913 sa Bayambang, Pangasinan. Nakapagtapos ng kurso ng Zoology sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1934, sa Unibersidad ng Michigan (1937) at doctorate degree (Ph.D. in Parasitology) mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1957.

Ang sulatin niyang "Digenetic Trematodes of Philippine Fishes", ang kauna-unahan sa buong Timog-Silangang Asya, na nagsilbing batayan tungkol sa Fish Parasitology at Aquaculture.


Siyentipiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Siyentipiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.