Charles Badham
- Tungkol ito sa isang manggagamot mula sa London, Inglatera; para sa Australyanong propesor, tingnan ang Charles Badham (propesor).
Si Charles Badham[1] (1780 – 1845) ay isang manggagamot mula sa London, Inglatera na siyang nagbigay ng pangalan sa sakit na bronkitis. Naibigay na niya ang pangalang ito sa karamdaman sa bagang ito bago pa man ang panahon ni René Laennec, isang duktor ng medisina mula sa Pransiya. Siya ang unang naglahad ng pagkakaiba ng bronkitis mula sa pleurisiya (o pleurisy sa Ingles; isang sakit na may pamamaga ng lalamunan) at pulmonya (ang pneumonia sa Ingles; pamamaga sa baga) sa pamamagitan ng mga sanaysay na isinulat niya hinggil sa paksa noong 1808 at 1814. Isa siyang mediko para sa Duke ng Sussex noong kanyang kapanahunan at naitalaga lumaon bilang isang propesor ng panggagamot o medisina sa Pamantasan ng Glasgow sa Iskotland. Isa rin siyang tagapagsalinwika, isang klasikong iskolar, at isang masugid na turista o manlalakbay.[1]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "Charles Badham". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 72.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.