Pumunta sa nilalaman

Pagsuway na pangmamamayan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Civil disobedience)
Si Mohandas Karamchand Gandhi, isang taong kilala sa buong mundo sa kanyang pagpapalaganap ng sibil na pagsuway nang walang karahasan.

Ang pagsuway na pangmamamayan (Ingles: Civil disobedience) ay ang aktibong pagtanggi sa pagsunod sa ilang mga batas, kagustuhan at mga utos ng pamahalaan o ng sumasakop na pandaigdigang kapangyarihan o kahit anumang ibang awtoridad. Ito ang isa sa mga pangunahing pagsuway na walang karahasan ayon sa ilang depinisyon. Kaya naman, minsan tinutumbas ang pasuway na pangmamamayan sa mga protestang mapayapa o paglaban ng walang karahasan.[1][2]

Ang sanaysay ni Henry David Thoreau na Resistance to Civil Government, na postumong nailathala bilang Civil Disobedience, ay pinasikat ang katawagan sa Estados Unidos, bagaman ang konsepto mismo ay ginagawa na ng matagal. Ito ay nagbigay inspirasyon sa mga pinuno tulad nina Susan B. Anthony ng kilusang pagboto ng kababaihan sa Estados Unidos noong huling dekada 1800, Saad Zaghloul noong dekada 1910 na humantong sa Rebolusyong Ehipto ng 1919 laban Britanikong Pananakop, at Mahatma Gandhi noong dekada 1920 sa Indya sa kanilang mga protesta para kalayaang Indiyano laban sa Imperyong Britaniko. Naglalaman ang mga mapayapang protesta nina Martin Luther King Jr. at James Bevel noong kilusang pangkarapatang sibil ng dekada 1960 sa Estados Unidos ng mahalagang aspeto ng pagsuway na pangmamamayan. Bagaman bihirang makatarungan sa korte,[3] itinuring ni King ang pagsuway na pangmamamayan na pagpapakita at pagsasanay ng paggalang para sa batas: "Any man who breaks a law that conscience tells him is unjust and willingly accepts the penalty by staying in jail to arouse the conscience of the community on the injustice of the law is at that moment expressing the very highest respect for the law." (Sinuman ang lumabag sa batas na sinasabi ng konsensya niya na di-makatarungan at kusang loob na tinanggap ang kaparusahan sa pamamagitan ng pagkulong upang pukawin ang konsensya ng pamayanan sa kawalang-katarungan ng batas ay sa sandaling iyon, nasa pinakamataas na respeto para sa batas.)[4]

Sa paghahanap ng isang aktibong anyo ng pagsuway na pangmamamayan, maaring piliin ng isang indibiduwal ang sadyang labagin ang ilang batas, tulad ng pagbuo ng mapayapang pagharang o ilegal pag-okupa ng isang pasilidad,[5] bagaman, maaring mangyari ang karahasan. Kadalasang may inaasahang pag-atake o pagbugbog ng mga awtoridad. Sumasailalim ang mga nagpoprotesta ng pagsasanay nang maaga kung paano ang magiging reaksyon sa aresto o atake.

Kadalasang binibigyan kahulugan ang pagsuway na pangmamamayan bilang pag-ukol sa relasyon ng mamamayan sa estado at mga batas nito, na naiiba mula sa isang impaseng pangkonstitusyon, kung saan nagsalungatan ang dalawang ahensiyang pampubliko, lalo na sa dalawang sangay ng pamahalaan na may pantay na soberanya. Halimbawa, kung tumanggi ang puno ng pamahalaan ng bansa na ipatupad ang isang pasya ng kataas-taasang hukuman ng bansang yaon, hindi ito magiging pagsuway na pangmamamayan, yayamang, umaakto ang puno ng pamahalaan sa kanyang kapasidad bilang pampublikong opisyal sa halip na pribadong mamamayan.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Violent Civil Disobedience and Willingness to Accept Punishment (sa wikang Ingles), bol. 8, Essays in Philosophy, Hunyo 2007, inarkibo mula sa orihinal noong 13 Hunyo 2010, nakuha noong 12 Marso 2015{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. John Morreall (1976), "The justifiability of violent civil disobedience", Canadian Journal of Philosophy (sa wikang Ingles), 6 (1): 35–47, doi:10.1080/00455091.1976.10716975, JSTOR 40230600, S2CID 152691269{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Steven L. Emanuel (Enero 2007), Criminal Law, Aspen, ISBN 9780735558182{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Brooks, Ned. "Meet The Press: Martin Luther King, Jr. on the Selma March". NBC Learn (sa wikang Ingles). NBCUniversal Media. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Hulyo 2018. Nakuha noong 22 Nobyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. ACLU of Oregon (Oktubre 2017), Your Right To Protest{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Rex Martin (Enero 1970), Civil Disobedience (sa wikang Ingles), bol. 80, Ethics, pp. 123–139{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)