Pumunta sa nilalaman

Organisasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Club)

Ang organisasyon, kasapian, asosasyon, klab o samahan (Kastila: organización, Ingles: organization, club, association) ay ang pangkat o grupong panlipunan ng mga tao na nagpapamahagi ng mga gawain para sa isang layuning pangsamasama, pinagsamasama, o tinipon-tipon. Ang salitang organisasyon mismo ay hinango mula sa wikang Griyegong organon, na hinango naman sa mas kilalang salitang ergon - na nakikilala natin bilang "organo" - na may ibig sabihing isang kompartamento (pitak, silid, kuwarto, o bahagi) para sa isang partikular na gawain, trabaho, o hanapbuhay. Ang "organisasyon" ay kaugnay ng salitang "pagtatatag".[1] Halimbawa nito ay ang World Trade Organization (WTO, ang Samahan nang Pandaidigang Pangangalakal). Ang mga pamahalaan ay nakapagtatayo ng mga organisasyon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. organization Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., bansa.org

Sosyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Sosyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.