Pumunta sa nilalaman

Crisostomo Yalung

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
The Most Reverend Crisostomo Yalung
Bishop Emeritus of Antipolo
SedeAntipolo
PanunungkulanDisyembre 2001 - Oktubre 2002
HinalinhanMost Rev. Protacio G. Gungon
KahaliliMost Rev. Gabriel Reyes
Mga detalyeng personal
KapanganakanDisyembre 3, 1953
Angeles, Pampanga
DenominasyonRoman Catholic

Si Crisostomo Yalung ay dating Obispong Katoliko mula sa Pilipinas. Siya ang ikalawang obispo ng Diyosesis ng Antipolo, na nagsilbi mula Disyembre 2001 hanggang Oktubre 2002.

Lumaki sa Pampanga, nagtapos si Yalung ng pilosopiya at teolohiya sa San Carlos Seminary. Naordinahan siya bilang pari para sa Arkidiyosesis ng Manila noong 1979. Naging rektor siya ng parehong seminaryo mula 1991 hanggang 1994. Kinonsagra siya ni Kardinal Jaime Sin bilang obispo ng Manila noong 1994.

Mula 1994 hanggang 2001, Pinamumunuan ni Obispo Yalung ang eklesyastikong distrito ng Makati. Mayroon siyang lisensiya sa Banal na Kasulatan mula sa Pontifical Biblical Institute at PhD sa Banal na Teolohiya mula sa Pontifical Gregorian University sa Roma.

3 Disyembre 2001 nang palitan niya si Lubhang Kgg. Protacio Gungon bilang Obispo ng Antipolo. Subalit naputol ang kanyang panunungkulan nang lumabas ang isang iskandalo noong Oktubre 2002. Di naglao'y nagbitiw siya sa tungkulin.

29 Enero 2003, ang sumunod kay Yalung na si Lubhang Kgg. Gabriel V. Reyes ng Kalibo, Aklan, ay itinalagang bagong Obispo ng Antipolo. Obispo Ang lathalaing ito na tungkol sa Obispo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.