Pumunta sa nilalaman

Croque monsieur

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Croque monsieur
Isang croque monsieur
UriSandwich
LugarPransiya
Ihain nangMainit
Pangunahing SangkapTinapay, mantikilya, hamon (karaniwang pinakuluan), keso (karaniwang Gruyère), paminta at asin
BaryasyonCroque madame

Ang croque monsieur (Pagbigkas sa Pranses: [kʁɔk məsjø]) ay mainit na sandwich na may hamon at keso. Nanggaling ang pangalan sa mga salitang Pranses na croque ("ngumalot o lutong") at monsieur ("ginoo").

Nagmula ang pagkain sa mga Pranses na kapihan at bar bilang meryenda. Noong pasimula ng siglong 1900, pinasikat ni Michel Lunarca, isang may-ari ng bistro, ang croque monsieur.[1]

Tradisyonal na ginagawa ang croque monsieur mula sa inihurnong o pinakuluang hamon at hiniwang keso sa gitna ng mga hiwa ng pain de mie, na tinabunan ng ginadgad na keso at inasnan at pinaminta nang bahagya, at inihurno sa oben o pinrito sa kawali. Maaari ring itosta ang tinapay sa pag-ihaw nito matapos ibabad sa binating itlog. Kinaugaliang gamitin ang Gruyère, ngunit ginagamit din minsan ang kesong Comté o Emmental. Sa ilang brasserie, idinaragdag din ang sarsang béchamel.

Maaaring ihurno o iprito ang croque monsieur para matunaw ang keso at upang bumuo ng balat sa ibabaw.[2][3]

Mga baryasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Croque madame[4] ang tawag sa croque monsieur na may itlog na pinoach o bahagyang pinrito na inilagay sa ibabaw. Sa mga parte ng Normandiya, tinatawag itong croque-à-cheval. Ayon sa diksiyonaryong Petit Robert, mapepetsahan ang pangalan sa mga 1960. Nauugnay ang pangalang croque-mademoiselle sa mas magaang behetaryanong bersiyon: gawa sa parehong tinapay, ngunit may ordinaryong tunaw na keso, at sinahugan ng perero, pipino at letsugas.[2]

Sa United Kingdom, tinatawag na toastie ang meryendang hamon-at-keso, at may mabibiling panggawa ng toastie. Sa Estados Unidos, sikat ang Monte Cristo, isang sandwich na hamon-at-keso na kadalasang sinasawsaw sa itlog at piniprito.[5]

May mga baryante ng sandwich na may pamalit o karagdagang sangkap na binigyan ng pangalan na nakamodelo sa orihinal na croque-monsieur, halimbawa:

Pangalan Mga idinagdag na sangkap Sanggunian
Barros Jarpa Baryasyon na may kahawig na sangkap mula sa lutuing Tsileno [6]
Barros Luco Gawa sa sinugbang baka sa halip na hamon [6]
Croque provençal Kamatis
Croque auvergnat Kesong Bleu d'Auvergne [7]
Croque norvégien Pinausukang salmon sa halip na hamon [6]
Croque tartiflette Hiniwang patatas at kesong Reblochon
Croque bolognese / croque Boum-Boum Sarsang Bolognese
Croque señor Sarsang kamatis
Croque Hawaiian Isang hiwa ng pinya
Croque gagnet Kesong Gouda at andouille [8]
Croque Madame Pinritong itlog [6]
Croque monsieur na may bechamel Karaniwang croque monsieur na nilagayan ng sarsang bechamel [6]
Francesinha Baryasyon mula sa lutuing Portuges na may pilete, tsoriso, hamon, natunaw na keso at sarsang serbesa [6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "La savoureuse histoire du croque-monsieur" (sa wikang Pranses). Le Figaro. 4 Abril 2019. Nakuha noong 4 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Croque-monsieur et croque-madame font des enfants" (sa wikang Pranses). aufimin cuisine suisse. 18 Marso 2009. Nakuha noong 21 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Croque monsieur au four" (sa wikang Pranses). Cuisine actuelle. Nakuha noong 21 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Dictionnaire général pour la maîtrise de la langue française, la culture classique et contemporaine. Paris: Larousse. 1993. p. 405. ISBN 2-03-320300-X. OCLC 29916226.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "History of the Grilled Cheese Sandwich" [Kasaysayan ng Inihaw na Kesong Sandwich]. History of the Grilled Cheese Sandwich (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 8 Marso 2021. Nakuha noong 6 Pebrero 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 6.5 Russo, Susan (2010). The Encyclopedia of Sandwiches [Ang Ensiklopedya ng Mga Sandwich] (sa wikang Ingles).{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Downie, David (23 Hulyo 2000). "Bread Winner". Los Angeles Times (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Tracing the History of the Croque Monsieur Sandwich Paris Blog Oui Always Have Paris". Oui Always Have Paris (sa wikang Ingles). 2015-08-11. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2018-10-06. Nakuha noong 2018-10-06.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)