Ctenolepisma almeriensis
Ctenolepisma almeriensis | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | |
Espesye: | C. almeriensis
|
Pangalang binomial | |
Ctenolepisma almeriensis |
Ang Ctenolepisma almeriensis ay isang uri ng primitibong kulisap na nasa ordeng Thysanura. Dating ipinapanig ang mga kasapi ng uring ito sa malawakang uring Ctenolepisma lineata subalit mayroong maliliit ngunit palagiang mga pagkakaibang sumasagisag dito bilang isang kahiwalay na uri. Natatanging matatagpuan ito sa timog-silangang Espanya, sa mga dalisdis na Mediteraneo ng mga lalawigan ng Alicante, Almería, Murcia at Valencia.
Naninirahan ang uring ito sa tigang na mga rehiyon, karaniwang sa ilalim ng mga guho sa paanan ng mga punungkahoy at mga palumpong, partikular sa mga Pinus at Juniperus. Lumilitaw na walang pagkakapatung-patong sa mga nasasakupang lugar ng uring ito at ng C. lineata, ngunit mas ginugusto ng panghuling uri ang mas mamasa-masang mga kapaligiran.
Kapwa umaabot ang C. lineata at C. almeriensis sa habang 13 mm (hindi kasama ang mga sanga) na may malaki-laking pagkakaiba-iba sa padron o huwaran. Nasa mga suklay ng mga kalisag o tutsang (mga buhok) sa toraks o loob ng dibdib ang natatanging pamalagiang pagkakaibang morpolohiko sa pagitan ng dalawa. Sa pangkalahatan, may dalawang mga hanay ng mga suklay ng mga buhok ang sa C. almeriensis, sa halip na isang hanay lamang.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ctenolepisma almeriensis n. sp. ng Lepismatidae (Insecta, Zygentoma) mula sa timog-silangang Espanya Naka-arkibo 2011-06-08 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kulisap ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.