Pumunta sa nilalaman

Ctenolepisma lineata

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ctenolepisma lineata
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Subklase:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
C. lineata
Pangalang binomial
Ctenolepisma lineata
Fabricius, 1775

Ang Ctenolepisma lineata (Ingles: Four-lined Silverfish) ay isang primitibong kulisap na nasa ordeng Thysanura. Pangkalahatang kahawig ito ng malapit na kaugnay na isdang pilak ngunit maaaring mapagkaiba dahil sa pagiging mas matataba at hindi gaanong makintab ng Ctenolepisma lineata, at sa pagkakaroon nito ng kapansin-pansing mas mahahabang mga sanga (mga antena at 3 mga "buntot"). Karaniwang may markang mga guhit na madirilim na mga linya ang tiyan, kaya't paminsan-minsang tinatawag ang uri bilang isdang pilak na may apat na mga guhit.

Katutubo ang mga uring ito sa katimugang Europa ngunit kasalukuyang matatagpuan sa halos kabuoan ng mundo dahil sa hindi sinasadyang pagdadala bagaman hindi ito umiiral sa mga rehiyong may klimang polar at may mas maginaw na mga rehiyong hindi may banayad na kalamigan at kainitan, katulad ng Mga Maliliit na Pulong Britaniko). Natatagpuan ito sa loob at labas ng mga gusali o bahay at maaaring maging mga salot na hayop.

May kamakailang mga pag-aaral hinggil sa mga uri sa Europa na may sapat nang kasamu't-sariang heograpiko upang mabigyang katuwiran ang paghahati nito sa ilang mga uri. May isang uring nagbigyan na ng tiyak na kalagayan, ito ang Ctenolepisma almeriensis ng timog-silangang Espanya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Chinery, Michael (1986, muling nalimbag noong 1991). Collins Guide to the Insects of Britain and Western Europe. ISBN 0-00-219170-9. {{cite book}}: Check date values in: |year= (tulong)
  • Fauna Europaea Naka-arkibo 2011-05-26 sa Wayback Machine.
  • Larawan Naka-arkibo 2006-09-01 sa Wayback Machine.

Kulisap Ang lathalaing ito na tungkol sa Kulisap ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.