Pumunta sa nilalaman

Pagkaing Islandiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Cuisine of Iceland)

Ang lutuing Islandiko ay may mahabang kasaysayan. Ang mga mahalagang bahagi ng lutuing Iceland ay tupa, isda, at produktong gatas dahil sa kalapitan nang dagat. Ang mga sikat na pagkain sa Iceland ay ang skyr (isang klasi na yogurt), hangikjot (o pinausukang tupa), kleinur (karaniwang araw-araw na kinakain na tinapay), laufabrauð (dahon na tinapay) at bollur (kremang tinapay).Ang Þorramatur ay isang tradisyonal na almusal na kinakain sa pagdiriwang taglamig na tinatawag na Þorrablót. Sa pagdiriwang na ito, may maraming seleksyon ng mga tradisyonal na binurong karne at isda na kinakain pagsama nang rúgbrauð (siksik na madilim at matamis na rye na tinapay) at brennivin (isang klasing Icelandic na alkohol).

Ang karamihan nang lasa nang manga tradisyonal na pagkain ng bansang ito ay tinutukoy ng mga parnamaaraan sa pangangalaga ginagamit: pag-aatsara sa binurong whey o brine, tinutuyo at pinapausukan. Ang modernong tagaluto sa Iceland ay karaniwang lumalagay nang diin sa manga kalidad ng mga magagamit na mga sangkap sa halip na sa pagluluto tradisyon at mga pamamaraan sa edad ang gulang.

Samakatuwid, mayroong maraming karinderya sa Iceland na dalubhasa sa lamang-dagat at sa taunang pagkain at kumpetisyon ng kasayahan nang punong tagapagluto. Mga punto ng pagmamataas ay ang kalidad ng mga tupa karne, lamangdagat, at ang skyr.Iba pang mga local na sangkap na bumubuo ng bahagi ng punong tagapagluto na taga-Iceland ay ibon na lumilipad sa dagat, salmon, trout, crowberry, blueberry, rhubarb, Iceland lumot, kabuting, thyme, lovage, at pinatuyong seaweed pati rin ang marami nauri na damong dagat.

Ang mga produkto na ginagawa gamit nang hayop ay nag mangibabaw sa lutuing Islandiko. Ang pinakamasarap na panlasa ay binuo, gayunpaman, para maging mas malapit sa pamantayang Europeo, and pagkonsumo ng mga gulay ay lubos na nadagdagan sa kamakailang mga dekada habang pagkonsumo ng isda ay pinaliit. Ang sariwang karne ng tupa ay nananatiling napaka-tanyag na habang tradisyonal na mga produkto ng karne, tulad ng mga iba't-ibang uri ng longanissa na nawalan ng maraming kanilang apela na may mga mas batang henerasyon.

Ang mga putaheng isda sa Iceland ay nagmumula sa mga isda na nahuhuli sa karagatang Hilagang Atlantiko. Ang sariwang isda ay maaring mahuli sa buong taon. Karaniwan, ang mga tao sa Iceland ay kumakain ng isdang eglepino, plaice, halibut, herring, at hipon.

Uri ng pagkain

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hakarl (pating sa wikang Islandiko) ay isang uri ng binurong karne ng pating. Ito ay bahagi ng þorramatur, ang tradisyonal na pagkaing Islandiko na kinakain pana-panahon. Ito ay madalas na kinakain kasama ang brennivín, isang uri ng lokal na alak.

Ayon sa kaugalian, ang pangunahing pinagkukunan ng karne ay ang lokal tupa. Ito din ang pinaka-karaniwang hayop sakahan sa Iceland. Gayunpaman, ang tupa ay ginagamit din para sa kanilang gatas at lana kung kaya't ito ay may mas mahal kapag buhay pa, kaysa sa patay. Ito ay nangangahulugang kapag ang tupa ay kinatay, (karaniwan ang mga bata o baog na tupa) lahat o karamihan ng bahagi nito ay ginagamit sa paggawa ng pagkain na siyang binuburo at pinangangalagaan. Ayon sa kaugalian, ang mga tupa ay kinakatay sa taglagas, kapag ang mga ito ay higit sa tatlong buwang gulang at umabot na sa bigat na halos 20 kilos. Ang kabayo ay hindi kinakain pagkatapos ng Kristiyanisasyon maliban bilang huling pagpipilian, ngunit ang saloobin na ito ay nagsimulang magbago pagkatapos ng gina ng ika-18 siglo kung saan ang karne ng kabayo, karaniwan inasinan at pinakuluuan o sa bjúgu, isang uri ng pinausukang longganisa, ay nagging karaniwan sa Iceland mula sa ika-19 siglo.

Ang karne ng baka sa Iceland ay karaniwang dekalidad na may mahusay na pagkahalo ng taba sa karne dahil sa malamig na klima. Ang bisiro sa Iceland ay pinapakain ng damo at pinapalaki nang hindi ginagamitan nang anumang bitamina. Gayunman, ang kakulangan ng tradisyon para sa pagkain karne ng baka (karne ng tupa pagiging nangingibabaw na karne) ay nangangahulugan na ang mas mababang kalidad ng karne ay minsan ibinebenta nang walang pagtatangi na nangangailangan ng maingat na pagpili mula sa mamimili.

Mga karneng-gubat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga maliliit na hayop na maaring mahuli sa pamamagitan ng pangangaso sa Iceland ay binubuo ng maliliit na ibong dagat. Ang karne ng ilan sa mga ibong dagat ay naglalaman ng langis mula sa isda at samakatuwid ay inilagay sa isang mangkok ng gatas magdamag upang alisin ang langis bago iluto. Ang isa sa uri ng wildfowl, Ptarmigan, ay makikita rin sa Iceland bagamat ang kapansin-pansing pagbaba ng bilang sa populasyon sa mga nagdaang taon ay humantong sa pagbabawal sa pangangaso nito. Ang ptarmigan na hinahain na may sarsang gawa sa gatas at pulot, ay isang tradisyonal na pagkain na inihahain ng mga tao sa Iceland sa tuwing kapaskuhan.

Ang pangangaso ng liyong dagat, lalo na ang popular na Harbor Seal, ay karaniwan sa mga mangingisda lalo na ang mayroong mga daan sa kanilang pugad. Ito ay itinuturing na isang mahalagang kalakal. Sapagkat ang karne ng tupa ay halos hindi kailanman kinakain ng sariwa, ang karne ng liyong dagat ay karaniwang kinakain kaagad kapag nahugasan sa tubig dagat, o pinreserba ng maikling panahon sa tubig na may asin. Ang karne ng liyong dagat ay hindi karaniwang kinakain ngayon at ito ay bihirang matagpuan sa mga tindahan.

Ang isang potensyal na pinagmulan ng karne, ang sistema ng paghuli ng balyena ay hindi posible sa Iceland hanggang sa huling bahagi ng ika-19 siglo dahil sa kakulangan ng mga barko. Ang maliliit na mga balyena ay hinuhuli malapit sa baybayin gamit ang maliliit na bangka na ginagamit para sa pangingisda. Ang beached whale (isang uri ng balyena) ay kinakain din at ang salitang Islandiko para sa beached whale, hvalreki, ay ginagamit pa rin na may kahulugang swerte. Noong sinimulan sa Iceland ang komersyal na paghuli ng balyena (karamihan ay Minke whale) sa unang bahagi ng ika-20 siglo, ang karne ng balyena ay naging popular na bilang mababang presyong karne na maaaring ihanda sa halos parehong paraan tulad ng mga mas mahal na karne ng baka. Simula ng umalis ang Iceland sa International Whaling Commission noong 1992, itinigil na ang komersyal na paghuli ng balyena ngunit ang karne ng balyena ay maaari pa ring matagpuan sa pinasadyang mga tindahan na kung saan mabibili ang karne na nagmumula sa maliit na mga balyena na aksidenteng nahulhuli sa lambat o napapadalampasigan. Noong 2002, muling sumali ang Iceland sa IWC at ang komersyal na paghuli ng balyena any muling nagpatuloy sa taong 2006. Sa ngayon, ang karne ng balyena ay muling karaniwang mabibili at magagamit muli, bagaman ang presyo ay tumaas dahil sa mga gastos ng paghuli.

Ang karibu ay ipinakilala sa Iceland noong huling ika-18 siglo at matatagpuang naninirahan sa moorlands sa silangang farthing. Ang maliit na bilang nito ay nahuhuli ng mga mangangaso bawat taglagas at ang kanilang mga karne, na mayroong sariling espesyal na katangian at lasa, ay maaaring matagpuan sa mga tindahan at kainan sa karamihan ng taon. Ang karne ng karibu ay itinuturing na isang espesyal at maselan na pagkain at ay karaniwang napaka mahal.

Limitasyon sa pag-aangkat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pag-aangkat ng mga sariwang karne sa Iceland ay mahigpit na binabantayan at sa mayroong mga lisensya na ibinigay sa mga nag-aangkat. Ito ay dahil sa mga panganib ng kontaminasyon ng mga lokal na hayop sa Iceland na walang mga katangiang panlaban sa ilang mga sakit na karaniwan sa mga kalapit na bansa dahil sa kanilang ilang siglong ekskresyon. Pinagbabawalan din ng custom ang mga turista sa pagdadala ng mga karne katulad ng inasinang karne ng baboy o longganisa. Lahat ng ganitong uri ng bagay na matagpuan ng mga opisyales ng customs ay kinukumpiska at sinusunog.

Produktong gatas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga produktong gatas ay napakahalaga sa mga tao sa Iceland. Sa katunayan, ang karaniwang tao sa Iceland ay kumakain ng 100 galon ng produktong gatas sa loob ng isang taon.

Prutas at gulay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang produksyon at pagkonsumo ng gulay ay patuloy na lumalago sa Iceland. Sa katunayan, ang produksyon ay tumaas mula sa 8,000 tonelada noong 1977 sa halos 30,000 tonelada noong 2007. Isa sa mga benepisyo ng malamig na klima ay ang mas mababang pangangailangan para sa gamot pamatay peste. Ang mga gulay gaya ng rutabaga, repolyo at singkamas ay karaniwang itinatanim sa berdeng bahay o greenhouse sa unang bahagi ng tagsibol at ang kamatis at pipino naman ay maari lamang itanim sa loob buong taon. Ang Iceland ay umaasa sa mga pag-angkat sa halos anumang uri ng matamis na bunga maliban sa matamis na bungang-kahoy. Simula noong unang bahagi ng ika-20 siglo. naging posible na ang pagtanim at paglago ng barley para sa pagkonsumo ng tao sa ilang mga lugar, sa unang pagkakataon mula noong gitnang panahon .

Tinapay at matatamis na pagkain

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagtatampok at nagtitinda ang mga modernong panderya sa Iceland ng maraming uri ng tinapay. Ang mga unang propesyonal na panadero sa Iceland ay nagmula sa Denmark at ito ay masasalamin pa rin sa propesyonal na tradisyon ng panadero sa Iceland. Ang mga lokal na paborito ay snúður, isang uri ng rolyong kanela, kadalasan na may glaze o tinunaw na tsokolate, at skúffukaka, ang isang solong-bahagi na keyk na gawa sa tsokolate na niluto sa isang tapayan, at karaniwang may tsokolate at dinurog na niyog.

Ang iba't ibang mga patong-patong na keyk na tinatawag na randalín, randabrauð o lagkaka ay naging sikat sa Iceland mula noong ika-19 siglo. Maraming pagpipilian sa uri ng keyk na ito na mayroong karaniwan na limang layer ng 1/2-pulgada ang kapal (13 mm) na kung saan salitan ang pagkapatong-patong ng keyk at ng mga prutas, minatamis o asukal. Isang bersyon na tinatawag na vínarterta, sikat noong kahulihan ng ika-19 siglo, na may mga layer ng prunes, ay naging isang bahagi ng tradisyong kulinarya ng imigranteng Islandiko sa Amerika at Canada.

Ang mga tradisyonal na tinapay, sikat pa rin sa Iceland, ay ang rúgbrauð, isang matigas at mabigat na uri ng tinapay na gawa sa Rye; ito at tradisyonal na niluluto sa kaldero o espesyal na mga kahon na ginagamit para sa paghurno sa mga espesyal na butas sa malapit sa mainit na batis, at flatkaka, isang malambot na kayumangging manipis na uri ng tinapay gawa sa rye. Ang isang karaniwang paraan ng pagkain ng hangikjöt ay nasa manipis na hiwa sa flatkaka. Ang iba pang uri ng tinapay ay ang skonsur o malambot na tinapay, at Westfjord Wheatcakes (Vestfirskar hveitikökur).

Ang mga tradisyunal na pastelerya ay ang kleina, isang maliit na piniritong masa ng tinapay kung saan ang masa ay pinitpit at hiniwa sa maliliit na mga trapezoid gamit ang isang espesyal na gulong panggupit (kleinujárn), isang maliit na hiwa sa gitna at pagkatapos ay ang isang dulo ay hinihila palusot sa hiwa upang bumuo ng isang buhol. Pagkatapos, ito ay piniritong mabuti sa mantika. Laufabrauð (literal na "dahong tinapay") ay isang napaka-manipis na wafer, na may mga disenyo na hiwa gamit ang matalim na kutsilyo at gulong panggupit. Ito ay pinipirito sa mantika hanggang sa ito ay lumutong at isang tradisyonal na pagkaing Pasko, paminsan-minsang hinahain na may kasamang hangikjöt.

Lutuin sa handaan o piyesta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkaing pampasko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Iceland ang Hapunang Pasko ay tradisyonal na kinakain sa Bisperas ng Pasko. Tradisyonal na pangunahing mga kurso ay hangikjöt (pinausukang tupa), hamborgarhryggur (inasinang tadyang ng baboy) at iba't-ibang uri ng mailap na ibon, lalo na ang estopadong Ptarmigan, Puffin (pinausukan), at inihaw na gansang Greylag kung maaari. Ang mga ito ay karaniwang sinasamahan ng béchamel o sarsa na gawa sa kabute, pinakuluang patatas at gisantes, inatsarang beetroot o pulang repolyo at minatamis na prutas. Isang tradisyonal na panghimagas ay matamis na lugaw na may pasas, na nilagyan ng kanela at asukal na tinatawag na jólagrautur ("Yule puding").

Sa Disyembre 23 (masa ng Santo Thorlak) mayroong tradisyon (na orihinal na mula sa Westfjords) na maghatid ng binurong isketing na may tinunaw na tallow at pinakuluang patatas. Pinakukuluan ang pang-Pasko na hangikjöt isang araw pagkatapos na ihain ang mga isketing upang maalis ang malakas na amoy nito na maaring tumagal sa bahay ng ilang araw.

Ilang linggo bago ang Pasko, maraming kabahayan ang gumagawa ng iba't-ibang mga biskwit na kanilang iniimbak para sa mga kaibigan at pamilya sa buong panahon ng bakasyon. Kabilang dito ang mga piparkökur, isang uri ng luyang biskwit madalas pinalamutian ng mga makulay na asukal. Ang laufabrauð ay pinipirito din ilang araw bago ang Pasko at pagpapalamuti nito ay isang okasyon pang pamilya para sa karamihan.

Ang konsepto ng Þorramatur ay inimbento ng isang kainan sa Reykjavik noong 1958 kung kalian sinimulan nila ilathala ang isang bandehado na may seleksyon ng tradisyonal na pagkaing pambansa na ugnay sa tradisyon ng Þorrablót na popular hanggang ika-19 siglo. Naging matanyag ang ideyang ito para sa mas lumang henerasyon sapagkat ang lasa ng mga pagkain ay nagbalik ng alaala ng pagkabata o ng panahon tuwing tag-init sa probinsya bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at urbanisasyon. Kamakailan, gayunpaman, ang þorramatur ay naging simbolo ng kakaiba at pambihirang tradisyonal na pagkaing Islandiko, at ang pagbanggit ditto ay magpapadala ng nginig sa maraming modernong taga-Iceland, na kung saan matatanaw ang katotohanan na maraming mga karaniwan na pagkain ay tradisyonal din bagaman hindi pangkaraniwang naisip na kabilang sa bahagi ng kategoryang þorramatur.

Kaarawan, kasal, binyag at pagpapatibay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mayroong iba't ibang okasyon para sa pag-imbita ng pinalawig na pamilya sa isang tanghalian o "panghapon na tsaa" na tinatawag na kaffi sa Icelandic, dahil ang kape ay mas karaniwan kaysa tsaa. Kabilang sa tradisyonal na pagkain ang kransakaka na mula sa Danes at iba't-ibang uri ng mga brauðterta, katulad ng Suweko smörgåstårta na may palaman na hipon, pinausukang salmon o hangikjöt at maraming mayonesa sa pagitan ng mga layer ng puting tinapay. Bantog din na para sa mga malalaking pagtitipon ng pamilya ang iba't ibang uri ng malambot na keyk na may mga sariwa o minatamis na prutas, kremang pinalantik (whipped cream), marzipan at merengge. Ang tradisyon na ito ay madalas na binabanggit kaugnay sa isang sipi mula sa nobela ni Halldór Laxness, na pinamagatang “Ilalim ng Glacier”, kung saan ang bida na si Hnallþóra ay gustong magpakain ng maramihang mga uri ng mga katakam-takam na keyk para sa tiktik ng obispo sa lahat ng mga kainan at pagkain. Ang kanyang pangalan ay naging tawag para sa uri ng keyk na ito.